[52] Oo Na, Mahal Na Kung Mahal Kita

486K 11.1K 5.5K
                                    

A/N: Kung ano man ang mangyari dito sa story na ito, itoka niyo na sa akin yun. Ayos na ang storyline ko, huwag ng guluhin pa. Ayt? :)

As promised, here's my meaty update for you... Gift ko sa inyo! ^_^

May aakbay kaya kay Kaye Anne? :)))

[52] OO NA, MAHAL NA KUNG MAHAL KITA...

NATHAN'S POV

Napaungol ako sa inis nang marinig ko ang pagtunog ng digital clock sa bed side table ko. Agad ko 'tong pinukpok para matigil lang sa pag-ingay.

PUTEK! 7AM na agad? Ni hindi nga ako nakatulog eh =______=

Eh paano ba naman hindi ako makakatulog eh ang daming tumatakbo sa isip ko. Ay, mali! Isa lang pala ang iniisip ko. Shet! 'Di talaga ako pinatulog ni Kaye Anne kahit limang minuto lang. Bakit ba kasi ayaw niya maalis sa isip ko eh?!?!?!?

"AAAAAAAAAARGH!!!!!!!"

Naibato ko kung anuman ang nadampot ng kamay ko. Pero napabalikwas ako at tumakbo sa pwesto ng pinagbatuhan ko.

"SHET!" Bakit sa lahat ng mababato ko eh ang BB Curve ko pa? ~_________~

Kinolekta ko kaagad ang kalas-kalas na BB ko at binuo ito ulit sa kama. Wala ka talagang kwenta, Nathan! Wala ka sa sarili!

Tinesting ko kung gagana pa at fortunately, gumana naman. Bumungad agad sa akin ang wallpaper naman ni Kaye Anne. I sighed and stared at it. "Kainis ka naman, kulet eh... Ano bang ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako sayo?"

Humiga ulit ako sa kama, still staring at my phone's wallpaper.

"Aamin na ba ako sayo ngayon?" Napakamot ako sa ulo ko ng madiin. "Eh hindi pa nga ako umaamin pero parang basted na agad ako! TAKTE NAMAN OH!"

Pinagmasdan ko lang ang ngiti ni Kaye Anne sa picture. Hindi ko nalang namalayan na pinadaan ko ang hintuturo ko sa mukha niya.

"Ibig sabihin, nung oras na kinuha natin ang picture na ito sa 7Eleven, mahal mo ako??"

"Yes, I love you, Nathan..."

O__________O

Sumagot ang picture?!? Shet naman oh! Alam kong puyat ako. At kapag puyat ako ay may tendency na bangag ako pero huwag naman sana akong biruin ng ganito oh! -//////////-

"Nathan..."

"Tsk... Nababaliw na yata ako sayo, Kaye Anne." Pumikit ako at nagtaklob ng kumot. Nabigla nalang ako nang may marinig akong may humahalakhak sa paanan ng kama ko. Pagtingin ko, si Ate Lie pala! "Ate Lie naman! Bakit ka ba pumapasok nang biglaan sa kwarto ng may kwarto!?"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

=_________= Nababaliw na talaga ito.

"Baliw ka na ba?" +____+

Sa wakas, tumigil na siya sa kakatawa at tumalon na sa kama ko. Binato niya pa sa mukha ko ang sando ko. "Naman oh! Kailangan ba ibato?!"

"Hahaha! Nathaniel, alam kong may abs ka na ha! Pero, hindi pa masyadong umuusbong eh. Konting push pa..." Sabay tawa na naman. May kapatid akong sira-ulo. =____=

"Tch... Hindi ako nagpapalaki ng katawan." -____-

"Weh? Mukha mo! May biceps ka na nga eh. Siguro pumupuslit ka na sa gym noh? Uy, binata na!" Sabay sundot pa niya sa binti ko. Wala na akong nagawa kundi ang magsuot nalang ng sando. Kainis naman na ate 'to oh! ~_~

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon