Chapter 8

2.1K 80 11

Flames Series 4
MIRAH
In the Name of Love
by...emzalbino
Chapter 8...

Napatulala at parang naestatwa sa kanyang kinatatayuan si Tim ng makita nito ang caller sa cellphone number Mirah.

Hindi niya Ito pwedeng sagutin dahil magiging malaking gulo kung sakali man. Nang tumigil ang pag ring ang cellphone ni Mirah ay saka siya lumapit sa nobyang natutulog. Naupo si Tim sa tabi ni Mirah na siyang naging dahilan ng pagkagising nito.

"Gising ka pa sweetie?" pupungas pungas na tanong ni Mirah saka iniyakap nito ang mga kamay sa bewang ng nobyo.

"Someone is calling you sweetie" sabi ni Tim sabay abot ng cellphone ng dalaga.

"Sino?" maang na tanong ni Mirah saka tiningnan nito ang missed call na naroon at natigagal at napabangon sa may kama......"Si mo-mommy!.." Namumutlang bulalas ni Mirah.

"What we should do, are we going to tell her na magkasama tayo?" alanganing tanong ni Tim kay Mirah.

"No sweetie, no!!" mariing tanggi ni Mirah sabay iling ng ulo nito.

"Eh magtatanong iyon kung nasaan ka at kaya tumawag iyon dahil nag aaalala na sa iyo!" alalang wika ni Tim.

"Alam ko swetie but it's not time yet to tell them about our relationship. One day ay gusto ko ring maging maayos ang ating relasyon but hindi muna ngayon dahil alam kong mabibigla sila at baka mas malaking gulo pa ang mangyari. Mahal na mahal kita Tim at ang wish ko lang ay sana maging malaya na tayong dalawa para magawa na natin lahat ang gusto natin na hindi na kailangang itago pa!" naluluhang saad ni Mirah.

"I understand you sweetie, I'm not in hurry. I will be waiting for that moment dahil ako rin ay gusto kong maging okay ang lahat sa atin na may basbas ng ating mga kapamilya. I want a freedom too para maipakita ko sa kahit sinupaman kung gaano kita kamahal" madamdaming wika ni Tim saka niyakap si Mirah.

"Tatawagan ko muna si Emmz at mayroon lang aking sasabihin!" nagmamadaling sabi nito saka idinayal ang numero ng kaibigan.   

Tunog lang ng cellphone ni Emmz ang naririnig ni Mirah mula sa kabilang linya ngunit patuloy lang ito sa pagkontak sa kaibigan at maya maya pa ay.

"He-hello!" halatang nakainom at parang katutulog lang nito.

"Hello Emmz!,Si Mirah ito!" ani Mirah sa kaibigan.

"Oh bakit ka napatawag huh? May missed call nga pala ang mommy mo sa akin kanina but I didn't answer it kasi busy kanina ako kaya di ko nasagot ang tawag niya!" wika ni Emmz.

"Emmz, pwede ba na pag tumawag ulit si mommy ay pakisabi na magkasama tayo at kaya hindi ako nakauwi dahil nalasing ako at sa bahay na ninyo ako natulog?" kagat labing sabi ni Mirah dahil kinasabwat pa niya ang kanyang kaibigan para lang gumawa ng alibay.

"Sira! Wala ako sa bahay at nasa isang hotel na ako tumuloy dahil hindi ko na kaya pang magdrive!" saad ni Emmz...." Nasaan ka ba kasi?" maya maya ay tanong ni Emmz.

"I'm with someone" tanging sagot ni Mirah saka nilingon si Tim....." Basta magkita nalang tayo bukas bago ka uuwi at makikisabay ako para hindi ako pagdudahan nila mommy at daddy" wika ni Mirah.

"Are you making mess, Mirah?" makahulugang tanong ni Emmz ngunit hindi sumagot si Mirah kundi nagpaalam nalang sa kaibigan........"Ano kaya ang ibig sabihin ng babaeng iyon?" tanong ni Emmz sa sarili saka tiningnan nito ang oras at halos madaling araw na.........."Langya, Titirahin na naman ako ni granny nito!.." kakamot kamot ang ulong muling nagtalukbong ng blanket si Emmz para muling ipagpatuloy ang naudlot niyang pagtulog.

.......

Halos hindi na nakatulog pa si Mirah, inaalala nito ang pagtawag sa kanya ng kanyang mommy at maya maya nga ay muling nag ring ang kanyang cellphone kaya sinemyasan nalang niya si Tim na wag mag ingay at tumango naman ang binata habang nakayakap sa kanya.

Flames Series 4....In the Name of Love...."Mirah"....by...emzalbinoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!