KINABUKASAN magkakasama ang magkakaibigan habang pinaghahandaan nila ang nalalapit na kasal nila Vince at Ashley.

"Ako ang brides maid." Ani Jham sa kapatid. "Ako sabi." Ang nakapuot na aniya naman ni Shakira.

Napailing na lang si Vince na nakatingin sa dalawang kapatid. "Hey! Wag kayong magbangayan, maid of honor na lang kayong dalawa ng hindi kayo nagtatalo." Ani Vince sabay akbay niya sa dalawa. "Ikaw kasi." Ani Shakira.

"Oh! Tama na, wala ng magtuturoan sa inyo." Ani Vince. Nakinig naman ang dalawa sa kuya nila.

At habang nakaupo si Leynard at nakamasid sa mga inaanak niya at sa nag-iisa niyang prensesa ay bigla na lang siya napangiti. Nasa ganun siyang tagpo ng magring ang tawagan niya. Agad niya namang tiningnan ang tawagan niya kung sino ang tumatawag. Ng makita nitong ang secretary niyang si Jojie ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Hello. Is there a problem in the office?" Tanong nito agad.

"Wala po, sir. Pero may gusto pong kumausap sa inyo. It's a important matter, sir. I'll give you the number." Anang secretary nito.

Maya't maya ay natanggap ni Leynard ang message ng secretary niya. At ng tingnan niya ito ay isang nagngangalang Doctor Maylin ang may ari ng number. Kaya agad na tinawagan ito ng ginoo ang naturang number.

Hindi naman nagtagal ay may sumagot ng tawag ni Leynard sa kabilang linya. "Hello." Anang nasa kabilang linya.

"Um. Nandyan ba si doktora Maylin?" Ani Leynard. "Yes! Speaking?"

"I'm Leynard Villarde. Ang sabi ng secretary ko ay gusto mo daw akong makausap?" Ani Leynard.

"Yes! Sir, actually I saw the news. That's why I want to talk to you." Ani Maylin. "Okay! About what?" Taka namang ani Leynard.

"It's about Miss Aira Villanueva." Ani Maylin. "Why?" Puno ng pagtatakang tanong ni Leynard.

"I know you think she's dead. But, she's alive." Ani Maylin.

"Oh! Come on. Are you kidding me? How that was she's alive?" Ani Leynard ngunit sa kaibuturan ng puso niya ay nagdiwang.

"Alam kung hindi kayo maniniwala. Pero, itataya ko ang pagiging isa kung doltor na nagsasabi ako ng totoo. Kung hindi ka naniniwala ay pumunta ka sa bahay at ipapakita ko sa'yo at ipapaliwanag kung paano ko nasabing buhay siya." Ani Maylin sa kanya.

Kaya matapus ang pag-uusap ng dalawa ay parang wala sa sarili si Leynard ng lapitan nila ito. "Dad, what's wrong?" Ani Ashley na agad namang kinaangat ng mukha ni Leynard.

"May tumawag kasi anak at ang sabi ay buhay ang iyong ina." Ani Leynard.

"Really Dad. Where?" Ang excited na ani Ashley. "Dad, let's go. Puntahan natin, malay mo totoong buhay si Mommy." Yakag ni Ashley sa ama sabay hila nito sa kamay ni Leynard.

Kaya wala silang nagawa kundi ang puntahan ang address na binigay ng doktora na tumawag kay Leynard. Dahil maging ang mga kaibigan nila ay sumama ang mga ito kaya dalawang van ang ginamit nila.

Habang binabagtas nila ang daan ay nagtaka si Jayson dahil pamilyar sa kanya ang daan. Si Jayson ang nagmaniho ng van na sinasakyan nila Leynard sa isang van naman ay si Nick ang nagmaniho nito.

Nang marating nila ang address ay bumungad sa kanila ang may kalakihan ding mansyon. Agad naman silang pinagbuksan ng guard na nakatalaga sa labas ng malaking gate.

"Tuloy daw po kayo sa loob?" Anang katiwala na sumalubong sa kanila. Kaya lahat sila ay tumuloy sa loob ng mansyon.

"Magandang umaga." Ani Leynard sa babaing naghihintay sa kanila sa malaking sala.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!