PART 25 ~ WEIRD MOMENTS

Start from the beginning
                                    

“Waaaahhh!"

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang bigla niya akong yakapin.

  

Otso, rapist pa yata ang mascot na 'to. "Bitawan mo ako. May dala akong bomba. Papasabugin kita," banta ko.

=__=+++

Pinanggigilan ako ng mascot. Para siyang nakahanap ng kapwa niya mascot at kung makapanggigil ay hindi balat na nakadikit sa buto ang pinanggigigilan niya.

  

Sa laki niya ay hindi ko maawat ang trip ng mascot. Alam ko namang may pagka-kyut ako kaya mahirap din akong i-resist. Ahem, atin atin na lang 'yong sinabi ko.XD

Tumigil lang ang mascot nang may batang sumisigaw sa takot habang papalapit sa amin. Nakasakay siya sa bisekleta niya at mukhang wala na ang pokus niya sa pagmamaneho. Kumawala ako sa dambuhalang mascot at humarang sa dadaanan ng batang nakabisekleta na malapit ng sumemplang.  Pipigilan ko ang pagtakbo ng bisekleta niya, mala-Hulk ang dating. Meow!

Ang kaso hindi pa siya nakakalapit sa akin nang tumumba na siya. Napakamot na lang ako sa ulo dahil mali ang tantya ko. Hehe.

Mabilis ko siyang dinaluhan at nag-ala Superman ako. "Uy bata. Alam kong hindi ka okay kaya hindi kita tatanungin n'on,” sabi ko sa kanya. Umupo ako para pumantay sa kanya. "Tahan na.” Hinimas ko ang likod ng bata para ipadamang nakikiramay ako sa tuhod niyang dinuguan ang labas. “Andito na si ate. Tutulungan ka niya."

"Uwahhh! Masakit po!" sabi niya sabay turo sa nagasgas na tuhod.

“Oh eh talagang ganyan. Tiis-tiis din pag may time.”

Nataranta ako nang  lumakas ang pagiyak niya. Sabihin pang pinaiyak ko 'tong batang 'to. "Aah..ah..biro lang ni ate 'yon. Halika na. Hanapin  natin si mama mo para magamot 'yang sugat mo.”

Matigas na umiling ang bata. "Ayaw. Sabi niya 'wag daw akong mag-bike. Papaluin niya ako."

'Yon nman pala. Eh bakit nag-bike ka pa? ngali-ngali kong sabihin sa batang may talent sa pagbirit ng iyak.

"Dapat sinusunod mo si mama para hindi ka nadidisgrasya," malumay kong sabi. "Sinasabi lang ni mama ang nakabubuti para sayo.” Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang palad ko. “Tahan na." Kinapa ko ang lollipop sa may bulsa ko. "Sayo na 'tong lollipop ko oh."

Humihikbing nilingon  niya ako. Todo ngiti naman ang ginawa ko para makampante ang bata sa akin. Iyon ngiting mahirap tanggihan.

Pak!

"Ayaw!" malakas niyang sabi sabay hampas pa sa kamay ko kaya tumilapon ang precious lollipop ko.

=__=++

Dapat pala nabunggo na lang 'to. Joke!

May awa naman ako sa mga paslit. Mahaba naman ang pasensya ko sa mga katulad niya. Otso, sarap tumiris....ng kuto.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now