Chapter 26

4.3K 111 0


Hebe

"What do you want to eat BE?" patingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin at tila aliw na aliw sa ekspresyon ng mukha ko sa tuwing babanggitin niya ang BE!

"Kahit ano po ok lang Si-"tinaasan niya ako ng kilay, napayuko ako "Kahit ano okay lang Sky..."

"Okay, I'll let you choose when we get inside okay?" Saka niya binuksan ang pinto ng isang restaurant, napaka light and fresh ng ambiance ng restaurant, combination ng mga bright colors and different shapes ang nasa loob, may mangilan ngilan na ring kumakain, may couples, may magbabarkada, meron ding mga bata.

Nakahanap rin kami agad ng pandalawahang table at may lumapit rin sa amin agad na waiter.

"They're serving a wide varieties of food... what do you want? Chicken, pork, beef or seafoods?" tinignan ko ang menu na binigay sa amin ng waiter, napatingin ako sa kanya at nagtanong

"Sir bakit hindi na lang tayo sa counter umoorder?" takang tanong ko at tinignan ang relo "Malapit na po umuwi ang Mommy niyo..."

"I texted her already to ask her what she wants for lunch pero she replied na kakainin daw siya with the board members..." napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, kailan niya tinext? Di ko naman nakita na hinawakan niya ang cellphone niya kanina sa sasakyan ah! "But since nandito na tayo and I'm starving, we better eat here... may problema ba?" tanong niya

"S-Sir..."

"Sky..."

"A-Ah... Sky... masyado kasing mahal dito para sa akin..." nahihiya akong tumingin sa kanya, pang cafeteria lang ang budget ko for lunch, kailangan ko bang bilhan ng pangangailangan si Chloe para sa school, kailangan kong magtipid!

"Sinisingil ba kita?" he asked me saka ibinaba ang menu "I'll take care of it!" saka siya nag cross arms "Please be comfortable with me... I don't want to see you trembling while you are talking to me... I'm not gonna eat you!" napalunok ako, ganun ba ako kahalata? Nanginginig kung kausap ko siya? "...at least not here..." saka siya ngumisi at binigyan nanaman ako ng nakakalokong tingin, anong ibig niyang sabihin?

"Kasi naman po, hindi ko naman maiiwasan iyon, boss ko po kayo at-"

"And will you please drop the PO?" kumunot ang noo niya "You see, magkaedad lang tayo... I don't want to look older dahil may nag po-po sa akin..." tumango na lang ako bilang sagot, anog gusto niya parang magkabarkada lang?

"Sir may I take your order please?" tanong ng isang babae na sa tantya ko ay nasa early twenties lang, maamo ang mukha niya at namumula ang pisngi dahil sa blush on na nilagay niya, malagkit ang tingin niya kay Sky at todo makangiti.

"BE, what do you want?" biglang tanong niya sa akin kaya naman napatingin sa akin ang babae, nawala ang ngiti niya sa labi at tinignan akong mabuti

"K-Kung... kung ano na lang sa iyo..." sagot ko kay Sky

"Ok, I want a grilled salmon, peppered shrimp alfredo and cioppino..." nanlaki ang mata ko andami at puro seafoods "For two please..."

"That's all Sir?"

"Yes please..."

"Drinks sir?"

"A freshly squeezed orange juice and water if you may..."

"Okay Sir..." saka umalis na rin ang waitress

"DI BA ALLERGIC KA SA SEAFOODS?" tanong ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin

"How did you know?" napasandal ako at napalunok, oo nga! bakit ko nga ba alam? Kasi Sky ako si Elaine at alam ko kung ano ang bawal at pwede sa iyo!

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!