Hit 6~ Trigger

8.5K 110 11
                                    

Nalaman ni Mia na nag-cutting classes sina Nino at Chen Yin.

Agad niyang tinawagan ang kapatid.

"Nino, nasaan ka? Naturingan kang secretary ng student council pero nag-cutting ka!"

"Ate sorry. Pabalik na kami," matipid na sagot ni Nino.

Nagpasya si Mia na hintayin ang kapatid sa may gate ng school. Sinamahan siya ni Cashmere.

"Ate, sorry!" Agad na yumakap at umiyak si Nino kay Mia kaya hindi na siya napagalitan nito lalo na nang malaman ng ate niya ang dahilan kung bakit siya nag-cutting.

Para kausapin lang sana si Brian, pero may ibang nangyari.
Muling lumitaw ang alter Nino at gumawa ng gulo.

Ito ang mga gulo ni Nino alter.
Una, nasaktan niya si Mark Brian at ang mga guard.
Pangalawa ay mas dumami ang nagalit sa mga Yamato dahil sa inasal niya.

"Ninakawan niya ko ng halik!" pahabol ng naiinis na si Chen Yin.

"Sige, okey lang. Naiintidihan ko. Tahan na," sabi ni Mia. Hindi na kasi matigil sa kaiiyak si Nino. Sobrang na-guilty ito sa nagawa.

"Ang gusto ko lang naman kasi ate ay ang mapasaya ka. Ang kaso sablay na naman ako..." iyak ni Nino.

"Sinabi ko nang okey lang di ba?" sagot ni Mia "At saka huwag mo kong masyadong alalahanin, malakas kaya ako. Hindi ako patatalo sa isang simpleng love problem," paniniyak ni Mia.

"Talaga ate, okey ka na?" tanong ni Nino.

Tumango si Mia taglay ang malaking ngiti.

"Mabuti naman!" Napanatag na si Nino.

"Ano, Nino. Okay ka na ba?" Biglang sumingit si Cashmere. "Pumunta ka na sa office ni Ray Joseph dahil kanina ka pa niya hinahanap!"

"Ah, sige!" Pinahid ni Nino ang mga luha. "Pupunta na ko!" Dali dali na itong umalis.

Sa puntong iyon, batid ni Mia na ayos na ang kapatid.

Kay Chen Yin naman siya tumingin.

Hindi ito nagsasalita. Pansin niya na naiinis ito.

"Tungkol kay Nino at sa paghalik niya sayo. Sana mapatawad mo siya kasi talagang may sakit siya!" sabi ni Mia.

Umisnab lang si Chen Yin. Oo. Naiinis siya sa ginawa ni Nino, pero wala na naman siyang magagawa dahil nanakawan na siya nito ng halik. Ang isa pang nagpapasama ng loob niya ay ang paglilihim ni Mia tungkol sa break up nila ni Brian.

"Tungkol ba ito sa break-up namin ni Brian?" Nahulaan iyon ni Mia. "Eh kasi, Chen Yin..." Gusto sanang magpaliwanag ni Mia, ngunit tila sarado ang mga tainga ni Chen Yin. Paano kaya siya magpapaliwanag?

"Hay naku! At talagang ikaw pa ang may ganang magalit?" Bigla nang nagsalita si Cashmere. "Sa palagay ko si Mia ang dapat magalit sayo dahil hindi mo napansin na broken hearted siya. Insensitive ka kasi!"

"Anong sinabi mo!" Sumabog si Chen Yin. Hinarap nito si Cashmere. "Nang-aasar ka talaga, no?"

"Nagsasabi lang ako ng totoo!" sagot ni Cashmere.

Biglang natawa si Mia kaya napatigil sina Cashmere at Chen Yin. Napatingin ang dalawa sa kanya.

"Bakit ka tumatawa?" nagtatakang tanong ni Chen Yin.

Ngumiti lang naman si Mia. Paano niya ba kasi ipapaliwanag na natatawa siya dahil simula pa noon ay para na talagang aso't pusa ang dalawa niyang kaibigan.

"Pero okay lang na tumawa ka. Mabuti iyan," pahabol ni Chen Yin.

"Salamat," sagot ni Mia.

"Ang mabuti pa Mia, bumalik na tayo sa classroom natin dahil malapit nang matapos ang breaktime," sabi ni Cashmere.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon