Chapter 32

4K 99 1


Hebe

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood ni Sky, nakailang buntong hininga na ako pero hindi pa rin niya ako kinikibo. Nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin sa rear view mirror ng sasakyan pero sa tuwing titingnan ko siya umiiwas lang siya ng tingin. Nakaalis na kami sa buhul-buhol na trapiko, dire-diretso na ang takbo namin at ilang minuto pa ay nahinto na ang kotse sa tapat ng apartment building namin.

"Salamat..." sabi ko saka tinanggal ang seatbelt, tinignan ko ang unit namin, walang nakasinding ilaw, tinignan ko ang orasan ko, mag aalas-otso na ng gabi, saan kaya nagpunta yung dalawa?

"BE!" napatingin ako sa kanya

"B-Bakit?" tanong ko, nakita ko siyang pumikit at bumuntong hininga

"Hindi mo ba ako papababain?" tanong niya sa akin at ngumiti, ano bang nasa isip niya kanina?

"A-Ah?" tanong ko sa kanya saka ako ulit tumingin sa unit namin "K-Kasi... masikip lang sa taas... s-saka baka gabihin kana!" sagot ko

"Okay lang..." saka niya binuksan ang pinto ng kotse niya, lumibot siya sa harap nun para pagbuksan ako

"Salamat..." untag ko sabay tingin sa paligid, mabuti na lamang walang masyadong tambay ngayon, kung hindi malamang pinagtitinginan na ang sasakyan ni Sky!

Kinuha ko ang susi ko sa bag, nahihirapan pa akong abutin iyon kasi natabunan na iyon ng iba ko pang gamit. Inalalayan ni Sky ang kamay ko at hinawakan niya ang bag, nanginginig pa akong inabot iyon. Nabuksan ko na ang gate sa baba ng building namin. Saka inabot ang switch ng ilaw sa may hagdan.

Nakita ko ang pagmamasid ni Sky sa lugar namin, nabigla pa ako ng bigla siyang napahawak sa handrails ng may tumawid na ipis sa hagdan "Sorry, maraming ganyan dito..." sabi ko saka ngumiti, alam kong hindi siya sanay sa mga ganyan.

Naku nadaan lang ang ipis paano pa kaya kung lumipad yun sa harap niya?

Nabuksan ko na ang pinto ng unit namin na nasa second floor lang. Inabot ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag na makita ko na nakaayos ang sapin ng sofa at nakapagwalis naman kahit papaano sa loob.

"Maupo ka..." sabi ko sa kanya saka dumiretso sa kusina "Anong gusto mong inumin?" tanong ko na pasigaw, nasa sala na kasi siya

"Just ice cold water..." rinig kong sabi niya, buti na lang yun ang hiningi niya, kasi bukod sa kape yun lang ang pwede kong maalok sa kanya

Binuksan ko ang electric fan saka itinutok kay Sky, nakikita ko kasing namamawis na ang noo niya, bigla akong napatingin sa oras, bakit wala yung dalawa saan sila nagpunta?

"Ah... h-hindi naman sa pinapaalis na kita..." pero sadyang kinakabahan lang ako baka magpang-abot pa kayo ni Kiro, hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya "Pero sa tingin ko mahihirapan kang umuwi kung hindi ka pa aalis ngayon..."

Ngumisi siya sa akin, tumayo siya matapos inumin ang tubig na binigay ko, hinubad niya ang jacket niya saka nilapag iyon sa sofa "Bakit?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin "Hindi ba ako pwedeng mag stay dito even just for a night?" pabulong niyang sabi

"A-AH! H-HINDI! HINDI PWEDE!" sagot ko agad sa kanya, he smirked saka lumakad pa palapit sa akin, lumakad ako paatras at nahinto lang ako ng maramdaman ko na tumama na ang likod ko sa dingding.

"Why? Natatakot kaba sa akin?" nanlaki ang mata ko ng bigla siyang yumuko at nilapit ang mukha niya sa akin, kitang-kita ko ang kulay ng mata niya...amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at ang pabango niyang laging naiiwan ang amoy sa ilong ko!

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!