Jion POV

Narealized ko na gusto ko talaga si Yuna.

At yun ang problema ko ngayon.

Nagtapat ako kay Gabby imbis na magtapat kay Yuna.


Pero paano nga ba magtapat sa bestfriend??!


Maaga akong nagising ng Saturday, hindi rin ako gaanong nakatulog.

Lalabas kami ngayon ni Yuna.

Hindi naman ako dati nagaalala sa porma ko tuwing lalabas kami pero ngayon narealize ko na wala na pala akong bagong damit.


Sa kakaayos, nalate ako sa usapang time namin ni Yuna.

Tinext ko siya.

Mlapet n ako. Sorry nalate ako T^T


Ok lng. Antayin nlng kta :D reply niya.


Nakapagtataka hindi niya ako sinermonan. Sa bagay, hindi naman ako parating nalalate sa usapan namin...


"Sorry late ako—" sabi ko kadating ko ng mapansin kong may kasama siyang isang lalaki; si Gabby at ang mapang-asar niyang peace sign.

Akala ko ba hindi siya sasama?

"Hinatid ako ni Gabby." Paalam ni Yuna.

"Bat kasi ayaw mong sumama samin?" tanong niya kay Gabby.

"Di ba okay lang naman Jion?" tanong naman niya saken.

Hindi talaga okay... dahil ngayong may narealize na ako.

"Okay lang naman..." alanganing sagot ko.

"Kung ganon sasama na ako." Mabilis niyang sagot.

Ha? Pero ilang beses siyang umayaw nun ah! Dahil ba sa sinabi kong may gusto ako kay Yuna kaya binabantayan na niya ako katulad ng pagbabantay ko sa kanya?


Sumakay kami ng escalator ng inunahan ako ni Gabby na tumabi kay Yuna. Nilingon niya ako sa likod at dumila ng belat.


Sa tingin ko mukhang ina-acknowledge na talaga niya ako bilang karibal niya.

Pero hindi ko mapormahan si Yuna dahil hindi ko pa nasasabi na gusto ko siya...


Nagstay rin siya habang nagpapaturo ako kay Yuna.

"Hindi, dapat ganito." Turo ni Gabby.

Magaling rin pala siya sa Math... medyo naasar ako dun.


Hinatid na namin sa sakayan si Yuna pagkatapos.

"So, magkaribal na talaga tayo ngayon." Bulong ko.

"Hindi ba hinamon mo na ako nung huli tayong nagkausap?" sabi niya.

Ah! Yung nagtapat ako ang sinasabi niya.


"Oo, magtatapat na ako kay Yuna kaya maghanda ka." Sabi ko tsaka naunang umalis.



Nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtapat sa kanya pero paano kung kaibigan lang pala talaga ang gusto niya saken?

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!