Chapter 40 (August 24, 2011)

1M 10.8K 1.8K
                                    

DATE POSTED: August 24, 2011


Chapter 40

Kapag ganitong niyayakap na siya ni Kent. Wala ng masabi si Phoebe. Niyakap niya na rin ito.

"Oh... feel na feel ang yakap... Kiss mo na ako..." sabi pa ulit ni Kent.

"Kiskis mo sa pader!" nagttry siyang magsungit ulit.

"Pader? Haha. Kiss mo na bilis... G"

"Sagutin mo muna! Bakit ka muna nagsusungit?" tanong niya kay Kent

"Kelan ako nagsungit?" sabi ni Kent habang naglalakad papasok sa kwarto niya.

"Tignan mo to! Di mo alam na nagsusungit ka? Anong pagiisip meron ka? Tska teka saan ka pupunta?"

"Pagod ako, pahiga sa kama mo..." sabi ni Kent

"At bakit ka hihiga sa kama ko? Doon ka sa kama sa kwarto mo..."

"Okay..."

Tumayo naman agad si Kent at papalabas na.

"Ganun? Lalabas ka na nga?" tanong ni Phoebe.

"Oo... goodnight... este good morning pala.." papalabas na talaga ito ng pinto.

"DI MO MAN LANG SASAGUTIN YUNG TANONG KO!!!" nakasigaw na naman si Phoebe.

Humarap si Kent.

"Gusto kong humiga na.... pahiga na kasi sa kama mo at maguusap tayo"

"Bakit hihiga pa? Kent naman..."

"Unfair ka, ayaw mo na nga ako i-kiss para mawala pagod ko, ayaw mo pa ako pagpahingahin?"

Awww. Pagod nga siya. Ang bad ko kung anu-ano kasi iniisip ko sa paghiga eh. Eh hihiga lang naman. Uupo na lang ako. Naisip ni Phoebe.

"Sige na nga! Higa ka na nga..."

Pumasok na ulit si Kent sa kwarto niya. Nagulat siya ng hinila siya nito papunta sa kama.

"Teka-teka..." awat niya.

Pero hinila na rin siya ni Kent papuntang kama. Ang ending magkayakapan sila habang nakahiga.

Waaaaah!! Bakeeet ganito!! Ang dumi ng utak ko! Naalala kasi ni Phoebe ang mga nangyari sa Italy sa ayos nila ngayon.

"Ahh. Kent... " pinipilit niyang lumayo kay Kent. Nao-awkard na naman siya.

"Pshh! Hwag ng malikot... Mag-uusap na kung mag-uusap." Sabi ni Kent at niyakap lalo siya.

Hooooloooo. Ang sarap naman ng ganito.

"Ano na nga ulit yung tanong mo?" tanong ni Kent habang iniipit siya ng yakap.

Nakuuu bakit kahit pagod at galing siya sa labas, ang bango bango pa rin niya?? Nakasiksik kasi ang ulo niya sa dibdib nito.

"Sabi ko, bakit ang sungit-sungit mo kanina? Ay kahapon pala, umaga na pala ngayon..."

"Kasi... kasi may nakita akong di kanais nais..." sagot ni Kent.

"Huh? Anong di kanais-nais?"

"Wala basta..." maikling sagot na naman ni Kent.

"Hala... ayan ka na naman sa basta basta mo Kent Tomas!!!"

"Ehh! Hwag kang sumigaw nabibingi ako... di ka na naawa sa akin pagod ako..."

"Di ka kasi sumasagot ng maayos!"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon