“AY KABAYONG BUNTIS!” nagulat talaga si Phoebe. Naitapon niya pa yung cellphone niya.

“Anong kabayong buntis? Hindi ka nga buntis ang kulet naman! Sinong kausap mo?” tumayo ito para kunin yung celphone ni Phoebe na humagis sa lapag.

“WAaaah! Anu ba!! CP ko yan!!” tumayo si Phoebe mula sa pagkakahiga. Ayaw niyang magselos na naman si Kent pag nalamang si Harley ang kausap niya.

Hala!!! Mamaya magkanda loko-loko na naman ang sitwasyon pag nalaman niyang si Harley ang kausap ko at pinaguusapan pa naming si Philip!

“Ang hina hina mo magsalita diyan? CP mo nga to? Eh ano? Lahat ng sayo, sa akin na rin!”

“Psh!!” Kinikilig si Phoebe sa pagkapossessive ni Kent. Pero kinakabahan din siya. Para siyang teenager na nagtatago ng textmate sa magulang.

Tinignan na ni Kent yung cellphone niya.

“Oh wala ka namang kausap ah!! Ano ka nababaliw? Natutulog lang ako, nagfe-fake ka pa ng call?” sabi ni Kent.

Phew! Mukhang binaba na rin ni Harley. Nasigawan ko pa naman siya ng kabayong buntis. Pshh.

 

 

 

“Pero teka.. titignan ko nga mga call logs mo.” sabi ni Kent bago pumindot-pindot sa cp ni Phoebe.

Huwaaaaaaaaaaaaaaatttt?!

 

 

 

“Hmmmm received calls… Kate?” Kumunot ang noo ni Kent.

“O-oo! Sabi ko sayo hindi ako nagfe-fake ng call eh! Haha-hahaha!”

Waha! Kate nga pala yung pangalan ni Harley sa contacts ko. Naisip ni Phoebe.

“Sino tong Kate na to? May kaklase ka bang Kate? Schoolmate ba natin to? Kamag-anak mo ba?”

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!