Si George ay isang batang doctor dati, ngunit dahil sa isang eskandalo ay nadawit ito. Kaya nawalan ito ng lesensya sa pagiging doctor niya. At doon, sumama ang loob ni George dahil kahit sarili niyang ama ay hindi siya pinaniniwalaan, mas pinili pa nito ang ibang tao na paniwalaan kesa kanya na tunay na anak nito.

Kaya mula noon ay naging miserable ang buhay ni George. Pakalat kalat siya kung saan saang mga night club, beer house. At lagi siyang nakikipag basag ulo sa iba. Kaya isang gabi ay lasing na lasing ito ng naka engkwentro niya ang mga tambay malapit sa isang beer house kung saan ito galing. Pasuray suray ito kung maglakad at dahil sa ayus nito ay napagtripan siya ng mga ito. Mabuti nalang at nagkataong napadaan doon si Leynard.

Inuwi niya ito sa kanyang bahay, kaya mula noon ay itinuring na niya itong anak niya ang binata. At ng malinis ang pangalan ni George sa pagiging doctor ay hindi na ito nagpasyang bumalik pa sa pagiging doctor niya. Mas pinili nitong manatili sa poder ni Leynard kung saan malaya siyang kumikilos kung ano ang gusto niyang gawin. Walang nag-uutos sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin at ang hindi niya dapat gawin. Masaya ito sa poder ni Leynard ang taong nagturing sa kanya bilang anak at tinuturing niya ring pangalawa niyang ama.

Si Mark naman ay isang sanggano kung tingnan mo ng makilala ito ni Leynard walang kinakatakutan, handang pumatay ng kahit na sino. Dahil sa galit nito sa ama at girlfriend niya ay binuhos niya sa iba ang kanyang galit at poot.

Nagmahal siya, nangarap para sa kanilang dalawa ngunit sa isang iglap ay parang isang bola ng magising siya sakatutuhanan. Ang babaing minahal niya at mahal niya ay magiging step mother na niya. At masakit para sa kanya ang nakikita nito kung paano maglambingan ang kanyang ama at dating nobya. Parang dinudurog ang puso niya, kaya mula noon ay tingin niya sa lahat ng babae ay masama at manluluko.

Ngunit minulat siya ni Leynard, na ang lahat ng bagay ay may dahilan. Kaya wag niyang lahatin ang mga babae dahil hindi lahat ay masama. At sa paglipas ng mga araw ay naging maayos na ang buhay ni Mark, ngumingiti na ito at dakilang alaskador na rin.

"Sige ako na lang ang gagawa." Ani Leynard. At pumalakpak naman si Ashley.

"That's my Dad." Anitong nakangiti ng pagkatamis tamis sabay pacute nito sa mga ito. Kaya napuno ng tawanan ang kanilang kusina.

"Eww! ang baho ng utot mo kuya Mark." Sabay takip ni Ashley ng ilong niya at si George naman ay sinapak niya si Mark. Kaya si Ashley ay tawa ito ng tawa sa kalukuhan ng dalawang binata.

"Dad, gagawa ka ba ng pan cake?" Sabay lapit nito kay Leynard.

"Yes! baby." Sabay lagay nito ng flour sa ilong ni Ashley kaya ginantihan din ito ni Ashley.

"The first one is mine Dad." Sabay kindat nito sa ama ng biglang tumunog ang tawagan niya. Ng tingnan niya ang tumatawag ay ang kaibigan niyang si Ederlyn kaya agad niya itong sinagot.

"Hello, napatawag ka?" Ani Ashley sa kausap sa kabilang linya. "Nasaan ka girl?" Tanong nito sa kanya.

"Nasa kapitbahay dear." Sagot nito sa kausap sa tawagan. "Hoy! adik kana sa pangangapitbahay mong babae ka, mapiktusan na talaga kita. Nan'dito ako sa labas ng gate niyo, kaya buksan mo ito." Anang isa sa kanya.

"Dad, pwede po bang pumunta dito ang bestfriend ko?" Tanong nito kay Leynard na hindi inaalis ang tawagan sa tainga niya.

"Sure Princess, where is she?" Tanong ni Leynard na tuloy parin sa ginagawa.  "Nasa labas ng gate namin," sagot nito. "Babae, are you still there?" Tanong niya kay Ederlyn.

"Yeah! At sino yang tinawag mong Daddy?" Curious na tanong naman ng isa sa kanya.

"Sasagutin kita kung nandito kana, kaya tumuloy ka dito sa katabi ng bahay namin." Saad nito sa kaibigan.

"Babae, paki sabi dyan sa tinatawag mong daddy na ayaw akong papasukin ng guard dito sa labas." Ani Ederlyn sa kanya kaya inabot niya ang tawagan kay Mark.

"Kuya, ayaw daw papasukin ng guard ang kaibigan ko." Anito. Kaya agad na kinausap ni Mark ang guard sa main gate ng mansyon. Saka nila pinagbuksan si Ederlyn matapus niyang maipark ang kotse niya ay agad itong kumatok sa pinto ng mansyon.

"Ako na po ang magbubukas." Anito at agad niyang binuksan ang pinto. At doon bumungad sa kanya ang kaibigan na nakapamaywang sabay taas ng kilay nito.

"Anung ginagawa mo dito?" Anito. Ngunit hindi ito sinagot ni Ashley bagkos ay hinila niya ito papasok sa loob. Agad niyang inakay patungo sa kusina ang kaibigan niya. At doon bumungad kay Ederlyn ang tatlong lalaki na bussy sa ginagawa sa kusina.

"Ehmm! Hi everyone." Ani Ederlyn na kinalingon ng mga ito, lalo na si Mark na dahan-dahan nitong inangat ang mukha.

"Ikaw?" Ang halos panabay na anang dalawa.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni George sa dalawa. "Hindi." Panabay ring sagot ng dalawa.

"Teka! Magkakilala ba kayo o Hindi?" Tanong naman ni Ashley.

"Wala akong kakilalang Impakto." Anang dalaga sa mga ito. "Impaktong gwapo naman." Nakangising sagot ni Mark dito.

"Tst. Ang yabang mo." Bwelta naman nito sa kanya.

"Oh! tama na yan, breakfast is almost ready." Ani Leynard sa mga ito bago pa umabot kung saan ang bangayan ng dalawa. Kaya tinulungan na nila ito ng mga kasama sa paghahanda ng mesa.

---NAKARAAN---

"Ano bang kailangan mo Cristoval? Lubayan mo lang ang pamilya ko, gusto mo ng pera ibibigay ko sa'yo ngayon din?" Ani Leandro kay Romulo habang mangiyak-iyak na ang asawa nito sa takot.

"Yan ang gusto ko sa'yo Villarde eh! Kaya itong mga papeles na ito ay gusto kung pirmahan mo ngayon din." At dahil sa takot ni Leandro ay sinunod niya ang kagustuhan ni Romulo, ngunit dahil sa tuso ito ay isang pitik lang niya sa mga taohan niya ay agad na nakabulgta ang mag-asawa at naliligo na ito ng sarili nilang dugo. Dahil sa putok ng baril ay agad na nagising ang dalawang taong gulang na batang lalaki na natutulog sa kanyang kuna. Agad naman itong pinuntahan ni Romulo.

"Sayang naman kung pati ikaw ay papatayin ko." Anito sa walang kamuwang muwang na bata. "Isasama nalang kita at paglaki mo ay mapapakinabangan pa kita ng malaki." Sabay tawa nito ng maladimonyo.

"Boss, may problema po tayo." Anang taohan ni Romulo.

"Anong problema ang pinagsasabi mo?" Tanong niya dito.

"Mayron pong secret survilance camera kung saan nakahandusay ang mag-asawa." Anang taohan nito.

"Eh! Ano pang hinihintay niyo, hanapin niyo ang surveillance monitor at kunin niyo ang nakarecord dun na video ngayon pagkatapus ay sirain niyo." Agad naman sumunod ang mga ito at hinanap nila ito. Ng makita nila ito ay agad nilang kinuha ang video kung paano nangyari ang pagpatay sa mag-asawa. At agad nilang inabot sa ginoo ang nakuha nilang maliit na CD.

---KASALUKUYAN---

"Nasaan si Papa?" Tanong ni Leynard sa mga kasambahay ng ama niya. "Nasa teresa po sir Leynard, dahil may kausap sa tawagan." Anito kay Leynard.

"Mmm. Ganun ba, sige hintayin ko na lang siya sa library." Anito sabay lakad niya patungo sa library. Ng makapasok siya sa loob ay agad siyang umupo sa upoang nasa harap ng mesa ng ama.

At halos magkakalahating oras na ay hindi parin dumarating ang ama. Kaya agad itong tumayo at pinagtitingnan niya ang mga librong nakasalangsang. At habang ginagawa niya ito ay biglang mayron nahulog na nakaipit sa isang librong binuklat niya at ng tingnan niya ito ay isang maliit na CD.

At habang sinisipat niya ito ay bigla siyang nakarinig ng yapak na tila papunta sa library ng ama. Kaya agad nitong binalik ang libro sa kinalalagyan nito at ang maliit na CD ay mabilis niyang binulsa sa suot niyang coat. At muli siyang bumalik sa pagkakaupo niya na tila walang nangyari.

TBC.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!