Chapter 33

3.7K 83 0

Hebe

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok ng bahay. Kinakabahan ako, paano ako magpapaliwanag kay Kiro? Lumunok ako bago ko siya hinarap "K-Kiro-"

"Tignan mo kung tulog na si Chloe, hindi na siya nakainom ng gatas.." sagot niya sa akin habang nakatalikod at inaayos ang higaan niya

"K-Kiro tung-"

"Kung tulog na si Chloe matulog ka na rin, maaga pa ang pasok mo bukas..." saka siya tuluyang humiga sa sofa na nakatalikod at inayos ang kumot niya.

"K-Kiro pwede-"

"Pakisara na lang ng ilaw kung hindi mo na gagamitin..." ramdam ko ang galit niya, hindi niya ako kinikibo at alam kong ayaw niya pang pag-usapan ang nangyari kanina.

"Sorry..." bulong ko saka pinatay ang ilaw, pumasok na rin ako ng kwarto agad.

Hinaplos ko ang pisngi ni Chloe bago nahiga sa tabi niya, hinayaan kong nakabukas ang ilaw saka ko siya niyakap. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan namin ni Kiro ang nangyari, papalamigin ko muna ang sitwasyon bago ko siya kakausapin.

At biglang pumasok sa isip ko, tingin ko mas kailangan kong problemahin kung ano ang sasabihin ko kay Sky bukas, mukhang... mukhang lagot ako!

----

"Ahh, oo nandito na ako sa may convenience store..." sagot ko sa tawag niya, kanina pa kasi siya tumatawag, naka 50 missed calls na siya bago ko nasagot, paano ba naman kasi alas singko ng madaling araw pinapagbyahe niya na ako, nakakatakot kayang mag bukas ng bag sa ganoong oras, wala pang masyadong tao mahirap nab aka holdaper na kasama ko sa jeep!

"I called you for hundred times already HEBE!" sagot niya sa akin sa kabilang linya "SAANG CONVENIENCE STORE BA YAN? PUPUNTAHAN KITA!"

"D-Dito lang sa tabi..." sagot ko habang nagkakandarapa sa pagbukas ng wallet at paghawak ng cellphone para lang masagot ang tawag niya

"Sabihin mo, pupuntahan kita!" matigas niyang sabi

"Hindi na nga, papunta na ako dyan!" sagot ko saka aksidenteng na end ang tawag niya

"Miss ito lang ba?" tanong sa akin ng cashier matapos kong ibaot sa kanya ang isang gallon ng ice cream

"Oo..." magalang kong sabi sa kanya ng biglang may nagbosina sa labas, nanlaki ang mata ko

"SKY?" bosina na siya ng bosina, pinagtitinginan na siya ng lahat ng security guard, nakababa ngayon ang bubong ng convertible car niya, sumimangot ako at nilabas ko siya agad

Nakapameywang ako na tumigil sa harap ng kotse niya, tinanggal niya ang aviator shades niya saka tumingin sa akin, hindi siya nakangiti. Nagsasalubong ang kilay niya "Bakit naka shades ka eh ang dilim pa?" biglang tanong ko sa kanya na lalong kinapait ng mukha niya

"Bakit ang tagal tagal mo eh kanina pa kita tinatawagan!" balik tanong niya sa akin saka hinagis ang shades niya sa dash board ng kotse

"Eh bumibili ako ng ice cream mo eh!" sagot ko sa kanya, nakakairita, bakit kailangan pa niyang magbosina ng marami at malakas? Pinagtitinginan pa tuloy kami dito, oo magara ang kotse niya pero naman sana...ayyy!

Bumaba siya ng kotse saka nakita ko siyang pumasok ng convenience store. Nakita ko ang pag awang ng bibig ng cashier ng papalapit na si Sky, ngayon ko lang napansin, naka dark brown leather jacket siya na pinatong niya sa black v-neck shirt niya. Napansin ko rin ang suot niyang pantalon na may rip sa magkabilang tuhod. Mukhang siyang bad boy sa dating niya pero ang bango parin niyang tignan.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!