Elle's POV

"Hi baby. Namiss mo ako agad ?" sabi ko habang nakangiti. Sammy is in the other line. Talking to me.

"Yes Mamaii ! I want cupcake Mamaii. Bring me cupcake please." he said na parang nagmamakaawa.

"Okay baby..Later..Bye Love You.." sunod sunod kong sabi at agad na ibinaba ang cellphone 

Maya-maya napalingon ako sa pinto ko at nanlaki ang mata.

T---teka wag niyang sabihin ?--

"K-kanina ka pa dyan ?" tanong ko halos maubusan ng dugo sa katawan sa gulat. N-no..

"Yes.." oh God. Please not now.

"A-alam mo bang mali ang makinig ng usapan ng may usapan ?" Shit ! I stuttered.

"Sino si Ba--" may itatanong pa sana siya nang.

"Hi babe !" Good God ! Save by the bell. Thanks Babe . I owe you a lot.

"Hi baby !" bati ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. Lumapit naman ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Please.." bulong ko.

"Ah. Okay." bulong niya rin sabay layo.

"Ehem." singit naman ni Lance. Shit nandito pa nga pala yang panget nayan.. Yes panget ! Ang panget niya kasi. Tss.

"Oh baby. Lance meet Will my boyfriend and Will meet Lance my BUSINESS PARTNER." sabi ko na may diin talaga sa business partner, 

"Oh. Hi I'm Will, HER BOYFRIEND." sabi ni Babe. Go babe ! I love it. Kita ko namang dumilim ang aura nya.

"I know narinig ko, kasasabi lang nga di'ba ? Well, You're JUST her BOYFRIEND. I'm Lance NICE TO MEET YOU...Rival. " Fudge ! At talagang sinabi iyon ni Lance habang madilim na nakatingin kay Will. 

"STOP ! Lance will you please go out ..." sabi ko at lumabas naman siya..

Paglabas niya agad ko namang yinakap si Will.

"Sorry babe...Sorry.." feeling ko magbebreakdown na ako. Hinawakan niya naman ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya.

"It's okay babe ,no harm done..." sabi niya pa.

"Ano nga palang ginagawa mo dito. And by the way thank for saving me,muntik na..." bulong ko pa sa kanya.

"Nothing babe. Namiss lang kita. Well dumaan lang talaga ako. So bye ?" sabi niya habang yakap yakap ako. William is such a perfect boyfriend. Masyado siyang maalahanin, lifesaver, at pasensosyo.

"Sige. Bye. Love you. " sabi ko pa. Hinalikan niya naman ako sa noo at umalis na.

Kinagabihan umuwi na ako. Tuwang tuwa naman si Sammy sa dala kong cupcake kasi naman pinili ko talaga siya ng may toy car design. Bukas naman mag-off off muna ako, aasikasuhin ko kasi iyong pagpasok ni Sammy sa school niya kahit pagsamantala lang.

"Mamaii.." napalingon ako habang nagsusuklay ng may nagsalita sa likod ko.

"Yes baby.." sagot ko habang pinapanuod siyang naglalakad papalapit sa akin habang bitbit ang favorite toy car niya, iyong galing kay Lance.

Pero sa halip na pumunta pala sa akin siya dumiretso siya sa kama ko.

"I wanna sleep beside you tonight Mamaii....can I ?" tanong niya habang papungas pungas ang mata niya. Lumapit naman ako at tinabihan siya..

"Sure baby...." sagot ko saka siya niyakap...

"Mamaii di'ba you told me that Tito Will is not really my Dad, so where is he, my real dad Mamaii?" para naman akong nanigas pa pagkakatabi ko ng tanungin niya iyan. Ilang beses ba ako magugulat ngayon?

"Hmm. Baby your dad is in a far far away land kinuha kasi siya ng mga witch sa ugali niya..." paninira ko sa ama niya.

"Oh ? So daddy is bad?" tanong niya pa.

'Yes baby. At baka hindi ka niya matanggap kung sasabihin ko sa kanya na anak ka niya.' sabi ng isip ko,pero iba nalang ang sinabi ko, ayaw ko namang siraan si Lance at ayaw ko ring masakatan ang anak ko at the same time.

"Not really. It's just. Ah. A long story baby. " sabi ko habang hinihimas ang buhok niya. He's just a 5 yrs old pero ang dami nang alam. Matanong na rin at iyong mga tanong pa man din niya hindi lang basta basta. Nakakaintense kasi e'. Daig ko pa ang contestant sa isang quiz bee.

"Mamaii, si Daddy po ba, love tayo ?" tanong niya na halos bulong nalang.

Napaisip naman ako ng isasagot ko saka ako nagsalita.

"I don't know baby but hmm....nevermind ." sabi ko pa kaso pagtingin ko naman sa kinakausap ko.

Tulog na.

Kinabukasan maaga akong umalis para kumuha ng Birth Certificate ni Sammy at dumiretso sa school na papasukan niya. Habang nag-aantay ako ng confirmation napatingin ako sa mag-asawang dumaan habang bitbit ng Lalaki ang anak ata nila.

"Daddy ! Mommy ! Binigyan po ako ni teasher ng shar !" bulol na sabi ng bata habang dumadaan sila.

"It's teacher and star baby..." pagko-correct naman ng tatay.

"Tea------sher...S-----har.." dahan dahan na sabi ng bata pero bulol pa din kaya nagtawanan sila.

I envy them....

Kung...Kung hindi lang. Tss. Ang babaw ko naman ! Kainis.

Bakit nanaman ba ako umiiyak?

Naaawa kasi ako kay Sammy hindi naman sa malayo ang loob ni Sammy kay Will pero hindi ko kasi siya mabigyan ng complete family, iyong legal at totoo 'yung pamilya niya.Naaawa ako sa anak ko dahil he doesn't want to see a happy family. Naiinis kasi siya. Yes. Ayaw na ayaw ni Sammy ang nakakakita ng buong pamilya. Naiinggit daw siya kahit may Tito na siya. Iba kasi talaga pag totoong tatay.

Hindi ko man mabigay kay sabi ang gan'un in the future. Bibigyan ko naman siya ng masaya at mapagmahal na pamilya.....

"Ms. Lopez ? " tawag ng isang babae galing sa loob ng office. Tumayo naman ako at pumasok. Binigay naman agad sa akin ang confirmation kaya agad akong lumabas. I can't wait to see Sammy's reaction.

Sa sobrang excited ko hindi ko namamalayan nakabangga na ako para malaglag ang mga papel na hawak ko. NAMAN !

"Sorry po..." mabilis na sabi niya sabay tingin sa akin. Nagulat naman ako ng makita ko kung sino ang nasa harap ko.SHIT !

Si Lance ! 

Agad ko namang dinampot ang mga papel at tumakbo.

"Elle !" rinig ko pa pero mas binilisan ko pa ang takbo ko..

My Runaway Groom (PUBLISHED BY LIFEBOOKS PH)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!