Chapter 36

5K 114 3


Hebe

Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya saka ito agad na sinuklay. I looked in front of the full length mirror habang sinusuklay ang mahaba at medyo basa ko pang buhok. Medyo namumula pa ang mata ko dahil sa pag-iyak kanina. Ang bigat ng pakiramdam ko, para akong isang bata na nakabasag ng pinakamamahal na vase ng magulang niya!

I let my hair fall as I walked outside the room. Ang lakas ng amoy ng showel gel na ginamit ko, amoy wild rose siya at malambot sa balat. I sighed. Saan kaya si Sky? Tinignan ko ang wristwatch ko saka tuluyang naglakad palabas ng bahay. May tatlong katulong akong nakasalubong at lahat sila busy sa ginagawa. Merong nagpupunas ng mga furniture meron ding mag ma-mop ng sahig. Lahat sila binati ako at gumanti naman ako ng ngiti.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" halos mapatalon ako ng may malaki at malalim na boses na nagsalita sa mula sa likod ko.

"A-Ah..." lumunok ako ng makita ang mukha niya, moreno siya at malaki ang pangangatawan. Napatingin ako sa braso niya at mga kamay na halatang sanay sa pagtratrabaho. Di tulad ng balat ni Sky, halata mo na madalas siyang magtrabaho sa ilalim ng araw "H-Hinahanap ko kasi si Sky..." sagot ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya, ngayon ko lang siya nakita.

"Ako nga pala si Marcos, binibini..." saka niya inabot ang kamay at ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya ng makita ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Hindi maikakaila na may itsura rin siya. "Ang kaibigan ba ni Senyorito Toffer ang nais mong makita?" tumango ako "Kung ganun, makikita mo sila sa hardin. Nag-uusap silang dalawa ng Senyorito..."

"Ganun ba? S-Sige pupunta na lang ako..." ngumiti siya at akmang lalakad na palayo ng tinawag ko ulit siya "T-Teka Marcos...Hindi ko kasi alam kung saan sa garden... Malawak kasi yung garden niyo baka maligaw ako..." napangiti siya sa sinabi ko at naglakad pabalik

"Hayaan mong samahan kita papunta doon..." saka niya medyo nilahad ang kamay na tulad ng ginagawa ng mga maginoong lalaki sa mga old romance movie. Ang galing, meron pa palang tulad niya!

Nakarating kami sa medyo pusod na ata ng garden, nakakaaliw maglakad kasi kahit gabi kitang-kita mo ang mga iba't- ibang uri ng bulaklak, andami kasing LED lights sa garden kaya sobrang maliwanag rin. Hindi na nakapagtataka na sila Tita Sof ang nag renovate ng buong lugar, may pagkakahawig kasi ang mga ilaw na ginamit dito doon sa garden nila Sky.

"Maraming salamat..." sabi ko sa kanya, tumango lang si Marcos saka umalis na rin. Sumilip ako sa kabilang dulo ng garden, nakita kong nakaupo si Sky at si Toffer sa magkatapat na bench. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang paninigarilyo ni Toffer, isa yan sa mga dahilan kung bakit ayaw ko siyang palapitin kay Sky noon eh, andaming bad habits!

Tumingin ako kay Sky na nakasandal sa bench saka tinitignan ang cellphone niya. Wala pa kaming signal haggang ngayon, baka pagbalik na ng Manila o sa daan na kami makakasagap nun! Huminga ako ng malalim saka humakbang ulit. Napatigil ako ng narinig ko ang boses ni Sky "She will not be a problem..." napalunok ako, ano ang pinag-uusapan nila?

"You know her...I know her... Angelo knows her...and we all know what she can do just to have you!" rinig kong sagot ni Toffer saka humithit ng sigarilyo. Huminto ako sa paglalakad at tumago sa likod ng mga halaman

Nakita ko ang pagtingin ni Sky kay Toffer saka nilapag ang cellphone niya sa tabi "I'll do everything just to stop her..." sino ba ang pinag-uusapan nila?

"Trixie is someone who is hard to stop...You didn't even predict that she will take part in your life after you lose—" Natigil si Toffer ng tinignan siya ng masama ni Sky, tumingin siya sa ibang direksyon "Sky I'm just worried..."

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!