Chapter 4

829K 22.3K 6K
                                    

ALL of my executive members stood up like soldiers when I entered the conference room. But my eyes focused on one specific person.


His name is Patrick Ko, a business partner.


He grinned at me as I sit down. He's into dirty business, too. Marami siyang ibang maliliit na negosyo pero hindi niya mabitawan ang Triad dahil doon siya kumikita nang malaki. Ang balita ko sa isa sa mga bumaliktad niyang tao ay pinag-iisipan niya akong traidurin. Well I am not surprised. I know him for a long time. Alam na alam ko ang likaw ng bituka niya. Kahit itsurang anghel siya, alam ko na bisyo niya ang mangtraidor. Marumi siyang maglaro dahil greedy siyang tao. Palibhasa ay galing sa hirap at hindi galing sa malaking angkan kaya ganid na ganid sa kayamanan. Kung hindi na nga lang siya kailangan sa paparating na transaksyon ay bakadinispatsa ko na siya.


Wala naman akong pakialam talaga sa kanya, I am not threatened. Garapata lang siya compared to me, pero nagdidilim ngayon ang paningin ko sa kanya. Hindi ko nagustuhan ang nakikita kong interes ni Patrick sa pag-aari ko, hindi sa pera ko, sa mga tauhan ko o negosyo... iba. Sa ibang pag-aari ko. 


Sigurado akong may nakita akong kakaiba sa mga mata nito matapos makita si Aviona Camille.


And I don't like this feeling na parang aagawan ako ng pagkain.


Ibinalik ko si Aviona sa pinagkukulungan niyang kuwarto. Hindi puwedeng makita siya ulit ni Patrick. Ni makita siya ng ibang lalaki ay hindi ko gustong mangyari.


I own her. Hindi pa siya ipinapanganak sa mundong ito ay pag-aari ko na siya.


I am her cage. And there's no way I will free her because she is mine.


"Mr. President?" Lucas asked. His voice woke me up. "Are you with us?"


Napakurap ako. My teeth clenched because I saw Patrick laughing.


"What's funny?" I asked.


Nagbago ang mukha ni Patrick dahil sa tanong ko. "It looks to me that the president is not in the mood."


I calmed myself. If this take so long ay baka mapatay ko sya sa harapan ng mga board. I need to hit the nail on the head before everything turns red. "What is this meeting exactly?"


Armadeo, my man in Negros stood up. "Na-raid ang planta natin sa Negros. It costed us too much damage. Baka umastras ang mga kliyente natin niyan kapag nalaman nila ito. At paano kung hindi pa roon magtapos? Paano kung pinaiimbestigahan na rin pala ako?"


Ang planta na tinutukoy ng matanda ay iyong taniman namin ng mga cocaine. We have a secret lab kung saan ginagawa ito at niluluto pagkatapos ay iaangkat sa Mexico.


"Mukhang hindi nila kilala kung sino si Lander Montenegro," Patrick grimaced.


"We have to do something," Armadeo said. He seemed really stressed. Siya ang pinakamatanda sa mga narito. 74-year-old man, I think?


His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon