Kabanata 3

9.4K 132 21
                                    

'Touch down Baguio!' It's already 5:30 am. May rest house daw dito sila Ivan kaya dito kami magii-stay. Pinuntahan ko sa likod ng van yung maleta ko. Akala ko papansinin na ako ni Ivan pero wala pa rin. Para akong hangin na dinaanan lang niya. Binaba ko na lang mag-isa yung maleta ko. Nauna na kasi sa loob yung dalawa kong kapatid at gusto na agad mag-jogging.

"Maraming rooms dito so you can choose where you want to stay. Mare doon na lang kayo ni kumpare sa isa pang room na malaki."

Fully furnished ang rest house nila. At mukhang ginawa ito para sa maramihang bakasyunista ng pamilya nila. Pumasok ako sa isang kwarto. Sakto lang siya para sakin. Ayos na siguro ako dito. Inayos ko muna yung gamit ko bago bumaba para mag-almusal. Nagugutom na ako. Napatalon ako sa gulat nang makita ko si Ivan sa katapat kong kwarto. Palabas na din siya at mukhang pababa na din. Hindi nanaman niya ako pinansin. Kainis naman. Sakit sa heart!

Lumipas ang dalawang araw na ganun ang sitwasyon namin ni Ivan. 19 pa lang ngayon. Malayo-layo pa ang Pasko. Aalis ata sila Mama kasama sila tita. Double date ata. Busy yung dalawa kong kapatid sa movie marathon. Si Ivan? Ewan ko.

"Nak?" Di talaga uso kumatok sa pinto. Hay nako Pa.

"Bakit po?"

"Ayos ka lang ba?"

"Oo naman Pa."

"Pero hindi kayo nagpapansinan ni Ivan. May problema ba?"

Hindi ko masagot yung tanong ni Papa. Ang babaw kasi ng dahilan eh.

"Malaki ka na Ella. Kaya mo na yan. Sundin mo yung gusto mo. You're now a lady. Take every risk to know if it's worth it."

Hinalikan ako ni Papa sa noo saka umalis ng kwarto ko. Is it time to take a risk again? Haay. Bahala na. Nag-suot ako ng jacket saka bumaba at dumiretso sa garden nila. Alagang-alaga yung mga bulaklak kaya ang ganda. Umupo ako sa table at ipinatong ang baba sa table. Haaay.

"Bakit ka bumubuntong hininga diyan? May problema ka?"

Kahit hindi ko nakita ko sino yung nagsalita kilala ko na agad. Ito nanaman yung nararamdaman ko tuwing nandyan siya. Hindi ako mapakali. Umayos ako ng upo nang umupo siya sa tapat ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya o kinikilig?

"Sorry. Ang childish diba? Sorry talaga." Ang pogi pa rin niya! Bakit ganon?

"Alam mo mahal din naman kita eh." Tinignan ko ang reaksyon niya. He's shock. "Siguro matagal na, pero dine-deny ko lagi at sinasabi sa sariling hanggang crush lang ako. Nakakahiya man sabihin pero kahit may boyfriend ako noon ikaw pa rin yung crush ko. Siguro yun na ng biggest secret ko pero hindi na siya secret ngayon." I paused. "Mahal kita, pero takot akong sumugal. Natatakot akong masaktan ulit. Kasi iniisip ko na baka tine-take advantage mo lang ako kasi alam mong sure win ka sakin."

Tahimik lang siya. Hindi nagsasalita. Yumuko ako. Alam kong nasaktan siya sa huli kong sinabi pero yun ang naiisip ko eh. Hindi ko naman siguro kasalanan na iniingatan kong hindi masaktan ulit. I sighed. Ang galing mo Ella. Sinaktan mo lang naman yung mahal mo na mahal ka din!

"Mahal mo ako. Kaso may kasunod na 'pero'. Dahil iniisip mong tine-take advantage kita. Ella, hindi ako ganon. Kahit tanungin mo ang tropa ko na alam kung paano ako mag-mahal. Pero nasa iyo naman yan eh. Kung magte-take ka ng risk or hindi. It's all up to you now."

Ngumiti siya sakin bago pumasok sa loob. Sumandal ako at tumingin sa langit. Ano na Ella? Hahayaan mo pa bang mawala yan sayo? Tagal ka niyang hinintay. Ang tagal mo ring hinintay na maging crush ka ng crush mo. Ngayong mahal ka niya hahayaan mo pa bang mawala? Diba mas masakit yon? Teka nga! Paano ko siya sasagutin eh wala namang tanong! Haay nako Ivan Montero! Bumalik ka dito at tanungin ako para magkaroon na ng 'tayo'!

"Ate wala ka bang balak pumasok? Sobrang lamig na dito oh." Omg! Si Liam! Nice idea Ella.

"Papasok lang ako kapag bumalik si Ivan dito at tinanong ako." Go Liam! Help mo na si ate sa love life niya! Kilala ko si Liam suportado ako niyan. Kaya naintindihan niya panigurado yung sinabi ko.

"Ella..." OMG! OMG! OMG! "Tinawag ako ni Liam kasi ayaw mo daw pumasok. Anong problema?" Face palm.

"Ivan naman! Kelan ka pa naging slow? Sinabi ko na nga na mahal kita eh. Oo sinabi kong natatakot akong sumugal pero hindi ko sinabing di ako susugal! Aish. Kainis naman! Kanina pa ako naghihintay dito na magtanong ka para magkaroon ng 'tayo'! Kainis!"

Tumayo ako at nag cross arms. Nakakainis talaga. Aish! Magte-take na nga ng risk eh! Aish! Mas lalo akong nainis nang tumawa siya.

"Ang cute mo Ella." Tss. Iniharap niya ako sa kanya. "Ms. Ella Fuentes, will you be my girl?" Naiinis pa rin ako pero mahal ko eh.

"Oo na! Kailangan pang sabihan walang kusa." Wala, trip ko lang mag-tampo. Pero deep inside kinikilig ako! Mygad!

Ramdam ko ang titig niya kaya napatingin ako. And yes he's smiling at me kaya napa-ngiti na din ako. Yep, nawala na agad ang tampo ko.

"I love you."

"I love you too."

Ganito pala ang feeling na yung matagal mo nang crush boyfriend mo na ngayon. Ang saya lang. Sobrang saya. Best christmas gift ever! Nag-vibrate ang phone ko. Liam sent me a photo. Pag-open ko picture namin ni Ivan na magka-yakap. Agad kong in-edit ng blurred at black and white saka ko pinost sa instagram 'Sweet.' Kunyari ibang tao yun.

"Sobrang saya ko. Kasi pagkatapos ng ilang taon na pilit kitang inaabot ngayon naabot na kita at nayayakap pa."

I smiled. I still can't believe it na yung high school crush ko boyfriend ko na ngayon. Kakaiba yung feeling. Lahat ng doubts ko nawala. Parang sure na ako na siya na ang present at future ko. Hindi ko talaga ine-expect ito. Grabe! Nakaka-gaan ng feeling.

"Tara baby pasyal tayo!" Whoo! Baby daw oh! Kilig pwet!

Namasyal kami sa burnham at nag-bike. Marunong ako kaya nagkarerahan pa kami. Nag-enjoy lang kami hanggang sa ginabi na kami. Magka-holding hands kami pagpasok ng bahay. Bumungad samin ang pamilya ko at pamilya niya.

"Mama,Papa, Zack and Liam, si Ivan boyfriend ko." Ngumiti lang si Papa habang si Mama kinikilig pa ata.

"Sa wakas at may anak na akong babae! Tagal kong hinintay ito. Bagal kasi ni Ivan! Ella! Jusko! Ang saya ko at parte ka na ng pamilya namin! Finally!" Halata namang sobrang saya ni Tita.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Masaya eh. Lord, thank you po! One of the best day of my life. December 19. Kinikilig ako! Shems! Yung heart ko sobrang saya. 19. 19. 19. Sinubukan kong tawagan sila Kathy at Jeni para ibalita kaso nakapatay ang phone. Busy siguro. Si Jon hindi pwede tawagnan kasi nasa ibang bansa nga. Di bale malalaman din nila. Soon.

"Bakit di ka pa tulog?" Bigla siyang sumulpot sa likuran ko at nag back hug.

"Wala. Nag-iisip lang."

"Hindi ko man maipapangako sayo na hindi kita sasaktan pero pinapangako kong hinding-hindi ko sasadyain. I love you."

"I love you too."

Bigla niyang nilabas ang phone niya para sa picture buti na lang natakpan ko pa yung camera. Tumatawa siyang lumabas ng kwarto ko. Baliw talaga. Nag-facebook muna ako bago matulog. Nakuha ng isang picture ang atensyon ko. Kaya pala, ako ito eh. Pasaway na Ivan. Infairness, maganda ang kuha. Kahit nakatakip ng konti yung kamay ko kitang-kita naman yung ngiti ko. Bigla akong natawa sa caption niya. 'Ganda niya talaga. Pag ni-like niya ito I'll comment game over.' Ang daming nagla-like with comment pa na ni-like ko na! Hahaha. Karamihan galing sa batch amicus.

'Oy bro! Sino yan ha?'
'Nako! Napunta lang sa Baguio nagka-love life na. Makapunta nga rin.'
'Parang kilala ko ito. Anghel ng Amicus?'

Omg! Galing naman mang-hula ni Franco! Buti na lang di napansin nung iba. Anghel ng Amicus ako daw iyon. Kasi sa batch namin ako lang daw di nagmu-mura. Ni-like ko na yung post ni Ivan na may picture ko na hindi talaga halatang ako.

'Ivan's comment: GAME OVER! I love you!'

Pasaway na Ivan. Ang dami tuloy na-curious. Tanungan sila kung sino yung nag-like na dahilan ng comment ni Ivan. Crush ng Amicus. Haha. Si Ivan yon, yung boyfriend ko.

Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon