NEW: Tap by Wattpad
FREE Addictive Chat Stories 😍🔥
DOWNLOAD NOW!

34. Daniella

Eto na yung moment of truth. In a few minutes, haharap na kami sa press.

"Gusto ko nang mag-backout, Bryan."

"Relax. Di naman kita papabayaan, e. Trust me." Sinenyasan na kaming lumabas. Paglabas namin,

nag-jelly yung tuhod ko lalo. Maraming reporters at fans na nag-aabang. Kakaupo pa lang namin, sinalubong agad kami ng mga tanong.

Keep calm and smile, Dee. You can do this!

"So, Miss Daniella, how did your romance with Bryan Lim begin?"

Okay, Daniella, wag kabahan. You gotta get this

right.

"I have to be honest, at first I hated his guts. He came off too strong for me. But that changed when I got to know him. I learned na hindi naman siya mayabang. He's just confident because he knows himself well. Then I began to see his good side. He's sweet, caring, and such a gentleman. Who wouldn't love someone like that?"

Whew! Sana convincing!

May mga iba pang nagtanong, mula sa favorite naming hangout place hanggang sa future plans namin as a couple. Nag-announce si Tita K na we're down to the last 3 questions. Hay, buti naman. Pagod na rin ako. I'm sure si Bryan din.

"Hi Bryan! Can you tell us what really happened in that photo of you and Daniella which went viral on the internet?"

Naku, Bryan, ayos-ayusin mo ang sagot mo dyan, ha! Dear Lord, help him.

Kalmadong sumagot si Bryan. "Oh that. We were passing time, goofing around. She lost her balance so I tried to save her. Pag mahal mo hindi mo hahayaang masaktan, di ba?" He laughed and winked at me.

Sus, kinilig naman yung mga nakarinig. Kung alam lang nila! Ibang klase rin mambola itong si Bryan, ha.

"Can you tell us what's your term of endearment?" Naku, ayan na, mabubuking na ang kakornihan

namin. Ay teka, ni Bryan pala! Siya may idea nun, e.

"I call her wifey and she calls me hubby," amin ni Bryan sabay pisil sa kamay ko. "My wifey is blushing. Sorry, hindi talaga siya sanay sa ganito."

I looked at Bryan and faked a frown. Natawa yung mga reporter sa amin.

"The last question is for Ms. Daniella. We've learned that you've just broken up with a guy. Does that make Bryan a rebound?"

Bawal mapikon, Dee! Kalma lang. Get this over and done with para tantanan na nila kayo ni Bryan.

"Of course not. Bryan knows the truth. I have always been honest to him. That guy is already a part of the past. And Bryan is my present and I believe my future, too."

Palakpakan sila pagkatapos. Sa wakas natapos din. Kaya naman pala, e!

Kinuha ni Tita K yung mic and thanked all who came for the interview. We stood up and shook hands with the press people. Maraming nagsabing ang ganda-ganda ko raw, bagay kami ni Bryan, and wished us well. Nung pabalik na kami ng backstage, bigla akong niyakap ni Bryan.

"Good job, Dee!"

"You did great, too, Bryan. Sorry, halatang kabado ako nung umpisa."

"Hindi, a. You did well."

Hinatid niya ako sa bahay after the interview. Pagkaalis niya, eto na, nag-imbestiga na ang magaling kong kapatid.

"Pero, Ate, bagay talaga kayo ni Bryan."

"Hay naku, Desi, tumigil ka nga. Matulog ka na." "Pero, Ate, I can see he makes you happy. Tingin ko

nga naka-move on ka na, e." "Really?"

"Oo, you look happy, not depressed."

"Let's put it this way. Malaking bagay na nandyan si Bryan for me. O sya, matulog ka na."

"Sige sunod na ako. Good night."

"Good night, Ate. Wag mong masyadong isipin yun, mahal ka nun!"

"Sira! Tulog na!"

Naiisip kaya ako ni Bryan ngayon?

Pagtingin ko sa phone ko, Bryan sent a message saying Goodnight.

Yun na ba yung sagot sa tanong ko kanina? Hay. Hindi ko alam. Ayokong bigyan ito ng kahulugan. Confused man, masaya akong natulog that night.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!