Chapter 31

4.1K 91 2


Hebe

Agad akong pumasok sa kotse niya saka sinara iyon ng malakas. Nakangisi siya habang umikot sa harap ng kotse niya, kitang-kita ko ang pagkaway niya sa mga tao bago tuluyang pumasok sa loob "AAAH!!! FEELS GREAT!" he exclaimed and shut the door

Kumunot ang noo ko saka ako humarap sa kanya "Hindi ba mali ito?" tumingin siya sa akin na parang naguguluhan

"Ang alin?" tanong niya saka sinuot ang seatbelt niya

"Ikaw... ako..." sagot ko saka umayos ng upo, tumingin lang din ako ng diretso sa harap ko, ayaw ko siyang tignan para kasing... para kasing natutunaw ako...

"I don't understand..." sagot niya sa saka pinaandar ang sasakyan

"Magiging boss na kita sa loob ng ilang buwan mukhang hindi tama na magpaligaw pa ako sa iyo!" sagot ko sa knaya saka tumingin sa bintana

"Saan mo napulot yan?" sagot niya sa akin at halata ang excitement sa boses niya

"Di ba bawal yun? Yung magkaroon ng relasyon ang dalawang empleyado sa isang kompanya?" tanong ko na halos pabulong, napaka awkward kasi na pag-usap ang ganitong bagay, oo matanda na kami at nasa tamang edad na pero... pero hindi ko parin maalis sa isipan ko na, magiging boss ko si Sky at... kung sakali man di ba... parang hindi magandang tignan!

Narinig kong siyang tumawa "Relasyon? So meaning 100% sure na, na magiging tayo kaya bothered ka sa bagay na yan?" saka siya tumingin sa akin, naramdaman ko ang pamumula at pag-init ng mukha ko, bakit kaba ganito magsalita Sky? Sana naman isipin mo yung mararamdaman ng kausap mo, malapit mo na akong patayin...lagi mong pinapabilis ang pagtibok ng puso ko, nakakasar kana!

"HINDI AH!" sagot ko sa kanya na medyo pumiyok pa, kainis talaga! "Iniisip ko lang ang mga pwedeng mangyari s--saka b-baka a-anong isipin ng iba..." sagot ko sa kanya saka bumalik ang tingin sa bintana

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko "Don't worry about that...Walang bawal bawal sa akin BE! Besides excited ng magkaapo si Mommy, wala siyang hindi gagawin na gusto ko..." saka siya ngumiti sa akin

Binawi ko ang kamay ko "ANONG APO KA DYAN!" pinanlakihan ko siya ng mata, tumawa nanaman siya "H-HINDI P-PA TAYO KAYA WAG KANG PAKASIGURO!" saka ko siya inirapan.

"That is exactly what I like to you, you challenge me, a lot!" saka na niya tinuon ang pansin sa daan, nakikita ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin sa gilid ng mata ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ang orasan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na mag aalas tres na ng hapon, bakit ang bilis ng oras?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

"I was planning to introduce you to her but I think it's not the right time..." bigla niyang sabi, kumunot ang noo ko.

"Her? Sino?" tanong ko at tumingin ako sa mukha niya, sa mukha niyang napakagwapo!

"Soon you'll know her! I'm sure she'll be happy to see you..." sagot niya sa akin na hindi inalis ang tingin sa daan, nagkibit balikat na lang ako!

"So saan tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kanya

"Kila Angelo..." sagot niya at ngumiti

----

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Modern ang design nun. Napahanga ako sa ganda at lawak ng lugar. Lalong lumitaw ang kalinisan at kagandahan ng bahay dahil sa glass walls at napapaligiran din ito ng mga halamang namumulaklak. Yun palang ang nakikita ko mula sa labas huh, paano pa kaya kung nasa loob na?

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!