Kabanata 10

761K 23.9K 18.6K


Kabanata 10

Dapat

"Hindi ka ba naeexcite?" tanong ni Juliet sa akin.

Nasa loob kami ng isang napakalaking walk in closet. Isa ito sa maraming kwarto dito sa mansyon ng mga Revamonte.

Umiling ako. Sinasayaw ni Juliet ang mahabang gown ng kanyang ina. Maraming damit at gowns dito. Puro pa mamahalin. May vintage, may bago, at marami pang iba. May nakita pa nga akong mga damit daw ng Mommy ni Leon.

"Eto ang maganda!"

Ipinakita ni Juliet sa akin ang isang champagne colored gown. It's true, though. Napatitig ako sa napakagandang gown. Mukha itong gawa sa gold at iba't-ibang crystals. Bahagya akong napatigil kahit na gumagawa pa ako ng assignment.

"Juliet..." Huminga ako ng malalim. "Malayo pa 'yon! Masyado kang excited!"

Malapit nang magsimula ang sunod na taon namin sa kolehiyo. Ang sabi ni Mama, ipapasali niya na raw ako sa Miss ACC dahil mapapanood na ito ni Joaquin lalo na ngayong college na rin siya.

"Wala lang... Hindi ako makapaniwalang pumayag si Mama na kumuha ka ng damit dito para masuot mo sa pageant! I mean, I've been dreaming of wearing these pieces. Pero wala akong mapagsuotan!"

Ngumiti ako. Well, it doesn't change a thing. Kanila ang mga ito. If Juliet wants to wear it anywhere, she can. Ako, kailangan pa ng approval.

Bumukas ang pintuan ng kwarto. Sabay kaming napatingin ni Juliet sa kung sinong dumating.

"Akala ko si Marjorie!" ani Juliet.

Si Ate Lea ang dumating. Her super long hair danced as she walked toward us. Tipid siyang ngumiti at dinungaw ang sinusulat ko.

"Nasaan ba si Marjorie?" tanong ni Ate Lea.

"Ewan ko. May family gathering daw sila saglit pero paparating na rin naman dito, Ate. Wala pa ba sa labas? Mamaya na wala iyon. Hindi pa naman kabisado noon ang mga daanan."

"Wala pa. Wala pa namang nasasabi ang mga kasambahay."

Nilingon ulit ako ni Ate Lea. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

Tuwing summer, narito ang mga kapatid ni Leon. Ngayon nga ay nakapagtataka ang hindi pag-uwi ni Kai at Nicholas. Siguro ay masyadong nagustuhan ang Maynila? Hindi ko alam.

"Kailan ang alis ni Nicholas?" tanong ni Juliet.

Napatingin ako sa aking kaibigan. Alis saan?

"Hindi ko pa sigurado, Juliet. Siguro mga Disyembre..." sagot ni Ate Lea. "Anong ginagawa mo, Freya?"

"Ah. May tinatapos lang akong homework..." sabi ko.

"Homework? Gayong summer naman?"

"Hay, Ate! Ganyan talaga ang mga Accountancy studs. 'Tsaka itong si Freya, hindi tumitigil sa kakaaral. Kahit summer ay 'di pinapalampas."

"Kailangan naman kasi, Juliet..."

Tumango si Juliet. Nagpatuloy ulit ako sa ginagawa kahit na naiilang na dahil pinapanood na ako ni Ate Lea.

"Nasaan si Leon?"

Napatingin ako kay Ate Lea dahil sa kanyang tanong. I don't know who she's asking but I feel like it's me. Nakatingin kasi siya sa akin. She's smiling but her eyes looked curious.

"Baka nasa kwarto niya, Ate..." sagot ni Juliet.

I really thank Juliet for being so talkative. Siya na ang bahala sa mga tanong. I don't like to answer that, anyway.

Ripped: Freya (Alegria Girls Series #2)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!