Caela.

Malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa barrier. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip ko.

Bakit ako nandito sa tapat ng bahay namin?

Paano ako napunta dito?

Akala ko ba nasa arena ako at handa ng sumalang sa leveling?

Urgh! Nakakasakit ng ulo.

"Caela, sweetie." Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya't dumako ang aking paningin sa pinto ng bahay namin.

"Mama!" Mahinang naisatinig ko.

"Sweetie, nandiyan ka na pala. Halika na dito sa-." Hindi na naituloy ni Mama ang sinasabi niya dahil sinugod ko siya ng mahigpit na yakap. Miss na miss ko na ang Mama ko.

"Mama. Mama. Buhay ka po! Akala ko hindi na tayo magkikita. Miss na miss na miss na kita." Umiiyak na saad ko habang yakap siya. Ayokong humiwalay sa kaniya dahil natatakot akong baka hindi ito totoo.

"Ano bang sinasabi mo diyang bata ka, huh? Buhay talaga ako at araw-araw tayong magkasama pero namimiss mo pa rin ako. Ang sweet naman ng anak ko." Natutuwang sabi ni Mama.

Huh? Ano? Paanong araw-araw kaming magkasama?

"Hoy, kayong mag-ina diyan. Pumasok na nga kayo dito sa loob at baka lumamig na 'yung pagkain natin." Napabitaw ako sa yakap nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

That's my Papa! Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko at hindi nga ako nagkakamali - nakatayo doon ang Papa ko at mayroong malawak na ngiti sa mga labi.

"Papa. Papa ko!" Lalong lumakas ang iyak ko nang makita ko sa mismong harapan ko si Papa. Sinugod ko siya ng mahigpit na yakap. Sobrang saya ko ngayon, sa wakas kasama ko na ulit ang mga magulang ko.

"Aww. Ang iyakin naman ng baby namin. Payakap nga si Papa." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya sa akin, mas lalo akong naiyak dahil doon. Wala na akong mahihiling pa, kumpleto na ulit kami.

"Bakit ka ba umiiyak, anak? Papangit ka niyan." tanong ni Papa. Humihikbing umiling ako at pinakatitigan lang sila.

"Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari sa batang iyan, Pa." napapailing na ani ni Mama.

Niyakap ko lang silang muli. Ayokong matapos ang araw na ito.

"Halika na kayo, kumain na tayo." Yaya ni Mama habang nakangiti sa amin.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob, nakahawak ako sa magkabilang braso nila. Yes, this is my home!

Habang naglalakad papasok ay nakaramdam ako ng kakaiba, kaya hindi ko napigilang hindi mapahinto. Anong meron?

"Bakit anak, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Papa.

"Uh? W..wala, Papa. 'Lika na po." Nag-aalangang sagot ko. Napaparanoid lang siguro ako. Yeah! Siguro nga.

"Menudo. Afritada. Adobo. Huhu! My favorites." Tuwang-tuwang sabi ko nang makita ko ang mga nakahandang pagkain sa harap ng mesa.

Narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko, mukhang nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan, ah?

"Mama, Papa, kain na po-" napatigil ako nang makita kong wala na sa likuran ko ang mga magulang ko.

Huh? Akala ko ba kasunod ko lang sila? Gutom na ako pero gusto kong magkakasabay kami.

"Mama. Papa." Tawag ko sa kanila. Bumalik ako sa salas dahil baka nandoon pa sila.

"Mama, Papa. Tara na po, gutom na ako." Muling tawag ko sa kanila pero wala akong naririnig na sagot mula sa kanila.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!