Chapter 43: Another chance

532K 16.3K 4.2K
                                    



Caleb's point of view


Sa tuwing iinom ako ng alak, sa bawat hagod ng alcohol sa lalamunan ko ay ang paglimot ko sa lahat ng problema ko pero ngayon kahit na lumaklak pa ako ng isang bote ng alak, hindi pa din mawala 'yong sakit.

I've never been in love like this before. Iba si Angel, eh. Ibang iba siya sa lahat ng babae na nakilala ko. Sh'e not the typical girl you'll see around. Siya 'yong tipo na mahirap makuha, 'yong tipo nang babae na hindi mawala wala sa isip mo at 'yong tipo ng babae na kahot wala pang gawin ay napapasaya ka na. She's very special.

"Kuya, ang aga aga alak na naman 'yang tropa mo," kinuha niya sakin 'yong bote ng tequilla na hawak ko. "Tama na 'yan, may pasok ka ba 'di ba?"

"Hayaan mo na ako, parang tubig ko na lang naman 'to eh."

Inagaw ko ulit sakanya 'yong tequilla ko. Umiling siya at tinignan niya ako na parang ang hopeless ko na masyado. Sabagay, hopeless na ulit ako. Patapon na naman ang buhay ko.

"Tingin mo ba babalikan ka ni Ate Angel kung ganyan ka?" Just to hear her name makes my heart beats so fast. Until now kahit na niloko niya ako, ganito pa din 'yong epekto niya sakin. "Ayusin mo muna 'yang sarili mo Kuya tska ka niya babalikan, okay? I better go now. See you later."

Isang oras pa bago mag start 'yong class ko pero wala pa din akong gana na tumayo sa kama ko. Feeling ko kulang pa 'tong tequilla na 'to sakin. Gusto ko pang uminom ng uminom.

Ang mas masakit lang kahit na niloko niya ako, mahal na mahal ko pa din siya hanggang ngayon.. hindi 'yon nagbago.

Pumikit ako sandali pero pag gising ko, 10AM na pala. Ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung papasok pa ba ako o hindi na. Maglalasing ba ako o papasok ako para makita ko na naman si Angel? Either way, pareho lang akong hindi sasaya. Siguro mas mabuti na pumasok na ako, mabuburyo na ako sa kwarto ko.

Tumayo ako sa kama ko at naligo na ako kahit na ang sakit sakit ng ulo ko. Ginusto ko naman 'to, eh. Hindi dapat ako magreklamo. T*nginang buhay kasi 'to. Hindi naman kasi ako ganito dati. Sa alak, sa party, sa racing, sa soccer at sa mga babae na ka one nigth stand lang umiikot ang mundo ko. Wala pa akong kahit anong problema non kung hindi hang over at hindi ganito, heartaches.

"Caleb, papasok ka ba talaga?"

"Yes Yaya, paki sabi na lang kala Mom."

Sa mga tingin ni Yaya, alam kong nag aalala siya sakin. Actually, lahat sila nag aalala sakin. My life is back to what it is before. I'm back being worthless. A pain in the ass. To cut it short, isa na naman akong basura.

The hell I care.

Nag drive ako kahit na masakit pa din ang ulo ko. Madami na akong atraso kala Skie dahil sa biglaan kong pag quit sa team pero mas okay na 'yon. Gusto kong patunayan kay Angel na seryoso ako sakanya at para magawa ko 'yon kailangan kong lumayo kala Skie kahit pa kapalit non ay 'yong matagal ko nang pangarap. Mas mahalaga naman si Angel kaysa sa paglalaro ko ng soccer.

Pagbaba ko sa kotse ko, nakita ko si Angel at Ashton na magkasama. Natigilan agad ako at parang sinasaksak ang puso ko habang nakikita ko silang dalawa na magkasama. Ang sakit pa din pala talaga. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko lang 'yong sarili ko. Bumalik ulit ako sa loob ng kotse ko at duon sinandal ako ng ulo ko sa upuan. I fvcking hate this feeling. Ang sakit. I never felt this before that's why I don't know how to handle it.

Sobra akong nagseselos sa Ashton na 'yon. Gusto ko silang lapitan na dalawa pagkatapos uupakan ko 'yong lalaki na 'yon sa harapan niya. If I can only do that. Ayoko lang kasing mas lalong magalit sakin si Angel. Although it's a bit impossible, I want to win her back.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon