Chapter 35

4.9K 114 4


Hebe

Hindi mawala ang ngisi sa mga labi niya hanggang makarating kami sa harap ng pinto ng kwarto ni Toffer. Pasulyap sulyap siya sa akin at hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing mahuhuli ko ang tingin niya. I just shook my head, grabe si Sky!

"Oops..." napatingin kami sa Mama ni Maria ng magsalita siya "It's lock!" saka siya kumatok ng tatlong beses "MARIA?" kumatok ulit siya "TOFFER? GUYS WAKE UP ITS AFTERNOON ALREADY!" saka ko nakita ang paghawak sa balikat ni Tita Eleonor sa nanay ng asawa ng anak niya

"Balae baka pagod pa sila...Nilubos ang gabi, alam mo na..." saka ko sila narinig na nagtawanan, napatingin ako kay Sky na nakangisi at nakatingin sa akin, may kung anong iniisip. Biglang nag-init ang pisngi ko...B-Baka...B-Baka iniisip niya yung...y-yung ginawa nila Toffer!

"Pero paano ang mga bisita natin?" tanong ng Mama ni Maria

"I'm sure pagod sila, let them rest for a while..." lalakad na sama kami papunta kung saan ng makasalubong namin ang isang lalaking may katandaan na

"Magandang hapon po Madam..." bati niya sa amo niya at binigyan rin kami ng ngiti "Kung hinahanap niyo po ang senyorita at ang senyorito, kanina pa po sila lumabas para mangabayo!"

I saw Tita Eleonor gasped after hearing what the old man said "Talaga?" saka siya napatingin mga balae niya


Lumapit si Sky sa akin saka bumulong "See...Nangangabayo sila...Hindi yung kinakabayo nila ang isa't isa..." Nahampas ko si Sky dahil sa sinabi niya

"What?" tanong niya natatawa-tawa "I'm just telling the truth, iba kasi mag-isip ang mga parents minsan..." saka siya lumapit ulit sa akin, hinapit niya ang bewyang ko saka bumulong ulit

"BE...Don't act like you are too young for it. We are on the right age you know..." and I felt his warm breath on my ear

Napalunok ako sa ginawa niya, bahagya ko siyang kinurot para medyo lumayo siya sa akin. Nag-iinit ang buo kong katawan sa mga pinagsasabi niya!

"Sky huh!" I warned him pero ngumisi lang siya, kinagat niya ang lower lip niya saka niya binulsa ang dalawang kamay. Naglakad siya papalayo sa akin at saka ko siya narinig na sumipol.

Tinapik-tapik ko ang pisngi ko para mawala ang pag-iinit nun, AHH! Grabe...Grabe mag-isip si Sky! "BE!" tawag niya sa akin ng medyo nakalayo na sila. Huminga ako ng malalim saka lakad-takbong sumunod na rin. Papasok na sana kami ng kusina ng may narinig kaming tawanan

Napatingin kami sa bintana at doon namin nakita sina Toffer at...sa tingin ko si Maria...pero bakit...bakit ganoon ang suot niya? Inalalayan ni Toffer ang babae sa pagbababa sa kabayo. Saka kinuha ang camera at sinabit iyon sa leeg niya.

"That's the first time I saw him laughed like that..." napatingin kaming lahat kay Sky nakatayo sa tabi ko habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Siya pala ang anak ko..." singit ng Mama ni Maria, sabi ko na! Siya si Maria, yung babaeng kasama ni Toffer ay si Maria, pero bakit ganun ang suot niya?

Lumabas kami ng mansion para puntahan ang bagong kasal. Grabe hindi ako makapaniwala kasal na si Toffer at kay Maria pa...Kay Maria na sa tingin palang malalaman mo na inosente at banal!

"MARIA!" tawag sa kanya ng kanyang Mama, sabay silang napatingin sa amin. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Toffer ng makita kami ni Sky.

"INA!" halos malaglag ang panga ko sa pagtawag niya sa Mama niya, ano daw INA? Medyo...Medyo vintage ata ang tawag niya?

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!