Chapter Twenty Three

8.8K 279 13
                                    

Magbuhat ng sila'y umalis ay tahimik lang na nagmamasid si Carlo sa mga nadaraanan ng kanilang sasakyan. Tulad naman ng naipangako ni Bullet ay hinayaan lamang niya si Carlo na makapagmuni-muni hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon.

"I asked Ceazar earlier to prepare some food for us. Sabi kasi ni Tita Susan ay hindi ka daw kumakain magmula pa kanina umaga." Wika ni Bullet. "Salamat. Natulog lang kasi ako buong araw. Wala din naman akong gana na kumain kanina." Sabi naman ni Carlo. Hindi na muling kumibo pa si Bullet bagkus ay inaya na niya ito sa lounge area sa ikalawang palapag kung saan nakahanda na ang mga pagkain. Habang sila'y umaakyat ay nagsimula naman ng gumalaw ang yate palabas ng docking area.

"Salamat sa pag-imbitang muli sa akin dito, sir. Hindi naman po lingid sa kaalaman ko na iilang tao lamang ang hinahayaan mong makapunta dito kay Archer kaya isang napakalaking bagay na ito para sa akin." Wika ni Carlo. Kasalukuyan silang kumakain habang pinagmamasdan ang mga kumukuti-kutitap na mga ilaw sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

"I will only accept your thank you if you call me by my first name." Nakangiting sabi ni Bullet. "I'm sorry, masyado ba kong pormal na magsalita sa'yo? Hindi lang talaga kasi ako sanay na tawagin ka sa pangalan mo." Ang nahihiyang sagot naman ni Carlo.

"I understand but soon, you'll get used to it. Besides, I'm just turning twenty five this year so let's set aside the formality. Shall we?" Wika ni Bullet. Napaisip naman ng matagal si Carlo sa sinabi nito. Pagkatapos ay may biglang sumagi sa kanyang isipan kaya nanlaki ang kanyang mga mata. "Ha? Teka lang Bullet, ang ibig mo bang sabihin ay bente tres ka pa lang noon nung magpakasal ka?" Gulat na sabi niya. Huli nang napagtanto ni Carlo ang lumabas sa kanyang bibig dahil naging seryoso na ang reaksyon sa mukha ni Bullet.

"I-I'm s-sorry. Hindi ko sinasadya na tanungin ka---"

"It's okay. Actually I'm only twenty one then when I proposed to my girlfriend. After that, we set the date of our wedding the following year." Wika ni Bullet. Napalagok naman ng tubig si Carlo. "Bakit parang ang bilis ninyo naman dalawa na magdesisyon? Ang bata pa kaya ng bente uno para magpakasal agad." Tanong niya.

"Honestly, I was the only one who decided to get us married. I thought she was the one for me. You know, sometimes younger people tends to be impulsive in making life decisions." Sagot ni Bullet.

Tila may kung anong nag-udyok naman kay Carlo upang mas lalong usisain pa ang lalaki.

"Pwede ko bang malaman kung bakit hindi natuloy ang inyong kasal?" Tanong niya. Matagal na tinitigan ni Bullet ang mapayapang dagat. Akala ni Carlo ay hindi na nito sasagutin pa ang tanong niya ngunit kumukuha lamang pala ito ng lakas ng loob upang ilahad ang kanyang kwento.

"She went to america on the day of our wedding. She left me with a note asking to forgive her for leaving me. She said that she was overwhelmed by the sudden turn of events sa aming dalawa at hindi niya ito kinaya. Natakot siya, she just turned twenty only that time. She said it's too early for us to get married. She has a lot of goals in mind that she wants to achieve and marriage is not her priority at that time." Kwento ni Bullet.

"Nakakalungkot naman pala yang istorya ng buhay mo. Kung sa akin nangyari yan ay naku baka hindi ko talaga kayanin." Wika ni Carlo. "Guess you were right." Sagot naman ni Bullet.

Ngayon ay naging malinaw na para kay Carlo ang lahat. Tulad niya ay nagmahal lang din si Bullet sa murang edad. Inakala niya na ito na ang kanyang una at huling babae na mamahalin pero nagkamali pala siya. Sa huli ay iniwan din siya nito sa mismong altar kung saan dapat sila magsusumpaan ng kanilang pagmamahalan.

Pagkatapos kumain ay dumiretso sila sa harapan ng yate upang doon ipagpatuloy ang kanilang pagpapahangin at kwentuhan.

"Ano yan?" Tanong ni Carlo sabay turo sa hawak na baso ni Bullet.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon