Chapter 39 (August 22, 2011)

1M 11.3K 1.6K
                                    

DATE POSTED: August 22, 2011


Chapter 39

Naiirita si Kent. Kaninang umaga lang, may kumausap na lalaki sa kanila nagpakilalang si Philip.

This is so stupid... ang sabi nung Philip kaninang umaga, alam niya daw kung sino ang nasa likod ng mga kumakalat na intriga tungkol kay Phoebe. Paanong siya din pala yung?

"What are you talking about?" Hinarap na ni Kent si Elisa.

"Well gusto ko lang naman linisin ang pangalan ko. Some people are blaming me for setting up the projector nung debut ni Phoebe. Well this is the story. Philip asked me to give it to the utility man dahil surprise mo daw yun. Akala ko naman photographer mo talaga siya. I never knew that it contains explicit pictures!" pagtatanggol ni Elisa sa sarili.

"So... kaya pala kita nakitang kausap yung utility man nung debut ni Phoebe? Ganun ba yun? At bakit ka naman naniwala sa Philip na yun?"

"He became one of my photographers sa ilang photoshoot na hindi ko na matandaan. Sa sobrang dami ba naman ng photoshoots ko diba? Haha.. Pero that's not the point in this story! I thought it was a special file na surprise mo kay Phoebe. I'm so sorry Kent I unknowingly became an accessory of the crime. Akala ko nakatulong ako... Hindi ko alam na I'm being used by that Philip."

"To hell to that Philip! Bakit ngayon mo lang yan sinabi!"

"I'm  deeply sorry my dear? I don't know where you've gone. Nawala kayo hindi ba? Hindi ako kasing tapang ni Harley na magpapapressconference din!"

"Aish! He even tried to talk to Phoebe kaninang umaga! Damn it!" inis na inis si Kent.

***

Nagulat si Elisa nang mapagalamang kinausap ni Philip si Phoebe.

Kinausap niya si Phoebe? Naisip ni Elisa.

"Ha? What did he tell Phoebe?" Naku Kent hwag kayong maniniwala sa kanya! He even fooled me! Naku Kent, you should take an action to this. Playboy pa naman yang si Philip. Muntik niya na nga akong ligawan dati eh. Ingatan mo si Phoebe. "

"What?!? Damn, kaya pala puro si Phoebe ang kinakausap niya kaninang umaga! Anong gagawin ko?" tanong ni Kent kay Elisa.

"Sue him!! That picture caused you harm!" pilit niya kay Kent.

"Ha? I don't know Elisa. The laws regarding paparazzi has many gray areas. And I don't wanna waste my time with that stupid photographer! Hwag niya na lang ulit lalapitan si Phoebe ako ang makakalaban niya!"

"Hindi pwedeng ganyan lang Kent! Kailangan mo siyang idemanda!!" pagpipilit ni Elisa.

"GET READY NA!!!  TAKE NA PO TAYO IN 10 MINUTES!!" narinig nilang sumigaw ang isang P.A.

"Listen to me Kent!" bulong niya kay Kent bago sila tumayo.

Naglakad lang ito pabalik sa waiting room.

Humanda ka Philip! Balak mo pa akong ibuko ha!! Buti na lang I'm so brilliant. Uunahan kita. Ako pa ang kinalaban mo... You'll see the true Elisa Romualdez honey...

***

Hindi na nakakain si Phoebe ng dinner. Hindi naman sa wala siyang gana pero nawala na sa isip niya ang pagkain. Hindi niya alam kung bakit hindi diya nagugutom kahit kaunti lang ang nakain niya ng lunch dahil iniwan siya ni Kent.

Balak sanang matulog ni Phoebe ng maaga pero hindi siya dinadalaw ng antok. Hanggang kahit ngayong madaling araw na, di pa rin siya mapakali. Madami siyang iniisip. Ang mga sinabi ni Philip, si Harley, at pati ang shooting ni Kent dahil alam niyang kasama nito si Elisa.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon