Eighteen

93K 2K 76
                                    

***Sherrie


Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ako sa bahay ng family ni Enrique, na dito ako nagpalipas ng gabi. Maski sa hinagap ko noon, hindi ko naisip na makakapag-overnight ako sa isa sa mga tahanan ng Delhommes. It was so... surreal.

Tulog na tulog pa rin si Enrique sa tabi ko. Para talaga siyang angel, an archangel, lalo na kapag natutulog siya. He was the most beautiful and sexiest thing I'd ever seen.

Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang dibdib niya pero tumigil ako. Hay, para kang sex maniac, Sherrie. Pagkatapos ng mga ginawa n'yo kagabi, hindi ka pa rin nakuntento.

Kaysa mapagsamantalahan ko siya habang natutulog, bumangon ako. Hinanap ko ang ipinagamit sa aking pantulog ni Enrique kagabi pero hindi ko makita; baka natabunan ng sheets sa kama.

Nag-tip toe ako papasok sa bathroom. I peed, then I washed up. Naghilamos na rin ako at nag-toothbrush. Ginamit ko 'yong bagong toothbrush na nakita ko.

Napansin ko ang nakatiklop na robes sa bathroom shelves; may pambabae at panlalaki. Kumuha ako ng silk robe na alam kong sa stepmom ni Enrique.

"Pahiram po muna, Tita Sophie."

Tita Sophie talaga? Para namang close na kami.

Pero sa dalas banggitin ni Enrique ang stepmom niya sa akin, feeling ko nga parang personal na kakilala ko na rin ang asawa ng daddy niya.

Pagkatali ko ng sash, sinipat ko ang sarili sa salamin. Nagustuhan ko ang robe. Medyo maiksi iyon sa akin, hanggang kalahati lang ng mga hita ko, pero parang sinadya na maging ganoon. It made me feel sexy.

Humiram rin ako ng malambot na house slippers. Grabe, kumpleto sa lahat ang bathroom na ito. I want a bathroom like this.

Paglabas ko ng bathroom, natutulog pa rin si Enrique. He worked me hard again last night, hindi na kataka-takang ang lalim ng tulog niya.

Naisip kong lumabas ng silid at puntahan ang library sa ibaba. Isa ang library sa mga pinakanagustuhan kong bahagi ng bahay na iyon. Ang dami kasing hardbound books.

May nakasalubong akong housemaid sa first floor. Parehong nanlaki ang mga mata namin sa gulat. Pagkatapos ay bumubungisngis na nagpatuloy siya sa pupuntahan niya. Yikes! Nakakahiya. Hindi naman masama ang dating sa akin ng bungisngis ng housemaid. Parang kinikilig lang siya or something nang makita akong naka-robe lamang, pero kahit pa. Nahiya pa rin ako.

Tumakbo ako papunta sa library. Nang makarating doon ay nakahinga ako nang maluwag. Tumingin-tingin ako sa mga libro sa floor-to-ceiling shelves. Amazing. Sa movies lang ako nakakakita ng ganitong klaseng home library.

Masyado akong nalibang sa pag-browse ng mga libro, nakalimutan ko ang oras. Napagtanto ko lamang na napatagal na pala ako sa library nang bumukas ang pinto at pumasok ang napakaguwapong lover ko.

Lover?

Yeah, I guessed he was my lover. Wala kaming pormal na relasyon pero ang dami nang nangyaring seksuwal sa amin. Hindi naman kami matatawag na fucking buddies lang dahil vocal siya na may gusto siya sa akin at gusto niya akong maging girlfried.

Naka-jeans siya. Magulo ang buhok niya at may kaunting antok pa sa mga mata kaya nahinuha kong bagong gising siya.

Lumapit siya sa akin at hinila ako sa mga bisig niya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. "Bakit ka umalis sa bedroom, cherie?" he murmured.

"Uh, natutulog ka pa kasi kanina. Wala akong magawa kaya pumunta muna ako dito sa library."

"Breakfast?" he asked.

Tumango ako. Ilang araw na akong malakas kumain. Considering kung ano ang physical activity na pinagkakaabalahan ko lately, hindi na iyon kataka-taka.

Inilagay ni Enrique ang mga kamay sa beywang ko para maibaba niya ako sa sahig kahit kaya ko naman iyong gawing mag-isa. Ang natural sa kanya na alagaan ako. Hay, bakit kasi naging estudyante pa siya sa St. Michael's? Sana rin napaaga siyang ipanganak nang isang taon. Sa Pilipinas kasi, kapag mas matanda ang babae sa lalaking karelasyon niya, ginagawa nang issue ng ilan.

"Sa kitchen na tayo," he said.

"Ngayon na? Hindi ka ba magti-T-shirt? Ang dami kayang housemaids na pagala-gala rito. Baka makita ka nilang ganyan."

"Hindi mo gusto na may ibang babae na makakita sa naked chest ko, cherie?"

Kinagat ko ang labi ko, pagkatapos ay tumango ako. "Yes. Ayoko."

Nakangiting idinikit niya sa akin ang mukha niya. "Nagiging possessive na rin sa akin ang cherie ko. Yee-haa!"

Natawa ako sa pag-"yee-ha" niya. Gusto ko kapag ganito siya. Full of life. Nakakahawa.

Umakyat muna kami sa master bedroom. Nag-T-shirt siya. Isinuot ko naman ang mga damit ko. Then bumaba na kami sa kitchen.

May naabutan kaming lalaking naghahanda ng mga pagkain roon.

"Tito Gerard," masiglang bati ni Enrique sa lalaki.

"Morning, Enrique. Tinawagan ako ni Jacques kanina para ipaalam na nandito ka. Howdy, ma'am! I'm Gerard, personal chef ng Delhomme family. Head chef rin ako sa isa sa family restaurants nila pero tuwing nasa Pilipinas sila ay pumupunta ako rito para pagsilbihan sila."

"Ako lang naman mag-isa ang dumating rito, Tito Gerard. Hindi ko expected na tatawagan ka pa ni Jacques."

"Anong ikaw lang? 'Ayan, may kasama kang magandang dalaga. Malaki ka na talaga, Enrique."

"Don't make Sherrie blush, Tito Gerard. Baka hindi na siya pumayag na bumalik rito."

"Sorry, Miss Sherrie."

"Uh, Sherrie na lang," I said.

Ipinaghila ako ni Enrique ng upuan. "Dito na kami kakain ni Sherrie. Ipagluluto ko sana talaga siya but since may mga iniluto ka na, we'll just enjoy the food you prepared for us."

"Whoa! Whoa! Sa pagkakaalam ko, hindi basta-basta nag-uuwi ng babae at nagluluto ang isang Delhomme man para sa isang babae. Seryoso 'to. Tsk, tsk."

Enrique chuckled. Ako naman ay nase-self-conscious na napayuko. But deep inside, natutuwa ako na sa mata ng mga tao sa bahay na iyon ay "sineseryoso" ako ni Enrique. Hindi ako isang babae lang na dinala niya roon para parausan.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon