CHAPTER 1: HOW THE STORY STARTED (EDITED)

445K 9.1K 1.3K
                                                  


*Note: I'll edit this again since ibabased ko un school na K-12 program na siya. Kaya may grade 8 sila then 1st year highschool. Na-gets niyo ba?

Head Teacher's POV

"MAG- RERESIGN NA TALAGA AKO!!!"

Nagulat na lang ako ng may malakas na impact na bumungad sa akin. Binuksan ko na yun drawer ko at kumuha na ko ng isang resignation letter out of 100+ resignation letters meron dito sa drawer ko. Hindi na ko nagtataka kung bumungad sa akin tong teacher na toh sa harap ko at sinigaw ang 4 words na yun. Ilang bese ko na ba narinig un?

"Ito na ang resignation letter mo." Sabay abot ko sa kanya. Kasama na din diyan un sweldo niya for 1 week at syempre hospital bills na rin.

Nagulat kayo kung bakit ako nagbibigay ng resignation letter sa kanila, pero dapat sila ang nagbibigay sakin. Dahil inaasahan ko na ang mga ganitong pangyayari, ako na talaga nagprovide ng resignation letter para sa kanila kaysa gumawa pa sila at ipapirma sakin. O diba bigay ko lang yan at may pirma ko na, tapos na ang problema nila sa buhay.

Bago man siya lumabas ng office ko. Humarap muna ang bugbog niyang mukha sa akin at nagsalita.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niyo magawang palayasin yang mga batang yan. They already break almost, no, ALL school rules here. They make this school's reputation go waste."

Then, umalis na siya.

Nagtataka na kayo kung ano talaga takbo ng story toh. AT WAG NIYO DIN ISIPIN NA AKO ANG BIDA.

Isa-isahin natin lahat.

Bakit may isang daang resignation letter sa drawer ko? Well, matagal ko ng nready yan. Buwan-buwan, Linggo-linggo, araw-araw, may nagreresign na teacher dito. Kaya syempre para hindi sila mahirapan pang gumawa, gumawa na ko ng marami para ibinigay na agad. Hindi ko na din ugali na pigilan ang mga teacher dito na magresign, bakit pa? Kahit ibigay ko sa kanila ang buong mundo, hindi ko na sila mapipigilan.

Bakit 1 week salary lang yun binigay ko doon? Dahil 1 week pa lang siya nagttrabaho dito. As simple like that.

Bakit may kasama pang hospital bills? In case na, may mga bali-baling buto siya. Lalo na galing siya sa tinatawag dito na "Hell Class".

At huli sa lahat, yun tungkol doon sa mga batang binabanggit niya. Tinatawag nilang mga student ng "Hell Class". Ang dahilan kung bakit buwan-buwan, Linggo-linggo, araw-araw, may nagreresign na teacher dito. Ang dahilan kung bakit araw-araw laging masakit ang ulo ko. Ang Class 4-6.

Sila ang klase na lahat ng tao dito ay sila ang kinatatakutan. Hindi naman sila pumapatay ng tao pero sila yun taong gustong gusto mo na lang mamatay kaysa makaharap mo sila. Sila ang worst sa lahat ng worst. At kung bakit hindi ko kayang iexpelled ang klaseng yun. Dahil sa isang estudyante, ang kanilang Class President.

Maraming gustong malaman kung ano ba meron sa Class president na yun. Bakit sobrang umaapaw sa powers ang batang yun. Pero wala naman magawa ang lahat dahil sobrang mysteryoso yun.

*ring*

O_______O

Bakit tumatawag siya?

"Hello Mr. President." Kahit tawag lang, kabado ako kapag kausap ko toh.

"A.. ano po?"

"Opo. I understand everything."

Naintindihan niyo? Ako kasi hindi eh.

HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT ILILIPAT DITO ANG XAVIER GIRL HIGH?!

After 1 week...

1 week ng nakakalipas nun tumawag si Mr. President. At heto kami ngayon, wnwelcome naming lahat ang mga girl student ng Xavier Girl High dito sa Xavier Boy High which is Xavier High na ang tawag ngayon.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ng President namin pero nagulat na lang ako nun tumawag siya para sabihin na binili na niya ang Xavier Girl High at ililipat sila dito. At 1 week lang ang binigay niyang palugit sa amin para ayusin ang lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit binili niya ang Xavier Girl High na para bang bumili lang ng isang kendi.

"Head Teacher! Head Teacher!"

"Oh bakit Ms. Physic?" Obvious ba kung anong subject tinuturo niya.

"May problema po tayo." Napataas naman ang kilay ko. Problema agad? Wag niyang sabihin Class 4-6 na naman.

"Ano na naman yun?"

"Eh kasi, may sobra po tayong isang girl student."

"Anong ibig mong sabihin?" Lalo tuloy tumaas ang kilay ko. Ayaw pa kasi iexplain ng diretso. Teacher ba talaga toh?

"Kasi po Head Teacher, lahat ng classroom po may 50 students na. At based po sa school rules natin, 50 students lang po per class. Kaya po hindi ko po alam kung ano po gagawin ko sa girl student na sumobra po."

"Wala na bang ibang solusyon diyan?"

"Me..meron naman po." YUN NAMAN PALA EH! Nababanas na ko sa teacher na toh!

"Meron naman pala eh. Eh bakit pnproblema mo pa?"

"Iyon nga po yung problema. May natitira pong classroom na hindi pa umaabot po ng 50 students. At iyon po ang Class 4-6."

"Jusko, edi ilipat mo yun girl student sa -"

O__O

"ANO?! CLASS 4-6?!"

Head Teacher signing off.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon