Chapter 34

4.8K 108 6


Hebe

Huminto kami sa tapat ng isang malaking gate, yung gate na nakikita mo lang sa mga soap opera o kaya Hollywood films. Ang laki, sobrang laki! Bumusina si Sky ng tatlong beses saka naman may lumapit sa aming isang matandang lalaki. Nakasombrero siya na pang magsasaka, nakasuot ng maroon na long sleeves at kulay dark brown na pantalon na siyang tinupi niya hanggang tuhod

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang niyang tanong sa amin

Ngumiti si Sky sa kanya saka inalis ang aviator shades niya "Dito po ba ang mansion ng mga Alfonso?" saka tumingin si Sky sa malaking bahay na natatanaw namin mula sa ibaba. Oo, elevated kasi yung lugar, nakatayo ang malaking bahay sa parang tuktok ng bundok. Ang ganda siguro doon kasi overlooking ang buong Kibok-Kibok!

"Opo dito nga po..." sagot sa amin ng matanda saka inalis ang sombrero niya at itinapat sa may dibdib "Sino po ba kayo at bakit niyo hinahanap ang aking mga amo?"

"A-Ah..." tumikhim si Sky "Nandito kami para kay Toffer... Toffer Villaflor..." saka ko nakita ang pagsingkit ng mata ng matanda saka napahawak sa itak na nakasabit sa beywang niya

"Bakit? Anong sadya niyo sa asawa ng senyorita?" Tanong niya sa amin na medyo may galit na tuno, napalunok si Sky matapos makita ang inasta ng matanda "Itatakas niyo ba siya tulad ng gusto niya?" Ano kaya ang ginawa ni Toffer? Sigurado ako...sigurado ako may ginawa nanaman yung masama!

"T-Teka..." hiniwakan ni Sky ang kamay ko, saka sumulyap sa akin, nag-aalala siya siguro na baka natatakot ako sa matanda "Huminahon po kayo, nandito po kami dahil sa kasal..." sagot ni Sky sa kanya "Hindi po kasi kami nakarating sa mismong araw kaya ngayon ay naghahabol kami... Wala po kaming intensyong masama!"

Nakita namin ang pag aliwalas ng mukha ng lalaki "Nawa'y nagsasabi kayo ng totoo..."

"Swear!" saka tinaas ni Sky ang kanang kamay niya "So ito na po ang Mansion nila hindi ba?" ibinalik ng matanda ang sombrero niya saka sumagot

"Oo mga anak, yan ang mansion ng mga Alfonso!" saka siya gumilid, nakita ko ang pagbukas ng malaking gate sa harap namin, medyo umawang pa ang bibig ko ng makita ang daan papunta sa mansion.

"Wow!" bulong ko ng makita ang malapad na kalsada na dadaanan namin

"Sige po maraming salamat..." ani Sky saka pinaandar na ang kotse. Nadaan kami sa malinis at malapad na kalsada paakyat, medyo malayo ang mansion, nasa itaas kasi iyon. Napatingin ako sa paligid, maraming mga tauhan ang nagwawalis sa silong ng mga puno na nakatanim sa gilid ng kalsada. Feeling ko sadya ang pagkakatanim ng mga punong iyon doon, nakahilira kasi sila at ang ganda sa paningin, namumulak pa siya ng kulay yellow!

May nadaanan din kaming mga hardinero na nagwawalis at pumipitas ng mga bulaklak. Grabe meron pala talagang lugar na ganito? Naka uniform din sila na parang yung sa mga old movies, yung may hairband pa sa ulo. Light blue and white ang kulay ng uniform nila. "Wow! Ang ganda naman dito..." bulong ko at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap sa akin ni Sky.

Ipinatong ko ang braso ko sa pinto ng kotse niya saka isinandal ang ulo. Sobrang ganda at aliwalas naman dito. Baka mamaya makita ko dito si Princess Sarah o kaya naman si Cedi ang munting prinsipe! LOL!

"BE!" tawag niya sa akin, saka ako nakangiting humarap sa kanya "T-tungkol sa kanina..." nakita ko ang paglunok niya "I wasn't really looking at your-"

Ngumiti ako at umiling "Okay lang Sky, mali rin ang inasta ko kanina, alam ko namang ginawa mo yun para hindi ako mabosohan ng mga daraan!" sagot ko saka ibinalik ang tingin sa paligid, naramdaman ko ang pagbagal ng takbo ng kotse, napansin niya siguro na nagagandahan ako sa nakikita.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!