Chapter 29

4.3K 108 3


Hebe

Pinunasan ko ang pawis ko matapos kong linisin ang kwarto ni Sky, nakaidlip na kasi siya matapos ko siyang hilutin ng ilang oras! Oo oras talaga! Ang dami niya kasing sakit sa katawan, ultimo tenga niya gusto niyang ipamasahe! Hindi naman madumi ang kwarto niya, medyo nagkalat nga lang ang mga magazines at ilang DVDs, alam kong maayos si Sky sa gamit, gumulo lang ito nung pumasok ni Sir Angelo at kumuha ng mga iyon!

Pumasok ako sa CR niya para maghilamos at ayusin ang sarili, tinignan ko ang wristwatch ko mag aalas sais na, kailangan ko ng umuwi, tuturuan ko pa si Chloe na magbasa at magsulat. Naglagay lang ako ng kunting polbo at lip balm saka sinuklay ang buhok ko. Inayos ko ang damit ko saka lumubas na rin. Hindi ko na gigisingin si Sky, uuwi na ako.

Napainom ko na rin siya ng gamot, at chineck ko na rin ang temperature niya, bumababa na rin iyon. Nabigla pa nga ako ng may nakitang tatlong pirasong bawang sa sahig. Hindi ko alam kung saan galing kaya naman pinulot ko na lng iyon at tinapon.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Haley na nakasimangot, nanlaki pa ang mata niya ng makita ako "You are still here?" sabi niya saka tinignan ako ng mabuti mula ulo hanggang baba "Don't tell me..." kumunot ang noo ko "Ah! Never mind!"

"Pauwi na rin po ako..." paalam ko sa kanya

"Sige ingat ka!" saka kapwa kami napatingin sa pinto ng may nag door bell. Dali-dali rin iyong binuksan ng isa sa kanilang mga katulong. Nagawi ang tingin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa nila. Si Sir Angelo nakasuot ang earphones niya habang nanunuod sa kanyang IPad, ilang taon na kaya siya? Saka...saka bakit lagi silang nag-aaway ni Ley?

"MOMMY?" saka tumakbo paibaba si Haley para salubuningin ang Mommy niya, maaga ata ang uwi niya?

"Mam!" bati ko sa kanya ng makita ko siyang nakatingin sa akin at ngumiti

"Why so early Mom?" tanong ni Haley habang nakapulupot sa braso ni Tita Sof "Si Daddy nasa office niya maaga rin siyang umuwi eh..." sabi ni Haley

"Meron kasi tayong bisita..." sagot ni Tita Sof, saka kami napatingin sa lalaking nakatayo sa pintuan, He looks so familiar... teka... teka... Si-

"DAD?" napatingin ako kay Sir Angelo at sa lalaking nakatayo, Dad? Daddy niya si Tito Brenan? Anak siya ni Tito Bren? Saka lumapit si Sir Angelo kay Tito Brenan at niyakap ito "Kailan ka pa dumating? Why didn't you inform me?" tanong niya sa ama

"I want to surprise you!" sagot ni Tito Bren at ngumiti, grabe, para siyang hindi tumatanda! Ang bait bait niya paring tignan, just like Tito Miguel, he still handsome at na retain nila ang features nila tulad ng dati. Naalala ko tuloy when I first met him, doon sa mall, akala ko siya ang daddy ni Sky.

Ang alam ko tumayong Daddy ni Sky si Tito Bren noon, bago pa magkabalikan si Tito Miguel at Tita Sophie and the rest was history. Grabe kaya pala ganun na lang ka-close si Angelo kay Sky!

"And you did!" sagot ni Angelo "It's been months..." dugtong niya

"I know Son... and I missed you!" saka niya ginulo ang buhok ng anak

"Teka, are you alone? Or are you with Mom?" napatingin rin ako sa pinto at inantay ang pagpasok ng Mommy ni Sir Angelo, hindi ko kasi nakita ng personal or nakilala man lang ang napangasawa ni Tito Brenan, hindi kasi sila nag settle dito sa Pilipinas, at yung wedding day nila, my family was out of the country, celebrating Mommy Elise's birthday.

"Susunod ang kapatid at ang Mommy mo, nauna na ako para asikasuhin ang pag settle natin dito at ang hospital..." sagot niya sa anak

"Guys, let's have our dinner na muna..." aya ni Tita Sof sa dalawa, kapwa sila tumingin at lumakad na papuntang dining area

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!