Chapter 27

5.5K 121 0


Hebe

Inaayos ko na ang gamit ko, katatanggap ko lang kasi ng tawag galing kay Miss Liz, hindi na daw sila makakabalik pa ng opisina kaya ako na daw ang bahala sa pag-aayos at pagsasara nun, ilalagay ko na sana ang huling white folder sa bag ko para ipagpatuloy ang pag ayos nun sa bahay ng biglang bumukas ang pinto na nakakonekta sa kabilang pinto.

"HEBE!" nabigla pa ako sa pagtawag ni Sir Angelo "I need you now!"

"Bakit Sir?" tanong ko saka kinuha ang bag ko

"Sky is in trouble..." sabi niya saka dali dali na rin kaming pumunta sa opisina, tinignan ko ang orasan, 8 pm na, bakit kasi nandito pa sila?

"Sir?" lumapit ako kay Sky nakahiga sa sofa, yakap yakap niya ang sarili niya at namumula, may kung anong red spots din sa kamay niya, hinila ko iyon para tignan.

"He has red spots all over his body... LOOK!" napaatras pa ako ng biglang tinaas ni Angelo ang shirt ni Sky, nakita ko tuloy ang... ang katawan niya "I told him that I will drive him to hospital but he insisted to stay..." napatingin ako sa kanya, tinignan ko kung mainit siya "He vomited twice and now he is weak!"

"Hindi ka naman mainit..." usal ko saka ko marahan na ipinatong ang ulo niya sa throw pillow "I told you not to eat those seafoods... but you didn't listen to me..." nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin sa akin ni Angelo "Where are your meds?"

Sky groaned "I think it's in my car..." pabulong niyang sabi "But I've checked it kanina, ubos na pala..."

"HUH? UBOS NA PALA? MEANING PALAGI KANG SUMUSUWAY SA WAG PAGKAIN NUN?" kumuha ako ng tubig saka siya pinainom "Tell me what is your medicine, I'll go get one..."

"I... I d-don't know..." sagot niya sa akin "Si M-Mommy lang at"

"Wait! I'll just call my Dad..." sabi ni Angelo saka kinuha ang phone niya, tinitignan ko lang siya habang nakikipag-usap sa phone "Dad! Yeah... I miss you too... No... I just need to know what is Sky's med for his allergies... Yes Dad...Maybe..." saka siya tumingin sa akin

"I don't know... They ate outside and he was with someone..." saka siya ngumisi sa akin "Yeah... Okay I got it... Hospital?" kumunot ang noo niya "In our hospital? I think that's few miles away from here!"

Naglakad siya ng ilang hakbang "Yes, he is so hard-headed..." saka niya kinuha ang susi sa ibabaw ng center table "Ok, I'll go to our hospital and check that particular medicine... I'll call you later Dad! Bye..."

"Make sure to comfort him..." sabi niya sa akin "I'll be back after an hour..."

"Sir..." tawag ko sa kanya "Mukha pong hindi naman kayo laking Maynila, alam niyo po ba ang way sa hospital na sinasabi niyo?"

"I know it... yeah I think I know it...I've been there once... five years ago..." saka siya ngumiti, oo gwapo nga siya at ang ganda pa ng kutis, mas maputi pa nga siya kay Sky eh at yung mata niya, singkit, nawawala na kung ngingiti siya "Don't worry... My car has GPS..." saka siya kumaway sa akin at tuluyan ng lumabas ng pinto

Nabigla ako sa biglang pag upo ni Sky, bahagya niya akong tinulak sa gilid "Ba-"

"BUWAAAAA!" saka ko hinimas ang likod niya, sumusuka nanaman siya!

"Ang tigas kasi ng ulo mo eh..." kinuha ko ang panyo ko saka marahang pinunasan ang bibig niya, inalalayan ko siyang mahiga "Drink this..." saka ko siya dahan-dahan pinainom

"Gusto mo ba tawagan ko Mommy mo?" I asked him saka ko akmang aabutin ang cellphone ko "Ipapasundo na kita para madala ka na sa hospital..."

"No!" hinawakan niya ang kamay ko "She will just freak out!" saka siya pumikit, nanghihina na nga siya

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!