"Paano ko sasabihin ito? Sa'yo ako ay may gusto. Baka anong isipin mo... kung aaminin ko sayong matagal na akong may lihim na pagtingin sayo."

--Curse One


Jion POV

Second year Junior High School.

"May girlfriend ka na?!" gulat na tanong niya.

Mukhang medyo napalakas ang pagkakasabi niya at napalngon banda samen ang teacher. Agad niyang kinuha ang libro niya at kunware nagbabasa.

Nagsulat ako sa paper;

Nagtapat siya saken kaninang recess. Mukhang maibait naman siya... wala naman akong nagugustuhan na ibang babae kaya susubukan kong idate siya.

At inabot yun sa kanya. Binasa naman niya. Galit siyang lumingon saken saglit bago nagsulat. Binigay niya saken ang papel. Binasa ko...

Jion!! Ano ito? Trial-and-error?! Kung wala kang gusto sa kanya, dapat sinabi mo nalang!

Napabuntong hininga ako. Nagsulat ako ulit.

Sabi mo dati, masyado akong pranka at malupet kasi binabusted ko sila at sinasabing wala akong gusto sa kanila. Sabi mo bigyan ko naman sila ng chance. Ngayong binibigyan ko sila ng chance, nagagalit ka na naman... hindi kaya

Huminto ako sa pagsusulat.

Hindi kaya ikaw ang may gusto saken?

Lumingon ako sa kanya saglit bago ko binura ang huli kong isinulat at dinugtungan yun.

Ano ba talaga? Magdecide ka!

Ayokong magbiro ng ganun sa kanya. Dahil importante siyang kaibigan. Hindi ko alam kung anong mangyayare kung sabihin niyang may gusto siya saken...

Inabot ko ang papel. Binasa naman niya.

Lumipas ang ilang sandali at hindi pa bumabalik ang papel saken. Lumingon ako saglit sa kanya. Mukhang hindi niya alam kung anong isasagot niya. Napangiti ako. Napaka indecisive talaga niya.

Maya-maya, inabot na niya ulit saken ang papel. Binasa ko naman,

Wag mo siyang sasaktan ah...

Hindi ko alam kung bakit, pero parang nalungkot ako sa nabasa ko.

Lumingon ako sa kanya, nginitan niya ako. Labas ang dimples niya.

Bakit hindi ganitong klaseng babae ang magkagusto saken?



"Nagbreak kayo? Bakit?" nagaalalang tanong ni Yuna habang naglalakad kami palabas ng school.

"Sinabihan ka niya ng masasama. Nagseselos daw siya sayo." Diretsong sagot ko naman.

Napatahimik siya.

"Sorry..." sabi niya maya-maya.

Huminto ako at hinarap siya. Napahinto rin siya pero nakayuko.

"Ng dahil saken..."

"Hindi ko kailangan ng girlfriend na pagseselosan ang bestfriend ko!" sabi ko naman sa kanya.

"Atsaka wala kang kasalanan, bakit ka nagsosorry?!" sermon ko.

"Kasi naman..."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sumunod naman siya.

"Sorry na Jion." Sabi niya.

"Bakit ka nagsosorry?" umpisa ko.

"Galit ka ata eh."

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!