MHH-CHAPTER 24:The Race

1.1K 38 0

Enrique's POV

Ngayon na ang gabi na sinabi nung racer para magkita sila ni John.

Kasama ko sina Dexter, Kristoff and ian ngayon. Nandito kami sa isang vacant lot sa isang abandoned subdivision.

Dito sinabing mag rarace sila eh.
Para makasiguradong ligtas kami, nagdala kami ng mga armas.

"Dude, sure ka bang tama ang location na pinuntahan natin?" tanong ni ian saakin.

"Oo.. Kung hindi ako nagkakamali guys, paparating na sila ngayon" sabi ko.

Malapit na din kasi mag 8:00 ng gabi.
Saktong 8 ang usapan eh. Mas ayos na yung nauna kami atleast makakapaghanda pa kami para sa kung ano mang pwedeng mangyari mamaya.

*vroooooom* * vrooooooooom* *vrooooom*

Isa.
.
.
Dalawa
.
.
Tatlo
.
.
Apat
.
.
Lima.anim.pito.walo.siyam.sampu.labing isa. Labing dalawa. Labing tatlo. Labing apat na kotse ang magkakasunod na dumating.

"Shit. Ang dami nila!" kristoff

"Ahh. Mga pare. Baka pwedeng pass muna ako dito? Hehe" sabi ni ian habang pasimpleng lumalakad paalis.

"Hep ! Saan ka naman pupunta?!! Ian ano ka ba! Ginagawa natin to para kay john!! Nandito na tayo kaya wala ng dapat tumakbo o umurong pa!"dexter

"Tama nga naman. Tsk. Daig ka pa ng babae ian eh!"kristoff

"Ulul!. Maraming iiyak na chicks pag nawala ako! Kaya dapat kong ingatan ang sarili ko. Hehe"ian

*poink*

"Hindi ba't ikaw ang nakaisip neto?! Matapos mo kaming isubo dito iiwan mo lang kame?!" sabi ko kay ian

"Aray ko haa! Diga nga hindi na---" ian

"Nasan yung magaling na bata?!"sabi ng lalaking..malaking malaki!. Grabe. Dambuhala tong lalaki na to ah! Siya yung kaaway ni jep! Ang lalim ng boses.

"Quen. Pwede pa tayong tumakbo. May oras paa.. Huhuhu" bulong saakin ni ian

Napansin ko namang siniko siya ni dexter .

"Hindi siya makakarating. Kami ang kakalabanin nyo" sabi ko.

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba ha bata?! Eh ni isang panalo nga ata wala ka eh!. Paanong lalabanan mo kami?!" malaking lalaki.

"Kung ayaw nyo ng laban eh di sige. Aalis na lang kami!" dexter.

"Aba.. Aba.. Mayabang tong isang to ah! Hoy! Hindi namin kayo pauuwiin hanggat hindi bali ang mga buto nyo!" sabi naman nung isang pang palakang lalaki na nasa likodan ng pinaka leader nila.

"Nandito kami para makipag ayos hindi para makipag away. Anong kailangan nyo para hindi nyo na kami guluhin?" sabi ko..

Nakita kong bumulong yung payat sa leader.

"Hindi uso saamin ang makipag ayos! Psh." sabi ng isang lalaking mukhang palaka na nagsalita kanina.

"Lalabanan ninyo ang lahat ng aking mga tauhan ng karera.. Isa isa. Ikaw ang mauna! Ang matatalo ibibigay saakin ang susi ng kotse at lahat ng pera sa bangko!! " sabi ng leader.

Shit.. Hindi kami pwedeng magpatalo.

"Sa madaling salita pag lahat kayo natalo. Saamin lahat ng kotse nyo at maglalakad kayo pauwi! Hahahahahaha!"sabi ng payat

Seryoso lang kaming apat.

"Paano ang mananalo?!" tanong ni kristoff

"Pag nanalo kayong LAHAT! Hindi na namin kayo guguluhin pati ang isa pa ninyong kaibigan. Pero kahit isa sa inyo ang matalo. Hindi kayo makakauwi ng buhay. Tandaan mo yan!"sabi ng leader.

My Heartthrob HusbandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!