Rick 3

4.5K 256 31
                                    

Hindi makapaniwala si Rick nang magising kinabukasan. Maghihilamos sana siya nang makita sa salamin ang sariling repleksiyon. Napakakinis ng kaniyang mukha! Walang bahid ng anumang itim na gawa ng taghiyawat. Papasang model ni Belo ang kaniyang mukha.

Hinawakan niya pa para makasiguro at bahagyang pinisil din niya ang kaniyang pisngi, baka kasi nanaginip lang siya. Pero totoo ang lahat! Parang kagabi lang ay halos masuka siya sa itsura niya pero ngayon...

Dali-dali siyang lumabas ng banyo at kinuha ang bag. Inilabas mula rito ang notebook at ballpen. Tuwang-tuwang niyakap ito. Napakarami niyang gustong isulat sa wishlist niya.

Kahit pa kumain siya ng libong uod ay gagawin niya, matupad lang lahat ng isusulat niya sa notebook.

***

Nagulat si Rick nang buklatin niya ang notebook at makitang walang laman ito. Tanging Wishlist number 2 lang ang nakasulat. Wala ang mga naunang nabasa at naisulat niya. Pinunit kaya ng lalaking iyon? Lalaking hindi nga pala niya alam ang pangalan.

Nagkibit-balikat na lang siya. Nag-isip siya ng maaring isulat sa pangalawang wishlist. Napapangiti pa siya sa dami nang nagsasalimbayang mga ideya na gusto niyang mangyari.

"May tatlong bagay ka lang na hindi maaaring isulat sa wishlist: Una, bawal ang bumuhay ng patay. Pangalawa, hindi ka maaaring humiling ng maraming pera, kayamanan at kasikatan. Pangatlo, at higit sa lahat kapangyarihan. Hanggang pitong wishlist lang ang maaari mong isulat."

Nagsisimula na siyang magsulat nang makarinig ng sunud-sunod na katok. Kaalinsabay nito ang pagsigaw ng kaniyang landlady. Naiiritang napapakamot siya ng ulo. Kainis! Maniningil na naman ito. Wala pa naman siyang pera ngayon.

Nagpalipas siya ng ilang minuto at hindi binalak na tumayo.

"Bahala kang mamaos sa kasisigaw." saad niya at hindi man lang pinansin ang nas labas.

Subalit, patuloy pa rin sa pagsigaw at pagkatok nang malakas ang babaeng mataba.

"Punyeta ka, Rick! Alam kong nasa loob ka! Dalawang buwan ka ng hindi nagbabayad hayop ka! Kapag hindi mo ito binuksan, tatawag na ako ng baranggay para mapalayas ka!" at binayo nang binayo nito ang pintuan ng kaniyang apartment.

Naiinis na tumayo mula sa pagkakasalampak sa sofa si Rick at tinungo ang pinto. Pabiglang binuksan ito kaya muntik nang sumubsob ang galit na babae.

"Bakit ho ba? Magbabayad naman ako bukas."

Saglit na tinitigan siya ng babae. At mayamaya pa ay napaismid.

"Lintek. Wala kang pambayad pero nakapagpa-derma ka? At mukhang sa mahal ka nagpunta dahil ang kinis ng mukha mo. Pero ang magbayad sa upa hindi mo inuna! Gusto mo bang sa kalye pulutin ang mga gamit mo?"

Napahawak si Rick sa sariling pisngi. Oo nga pala, kuminis na ang mukha niya na nilalait-lait dati nito na parang tinuka raw ng manok sa dami ng butas.

Ngumiti siya nang matamis.

"Aling Tanya, pangako po. Bukas na bukas din iaabot ko sa inyo. Ako pa mismo ang kakatok sa bahay ninyo. May raket po ako mamyang gabi." Labas ang kumpletong ngipin ni Rick sa pagkakangiti. May naisip kasi siyang tiyak na hindi na niya kakailanganin ang bulok na apartment na ito.

"Siguraduhin mo lang. Bwiset!" at nakataas ang kilay na tinalikuran siya nito.

Nakangising siniguradong nakasara na ang pinto bago tinungo ang sofa at iniabot ang wishlist.

Nasisiyahang nagsulat ng kaniyang Wishlist number 2.

Wishlist 1:
Rick
2016

Wishlist 1: RICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon