Chapter 01

51 2 0

"Umaga na pala... Napakasarap talagang gumising sa umaga kapag ang sumalubong agad sa iyo ay ang sariwang hangin at ang liwanag ng araw..."

Dahan-dahan akong bumangon sa aking hinihigaan at nagkusot ng mata. Pagkatapos ay lumingon sa bintana. Pinagmasdan ko ang paligid sa labas ng may ngiti. Kasabay nu'n ay naririnig ko ang huni ng mga ibon. Ang mga sanga ng puno ay masasayang sumasayaw, pati na rin ang mga halama't bulaklak na pawang nagbibigay-liwanag sa aking mga mata.

Ako nga pala si Alexis Briant. Isang Science teacher sa isang sikat na unibersidad dito sa amin. Isa akong anak ng dating pinuno ng isang grupo ng mga magagaling na mandirigma na hindi ko na matandaan ang pangalan. Kaisa-isa lamang akong anak ng nasabing pinuno, pero lumaki ako na wala ang kanyang presensya. Pati ang ina ko ay miyembro rin ng kanilang organisasyon. Marahil, wala nang panahon pa sa akin ang mga magulang ko dahil lagi silang abala sa pakikipaglaban noon. Sa katunayan nga, ni hindi ko pa sila nakikita ng kahit man lang isang beses lang hanggang ngayon...

Dahil doon ay pinalaki ako ng mahal na mahal kong lola, na halos itinuring ko nang tunay na ina. Wala na rin si lolo kaya kaming dalawa na lamang ang magkasama sa iisang tahanan. Isang taong gulang lang ako noon nang iwan na ako ng mga magulang ko sa aking lolo't lola. Hanggang sa nagmulat na aking mga mata at nagkamuwang sa paligid at sa mga nangyayari sa mundo. Hindi ko kailanman naramdaman ang pagmamahal at kalinga ng mga magulang ko. Naiinggit ako sa tuwing nakikita ko ang mga masasayang bata na nasa piling ng kanilang mga magulang. Pero... ang pagmamahal na hinahanap ko sa aking mga magulang ay naramdaman ko naman sa aking lola, at talagang nararamdaman ko pa rin iyon hanggang ngayon.

Masyado akong tinrato ng lola ko ng lubusan bilang tunay niyang anak imbis na apo lang. Lahat ng ginagawa ng mga ina sa kanilang anak ay ganoon rin ang natatanggap ko mula sa lola ko. Saka ko na lang naisip na kahit hindi ko na pala kailanganin pang hanapin ang tunay na alaga at kalinga ng aking mga magulang. Mismong ang lola ko pa ang nanggastos sa lahat ng pagpapaaral ko. Hinahatid pa niya ako papuntang eskwelahan at sinusundo naman niya ako kapag uwian. Talagang wala na akong masasabi pa sa lola ko... Talagang mahal na mahal ko siyang tunay.

Nang dahil sa kanya ay naging isa na akong matagumpay na tao. Nagawa kong tapusin ang aking pag-aaral, na iyon ay talagang ipinangako ko sa kanya noon pang nag-uumpisa pa lang akong mag-aral. Ngayon ay isa na akong college at high school teacher sa asignaturang Siyensiya at Agham. Nagtuturo ako sa Seleni University, na siyang kilalang-kilala at masasabi nating "the best". Mula nang magkatrabaho ako ay napag-isip-isip ko na oras na upang ibigay ko naman ang utang na loob ko sa aking lola. Pinalaki niya ako sa normal na buhay, at marami akong natutunan na kabutihang asal sa kanya. Kahit kailan ay hindi niya akong nagawang iwan o pabayaan. Ngunit, kabaligtaran naman sa aking mga magulang ang nais ng lola ko sa akin. Ayaw niya na matututo akong makipaglaban o sumali sa anumang organisasyon ng mga mandirigma... basta lahat ng anumang bagay na may kinalaman raw sa giyera, labanan, at kaguluhan. Gusto niya na mabuhay lang kaming normal at nasa maayos na buhay.

"Matagal nang sanay sa giyera ang mga magulang mo at iyon ang palaging pinagkakaabalahan nila doon, Alexis. Ngunit mangako ka sa akin na huwag na huwag kang tutulad sa kanila ha?" masayang wika ng lola ko sa akin, habang inaayos niya ang aking necktie bago pumasok sa aking pagtuturo. "Kung sa bagay, iyon ang ipinili nilang propesyon at hindi ko ipinagsisisihan iyon. Pero, gusto ko na mamuhay ka lang sa normal at simpleng buhay. Ayoko ng gulo..."

Nakita ko ang napakatamis niyang ngiti sa akin habang ang collar naman ng uniporme ko ang inaayos niya ngayon. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya.

Silent Shadows (Tagalog)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!