"If you want to live peacefully hindi mo na itutuloy ang balak mo!" Iñigo says with a hint of warning despite his calm tone. Hinarap naman ito ni Mark habang ang isang kamao ay isinusuntok sa sariling palad nang paulit-ulit.

"Go home or go to hell?" said Mark as he glares at the man.

Tinalikuran na niya mga kaibigan at hinarap si Reghie. Parang wala itong pakialam sa nangyayari sa paligid at ini-enjoy lang ang pag-inom. Hindi niya pa ito nakausap pagkatapos ng nangyari kahapon. Nagpumilit itong umalis at wala na siyang nagawa pa.

"Redge," hinawakan niya 'to sa balikat. Naniningkit siya nitong nilingon.

"Hey! The Avengers are here!" Anito na tinutukoy ang magkakaibigan na ngayon ay lahat nasa likod na ng dalaga. Pinaikot ni Regie ang stool paharap sa apat.

Reghie pointed Aiken and said. "Captain America."

She pointed Iñigo and said. "Iron Man." Tumawid ang tingin nito kay Mark. "Thor, Redge, Thor," Mark claimed it. Reghie's gaze shifted to Matthew. A sarcastic smirk appeared on her lips and said. "Mosquito Man."

"Baka Ant Man, Redge," Mark corrected her.

"Mosquito. Mahilig manusok at manipsip eh," ani Reghie at tinalikuran ang apat. Nagtawanan naman ang magkakaibigan sa sinabi nito.

"Another Caribou Lou Please," Reghie ordered another drink after emptying the glass.

"'Wag mo na siyang bibigyan," utos ni Matthew sa bartender.

"Give me a drink and I'll give you a good tip," Reghie encouraged the bartender to make her drink.

"Give her drink and I will ensure you that that is the last breath you can do," Matthew says calmly, but the violence of his words were very visible. Napaatras na lang ang bartender na bakas ang takot. Matthew pulled out his wallet from his pocket, taking out a few thousands and laid on the countertop.

"Halika na," sinubakan niyang itayo si Reghie pero itinulak lang siya nito.

"Bakit ka ba nangingialam? Puwede ba umalis ka nga!" Singhal sa kanya ng dalaga sa hindi maayos na boses. Kinuha niya ang bag ni Reghie na nasa ibabaw ng countertop at walang sabi-sabing pinangko niya si Reghie. Pinagpapalo siya ni Reghie sa dibdib habang tili nang tili pero ininda lang niya ang mga palo nito.

"Akala ko ho sir wala na kayo ng girlfriend mo? Apat na taon ko rin kayong hindi nakitang magkasama," ani security guard nang papalabas na sila. Kilalang-kilala sila nito noon pa man.

"LQ lang kami ng apat na taon," he jokes and the guard laughs. Nadala at naisakay niya si Reghie sa sasakyan na panay ang sigaw at hampas sa dibdib niya.

"Fuck you, Matthew!" Sigaw nito sa kanya nang makasakay siya ng sasakyan.

"I can't believe na pinapabayaan ka lang ng asawa mo nang ganito!" He says as he turns on the engine of his car.

"Wala akong asawa! Gusto kong uminom at 'wag kang nangingialam!" Nailing na lang si Matthew dahil mukhang hindi na 'to makakausap ng matino.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!