“Tes, I’m fine. Naputol lang talaga ang heels ko. “ I heard him chuckled and looked at my heels.

“Hindi ka kasi dapat nagsususot ng mga sapatos na may ganito kataas na takong, Nakakamatay ito.” Yumuko siya at pinulot ang sapatos ko and his cent assaulted my senses. Iyon ang klase ng amoy na hahabol habulin ng kung sino mang nakasinghot. Napakaswabe sa ilong at hindi ka mahahatsing pag naamoy mo. Mukhang mamahalin. 

And then I looked at his face at literal na napanganga ako. He’s so damn handsome that my eyes hurt. His soulful eyes penetrate to my whole being nung magsalubong ang mga mata namin, mamula mula pa ang pisngi niya and I’m sure na hindi yun blush on. It was so natural kaya alam kong namula yun dahil sa init ng morning sun. Pati ang tungki ng upturned nose nito ay namumula all the way to his lips. Damn! How I wish, I had that lips. Hindi na ako gagastos sa lipstick at sa lipgloss at sa lipbalm kung ganyan ang lips ko.  Then my eyes went upward to his hair at napangiwi ako.

Okay! Mira forget about the hair. Forget the Elvis Presley hair na halos pinaliguan ng gel. Sa mukha ka na lang magfocus. At yun nga ang ginawa ko. At natuwa ulit ang mga mata ko. 

“That’s the trend right now and that’s expensive.” Mabuti na lang at nagawa ko pang magsalita at hindi mag stammer despite his awesomeness. 

He examined my shoes lalo na ang naputol na part at may kinuha sa bulsa ng pantalon niya. 

A mighty bond.

May dala nga siyang mighty bond!

Oh my gosh! Sino pa ba ngayon ang nagdadala ng mighty bond? Especially here in ultra modern Makati? Wala pa akong nakikita! Siya lang! I looked at him with amazement habang dinidikit niya ang takong ko sa sapatos.  Then he tested it at nung sa tingin na niya matibay na ito, akala ko ibibigay lang niya sa akin ito para isuot ko pero hindi, lumuhod siya  with one knee na parang nagpopropose sa harap ko at siya na mismo ang nagsuot ng sapatos ko. 

Nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya at feeling ko ang ganda ganda ko. Ang lakas na din ng tahip ng dibdib ko. Gosh! In love na ata ako sa lalaking ito. Kailangan kong makilala siya. I need to know his name. I need to get his number. Hindi ko mapapalagpas ang pagkakataon na ito. 

“Thank You.” Sabi ko pagkatayo niya. Aware na aware ako sa mga envy look ng mga babae sa paligid. Lihim akong napasmirk. 

“Walang anuman, para sa isang binibini.” Napangiti ako lalo. Shit! Okay lang kahit ma late araw araw basta ganito ang makaksalubong mo. Napaipit ako ng copper brown hair ko na may kulot kulot sa dulo sa tenga ko. 

Hinakbang ko ang paa ko na sinootan niya ng sapatos at nagkunyari akong matatapilok ulit kaya hinawakan niya ang bewang ko. And just as I expected inalalayan niya ako. 

“It hurts a little bit.” Sabi ko ng may kunting arteng ngiwi. 

“Halika, aalalayan kita.” And he offered his arm. Pinilit ko talagang hindi ngumisi at ngumiti lang ng pa demure sa kanya sabay kawit ng kamay ko sa braso niya at dahan dahan kaming naglakad.  Shit! Para akong may escort na hollywood actor.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!