Peter.

Hello babies, bow down to your queen!

Oh, by the way we're all here at the Superiors' room, silently sitting at the living area while waiting for Pretty Caela to wake up. Nasa kwarto siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising. Sobrang naaawa nga ako sa kaniya. Kitang-kita mo sa mga mata niya 'yung sakit at lungkot. Nakakahawa tuloy.

Masuwerte pala talaga kami kasi may mga magulang pa kami, hindi tulad ni Caela na ulila na. Maraming tanong ang nasa isip namin ngayon. Actually noong isang linggo pa kami naguguluhan.

Hindi pa pala namin masyadong kilala si Caela, hindi naman kasi siya nagkukwento ng mga bagay tungkol sa kaniya. Although, nararamdaman naman namin na hindi siya masama. Alam namin na may mabuti siyang puso.

We began to ask questions in our minds since the day, when she beaten up the two-headed dragons. Walang kahirap-hirap na tinalo niya 'yung mga dragon samantalang halos malasog na 'yung iba sa amin. Pero hindi na kami nagtangkang ungkatin pa ang nangyari noon dahil gusto naming siya ang mismong mag-open up sa amin.

Sometimes I want to throw tantrums at her, kasi naman hindi talaga siya nagkukwento sa amin. Wala kaming alam sa kaniya, maliban na lang sa maganda at mabait siya. That's all!

Tapos mas lalo pang gumulo noong students leveling. She have an elemental power. Which is very unbelievable! Ang alam ko royalties lang ang pwedeng magkaroon ng ganoong kapangyarihan. Hindi naman royalty si Ganda. And she even broke the barriers na si Dashiell pa lang din ang nakakagawa. She also possessed the power of empathy, which is very rare. Ang pamilya lang ng reyna ang may ganoong klase ng kapangyarihan.

Ah, basta magtatanong na talaga ako sa kaniya sa oras na gumising siya. Bahala na!

*****

Caela.

Where am I?

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kulay black and white ang theme nito, halatang panlalaki pero malinis at masinop sa gamit. Dash's fragrance was all over the room, alam na alam ko ang amoy ng pabango niya. Pero imposible namang kay Dash na kwarto ito, kahit na sabihing 'yung pabango niya ang naaamoy ko.

Inamoy ko ang sarili ko dahil baka dumikit lang sa akin 'yung pabango niya noong binuhat niya ako. Naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko ng maalala koi yon. Ngayon ako nakaramdam ng hiya!

Oh gosh! Ano ang ginawa ko?

Nayon ko lang din naramdaman ang paghapdi ng mga mata ko. Aish! Naiiyak na naman ako. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang pagtulo nito. The pain was still here and I guess it would never be erase anymore.

Nakarinig ako ng mga mahihinang katok sa pinto na siyang kumuha ng atensyon ko. Tatayo na sana ako para buksan ito ngunit hindi na pala kailangan.

Unang pumasok si Peter na umupo agad sa tabi ko tapos sumunod ang mga girls na ganoon din ang ginawa. Then 'yung mga lalaki, huling pumasok si Dash na tahimik na nagtungo sa kabilang dulo ng kwarto.

"Are you okay now, pretty Caela?" malambing na tanong ni Zoey.

Parang de ja vu lang, ganito din 'yung nangyari noong araw matapos na makaharap namin 'yung mga dragon kaso ibang setting nga lamang.

"Uh, yeah! Salamat ulit sa inyo. Masyado na akong nakakaabala." Nahihiyang saad ko. Totoo naman kasi, lagi na lang akong pabigat sa kanila.

"Don't think like that, pretty. Kahit kailan hindi ka namin itinuring na pabigat." Sagot naman ni Peter habang hawak ang kaliwang kamay ko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!