Chapter 42 (August 29, 2011)

1.1M 14.5K 2K
                                    

DATE POSTED: August 29, 2011


Chapter 42

"AY KABAYONG BUNTIS!" nagulat talaga si Phoebe. Naitapon niya pa yung cellphone niya.

"Anong kabayong buntis? Hindi ka nga buntis ang kulet naman! Sinong kausap mo?" tumayo ito para kunin yung celphone ni Phoebe na humagis sa lapag.

"WAaaah! Anu ba!! CP ko yan!!" tumayo si Phoebe mula sa pagkakahiga. Ayaw niyang magselos na naman si Kent pag nalamang si Harley ang kausap niya.

Hala!!! Mamaya magkanda loko-loko na naman ang sitwasyon pag nalaman niyang si Harley ang kausap ko at pinaguusapan pa naming si Philip!

"Ang hina hina mo magsalita diyan? CP mo nga to? Eh ano? Lahat ng sayo, sa akin na rin!"

"Psh!!" Kinikilig si Phoebe sa pagkapossessive ni Kent. Pero kinakabahan din siya. Para siyang teenager na nagtatago ng textmate sa magulang.

Tinignan na ni Kent yung cellphone niya.

"Oh wala ka namang kausap ah!! Ano ka nababaliw? Natutulog lang ako, nagfe-fake ka pa ng call?" sabi ni Kent.

Phew! Mukhang binaba na rin ni Harley. Nasigawan ko pa naman siya ng kabayong buntis. Pshh.

"Pero teka.. titignan ko nga mga call logs mo." sabi ni Kent bago pumindot-pindot sa cp ni Phoebe.

Huwaaaaaaaaaaaaaaatttt?!

"Hmmmm received calls... Kate?" Kumunot ang noo ni Kent.

"O-oo! Sabi ko sayo hindi ako nagfe-fake ng call eh! Haha-hahaha!"

Waha! Kate nga pala yung pangalan ni Harley sa contacts ko. Naisip ni Phoebe.

"Sino tong Kate na to? May kaklase ka bang Kate? Schoolmate ba natin to? Kamag-anak mo ba?"

"Ahh wala yan malayong malayong pinsan lang yan!" yun na lang ang nasabi ni Phoebe.

Tinignan lang siya ni Kent.

"Akin na yan!"

Binato ni Kent ang cellphone niya. Hindi nasalo ni Phoebe pero sa kama lang din ito bumagsak.

"Tignan mo to!! Iaabot lang ng maayos binato pa!"

Di sumagot si Kent. Direderetso lang itong papalabas ng kwarto niya.

"Saan ka punta?! Ikaw ang parang buntis dyan eh! Napakamoody mo!" habol niya ng sigaw dito.

"Papagawa kita ng pagkainkay manang maghintay ka lang dyan. Inuuna mo pa pakikipagtawagan kesa sa pagkain." At tuloy-tuloy lang itong lumabas.

"TEKA!! Bababa na ako! Makakababa naman ako doon na lang ako kakain.

Hindi alam ni Phoebe kung narinig ba siya ni Kent.

Nyanyanyanya! Di maintindihan talaga yun! Haaay! Nagulat ako parang tumalsik yung puso ko hanggang kalawakan sa pagkagulat kanina! Shemay! Ang gulo-gulo makikipagkita ba ako sa kanila?

Kinuha niya ulit ang cp niya at nagtext.

| Harley. Sorry kanina. Si Kent kasi. Okay lang bang mamayang gabi na lang? Di pa ako makakatakas kay Ket eh. Di ko alam ang ipapaalam ko.|

Waaah! Bilisan mo magreply ka na agad!!

Maya-maya lang nagreply na nga ito.

From: Kate

|Alright. Mamaya. 6pm|

Okay! Ano kayang pag-uusapan namin?

Dali-dali na siyang bumaba. Sa tingin niya, magaling na naman siya kaya ayaw niya ng kumakain ng nakahiga sa kama. Tumingin siya sa orasan. Lunch time na pala.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon