Chapter 1: Cupid

591K 11.9K 2.5K

I woke up feeling groggy and slurred. Nakailang inom ba ako kagabi? Ugh. Kailangan ko na talagang tigilan ang pag-inum-inom na yan kase alam ko namang hindi ko kaya. Kahit pa sabihing kasal ng pinsan ko, hindi pa rin sapat na dahilan yun para magpakalunod ako sa alak. Hindi naman kaya ng katawan ko.

Kasal ng pinsan kong si Ate Jen kahapon. Isinakto pa nilang Valentine’s Day. Ayun, umulan ng mga puso. Tapos nagsiuwian pa yung iba naming mga kamag-anak kaya parang nag-reunion na rin kami.

Sa ancestral house ng mga lolo namin ginanap ang reception. Iyon ang pinakamalaking bahay sa San Martin, probinsya namin. It can accommodate all of us. Ekta-ektarya ang lawak ng lupain nina lolo kaya naman parang may pyesta kahapon dito sa lugar namin.

Umuwi galing ibang bansa yung ilan naming kamag-anak. Yung ibang katulad ko na nagtatrabaho rin sa Maynila ay umuwi noong isang araw.

Limang baka at sampung baboy ang nilitson. Bukod pa roon, daan-daang mga manok at isda ang niluto. Sobrang daming tao ang nakigulo at nakisaya. Halos buong bayan nga yata.

Paano ba naman kase, anak ni Mayor ang ikinasal sa pinsan ko na galing lang naman sa isa sa mga pinaka-maimpluwensyang angkan dito sa amin.

“Mina? Gising ka na ba?”  narinig kong tanong ni nanay mula sa labas ng kwarto ko.

I grunted loudly. “Nanay! Hindi ako makabangon! Ang sakit ng ulo ko...”

Binuksan ni nanay ang pintuan ng kwarto ko at napailing sa ayos ko. I was struggling out of bed, getting tangled in my three blankets. Yes, three. Malamig dito sa amin lalo na kapag buwan ng Pebrero. Tapos nasira pa yung heater kagabi. Hindi na naayos dahil mga lasing na ang mag-aayos kaya inilabas na lang lahat ng kumot.

Mabuti na lamang at marami kaming kumot.

Itong bahay namin ang ginagamit sa mga reunion ng pamilya kaya bawal na bawal itong ibenta. Kabilin-bilinan ng lolo ko, pwedeng tumira kahit sino dito basta ‘wag lang pababayaan ang bahay.

Kaya heto, maganda pa rin ito kahit ilang dekada na ang lumilipas mula ng maitayo ito.

“Ikaw kasing bata ka, sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag kang iinom ng marami dahil hindi mo naman kaya,” pangaral ng nanay ko.

I rolled my eyes at her. “Nay, alangan namang tanggihan ko ang mga pinsan ko? Alam mo namang ngayon lang ulit kami nagkita-kita,” pagdadahilan ko sa kanya.

May mga kamag-anak akong halos sampung taon ko ng hindi nakikita. Talagang nagpumilit lang kaming magsiuwi dahil ayaw makasal ni Ate Jen hanggat hindi kami kumpletong magpipinsan. Si Kuya Junjun nga galing pang Canada. Nag-leave pa ito ng isang linggo sa trabaho para lang makauwi ng Pilipinas at maka-attend ng kasal.

“Hmm, sya sige na. Bumangon ka nya dyan at naghanda sila ng malaking picnic sa harapan ng bahay.”

Kagaya nga ng sabi ko, ekta-ektarya ang lawak ng bahay. Pagkapasok ng gate ay maglalakad ka pa ng mahigit kalahating kilometro bago makarating sa main house. Pero mas malawak naman ang likuran dahil may manggahan pa doon.

Itinaas ko ang pareho kong kamay para hilahin ni nanay. Gawain ko iyon simula bata. Kapag tinatamad akong bumangon, nagpapahila ako sa kanya patayo. Umiiling na lumapit si nanay at hinawakan ang tigkabila kong braso.

Napakunot ang noo ko nang may mapansin ako.

“Mom, what’s the red string for?” tanong ko sa kanya.

Bumakas sa mukha ni nanay ang pagkalito. “Ha? Ano’ng red string? Nasaan?” pabalik niyang tanong.

“Ayan oh, sa ring finger mo.” Itinuro ko yung palasingsingan nya. It looks like the red string was knotted there.

Karmic Hearts (Cupid #1 - Wattpad)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!