Chapter 42: Ex-boyfriend

547K 17.8K 7.2K
                                    




Nakauwi na kami galing Tagaytay pero hanggang ngayon naiisip ko pa din 'yong nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Si Kiro talaga 'yon pero bakit? Bakit niya kinausap si Anya? Anong pinag-uusapan nila?

Hindi ko pa man naririnig 'yong side ni Kiro, feeling ko nag traydor na siya sakin. I really hate this feeling.

Binuksan ko 'yong laptop ko pagkatapos tinignan ko kung online siya sa Skype. Nag video call agad ako sakanya. Pagkatapos ng tatlong ring, sinagot na niya 'yong call ko. As usual, naka topless na naman siya. He will never change.

"Hi Trix! Buti naalala mo na akong i-chat. It's been a while." Hindi ko maitago 'yong pagkairita ko. Naiisip ko na naman 'yong nakita ko kanina. "Why are you looking at me like that? Something wrong?"

"I saw you video chatting with Anya," huminto ako para makita ko 'yong reaksyon niya. He's a bit surprised. Not the reaction I'm looking for. "Tell me, what's that all about?"

"I'll say it as, keep your friends close and your enemies closer. That's how it is. I'm just trying to get an information that you can use against her. C'mon, do really think I'll betray you?"

I want to believe him but I just can't. "Okay, I just want to make that clear."

"So, how are you?"

"I'm fine, just a little bit tired. Galing kami ni Ailee at Ashton sa Tagaytay."

Nilagay niya 'yong kamay niya sa baba niya na parang may iniisip siyang malalim. "I'm not sure about that guy. Mag ingat ka sakanya."

"Kiro, okay si Ashton. He's sweet and nice," magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na lang siya. He's trying to be an overprotective best friend again. "Stop talking about Ashton, okay? I'm good with him."

Tumawa na lang siya. "So, how's your plan going?"

"Okay naman, umaayon lahat sa gusto ko," bigla na lang akong nag alangan na magbigay ng details sakanya. Hindi ko alam kung bakit. "Kiro, I need to get a rest. I'll talk you tomorrow."

Tinapos ko agad 'yong video call.

Matagal ko ng best friend si Kiro. Never ko siyang pinag-isipan ng masama.. ngayon lang. Gusto kong maniwala sakanya pero hindi ko magawa lalo na wala siyang ni isang binanggit sakin tungkol kay Anya. And the fact that it was Anya. Kailangan kong malaman kung ano ba talagang meron sakanilang dalawa. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. Ramdam ko na may iba pang ibig sabihin 'yong pag-uusap nila na 'yon. Sana lang talaga, walang masamang ibig sabihin 'yon.

--

Maaga akong nagising at dahil don, nai-kwento ko na kay Mommy at Daddy lahat ng nangyari. Nagulat lang ako sa reaksyon ni Mom dahil parang nalulungkot siya dahil wala na kami ni Caleb. Ayaw niyang maniwala na hindi ako minahal ni Caleb. Si Dad naman, medyo inis kay Caleb at Skie at mas pinag-iingat niya ako.

Masaya ako na nasabi ko na din kala Mom at Dad ang lahat. Ang hirap kasi na may tinatago ka sa parents mo. Ang bigat ng pakiramdam at parang hindi ka makagalaw ng maayos.

Sinunod ulit ako ni Ashton gamit ang Porshe niya. As always, ang gwapo niya. Minsan naiisip ko na swerte din pala ako dahil pumayag siya na maging partner ko siya. "Ash, thank you."

"Huh? For what?" Clueless niyang tanong.

"Thank you kasi pumayag ka na maging partner ko. Ang dami naman kasing pwedeng maging partner dyan pero ako pa din 'yong pinili mo."

He smiled, genuinely. "Yeah, madami sila pero nag-iisa ka lang, Trix." Natigilan ako sa sinabi niya. I don't know how to react. "Trix.. I like you." Literal akong napanganga sa sinabi niya. Buti na lang naka-park na kami sa school. Tinignan niya ako at bigla na lang siyang nag panic. "Trix, sorry. Sorry hindi ko napigilan 'yong sarili ko na sabihin 'yon. I know this is not the right time, I'm so sorry."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon