COMMENT NAMAN KAYO! :(

Naka italicized ulit ay konting PoV naman ni Chanel.

TAL. 07 -- Cassandra and Chanel

Tahimik lang ako sa buong biyahe namin kanina pauwi dito sa bahay ko. Daryl decided na umuwi na kami at sinama ko nga ang kapatid ko.

Kapatid. Napapikit ako at hayan na naman ang sakit na pilit ko mang ikubli, hindi ko naman maikakaila na nandyan lang sa puso ko.

Vivienne Villamor-Aragon. Ang nag iisang babae na ipinagmamalaki ko sa lahat. Isang taong simula noon pa man, mahal na mahal ko kahit lagi nila akong nababalewala. Isang tao na sa kabila ng lahat ng sakit na naranasan ko, hinding-hindi ko magawang kamuhian. Sya lang ang nag iisang tao na pinapaniwalaan ko na kahit paano may pagmamahal para sa akin higit sa pagmamahal na meron si Leandro para sa akin, kung meron man. And then now, I found out everything was a lie. How cruel she can be? This is the most hurtful thing that can happen in my life. Thanks to Leandro and Vivienne.

Naramdaman ko ng gagapin ni Daryl ang palad ko habang nagda-drive sya. Napalingon ako sa kanya at binigyan nya ako ng isang nakakaunawang ngiti.

At least I still have him.

I gave him a faint smile in return and looked away. Napatingin ako sa rearview mirror kung saan nakaupo si Chanel. I also gave her a weak smile as a sign of reassurance.

Tahimik lang kaming tatlo hanggang makarating sa town house ko.

Sumunod naman sila kaagad sa akin pagpasok. Tumayo lang ako sa tabi ng bintana at tumanaw sa labas. Si Chanel ay naupo sa single-seater couch, habang si Daryl ay lumapit sa akin. "I'm just upstairs." hinalikan nya ako sa gilid ng noo ko at niyakap ako. Matapos 'yon ay tumango sya sa direksyon ni Chanel bilang pamamaalam. Tahimik na din syang umakyat sa taas at iniwan kami para marahil bigyan kami ng pribadong sandali.

Lumakad ako palapit kay Chanel at naupo sa tapat nya. Nakatingin lang sya sa akin at tila naninimbang sa akin.

"Do you know everything?" panimula ko. Gusto ko lang malaman ang lahat, Ayoko ng magmukhang tanga pa.

And for the first time, narinig ko din ang boses nya. Isang boses na napakalamyos. "A-ang alam ko lang may kakambal ako. Hindi ko lang alam kung nasaan dahil wala namang ibinigay na kahit anong impormasyon si Mama bago sya.... P-pumanaw." at napatungo sya.

Pumanaw? Patay na din pala ang tunay kong ina.

Ilang sandali akong natahimik at nililimi ang sasabihin ko sa kanya. "Did you do the video on purpose? I mean..."

"Kung kagustuhan ko talaga na kumalat ang video na 'yun?" tumunghay sya sa akin kaya nakita ko ang namumuo nyang mga luha. She's very fragile. Napakalayo namin sa isa't isa. She look so helpless. "Yes."

Napatitig ako sa kanya ngunit sya na din ang sumagot sa katanungan ko. "Simula ng mamatay si Mama at wala kaming panggastos sa lahat habang nasa ospital sya, pinasok ko na ang trabahong 'yun. I was a pornstar in Korea."

Oh my God!

"Part of my job was to be shameless in what I do. Sa Korea na ako nag kaisip at lumaki at ngayon ko na lang naisip at napapag tagni ang lahat kung bakit umalis si Mama ng Pilipinas. Sa lahat ng narinig ko na sinabi kanina ng P-papa natin, naiintindihan ko na ang lahat."

"Good for you." maasim kong sabi. "Buti ka pa naiintindihan na ang lahat. Samalantalang ako, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ganito ang kinahinatnan ng lahat."

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!