"Doc, let him get inside. Baka napano na ang anak ko," ani Leynard sa doctor. "At ikaw Del Rio, baka mapatay kita ng kalahati sa kapraningan mo." Ani Leynard na iiling-iling. Dahil sa tinuran ng ginoo ay hinayaan nilang makapasok si Vince para ma-checkup nila ang lagay ni Ashley.

"Okay. Come with me, sir." Anang doctor at pumasok kung nasaan si Ashley. Agad namang sumunod dito si Vince na hindi parin matanggap na ang doctor na lalaki ang titingin sa nobya.

Kung hindi lang siguro nawalan ng malay si Ashley ay baka nasuntok na ni Vince ang doctor. Dahil sa tuwing hahawakan ng doctor si Ashley ay napapakuyom ng kamao ang binata. He doesn't want other man touch her girlfriend, gusto niya ay siya lang ang hahawak dito na lalaki.

Matapos ang ilang pagsusuri sa dalaga ay agad inaya ng doctor si Vince na lumabas na ito at maghintay na lang sa labas. Hinabilinan lang ng doctor ang mga nurse kung ano ang gagawin nila bago ito nagpatiunang lumabas. Kinintalan muna ni Vince ng halik sa noo ang nobya bago ito lumabas.

Lakad upo ang ginagawa ni Vince habang hinihintay nilang sabihin ng doctor kung ano ang resulta sa pagsuri sa dalaga. Makalipas ang halos kalahating oras ay muli silang binalikan ng doctor.

Agad nila itong sinalubong. "Anong resulta ng ginawa niyong test sa girlfriend ko?" Agad na tanong ni Vince dito.

"Kumusta po ang anak ko doc, bakit bigla na lang siyang nawalan ng malay?" Tanong naman ni Leynard sa doctor.

Napakamot naman ng ulo ang doctor sa mga ito. "We'll, you don't have to worry about her. She's fine, normal lang ang nangyari sa kanya kaya siya nawalan ng malay. Ang kaylangan niyo lang gawin para sa kanya ay alagaan siya at bantayan. Dapat hindi siya magpapagud at magbubuhat ng mabibigat na bagay. She need nutritious food and vitamin for their health," anang doctor sa kanila. Naguguluhan naman sila kung ano ang ibig sabihin ng doctor na lihim na napangiti.

"Congratulation by the way, your girlfriend is two month's pregnant. At wala kayong dapat ipag-aalala dahil healthy sila ng baby." Anang doctor. Hindi naman sila nakahuma sa tinuran ng doctor. Halos hindi na maikurap ni Vince ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ng doctor.

"Sige po maiwan kuna kayo, maaari niyo na pong puntahan sa kanyang private room ang pasyente. Dahil inilipat na po siya sa kwarto niya. Bukas pa po siya pweding lumabas ng hospital." Anang doctor sa kanila.

"Thank you doc." Pasalamat ni George dito bago sila iwan ng doctor. Halos hindi makapaniwala si Vince sa narinig. Ang ginoo naman ay nagulat rin ito sa sinabi ng doctor sa kanila.

"You heard that. Ashley is pregnant with my child." Ani Vince. Ng makita nito ang kanyang ama ay agad niya itong hinawakan sa balikat na kinakunot noo naman ng ginoo. "Dad. I'm getting a dad." Halos maluha-luha na nitong aniya sa ama dahil sa tuwa.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ng ginoo. "Ashley is two months pregnant, Dad." Masaya nitong balita sa ama.

At ng lumingon naman si Vince ay hindi nito napaghandaan ang biglang paglapit ni Leynard sa kanya. Kaya hindi niya napaghandaan ang pagsugod ng ginoo. Agad pumutok ang gilid ng labi ni Vince na tinamaan ng kamao ng ginoo. "Walang hiya ka, bakit mo binuntis ang anak ko. Wag ka lang magkakamaling takasan siya kundi ako mismo ang puputol ng makamandag mong armas Del Rio." Banta ni Leynard kay Vince.

Sa halip na magalit ang binata ay napangiti lang ito sa ginoo. "I love your daughter tito Leynard. Kaya hinding hindi ko siya tatakbuhan. Kung pwede nga lang ay bukas din ay pakakasalan ko siya ay gagawin ko." Anito sa ginoo na sinimangutan lang siya.

"Gusto ko pa ngang bumawi sa anak ko at makasama pero binuntis mo naman agad. Pasalamat ka at buto ako sayo para sa anak ko. Kundi, ilalayo ko talaga siya sayo." Ani Leynard.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!