For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Gabriel POV

Ang malaki kong problema sa mundo ay overly attached ang gusto kong babae sa bestfriend niya.

To the point the nagseselos ako sa kanila.

Isa pa hindi kami magkasundo ng bestfriend niyang si Jion. Sang-ayon ako na maypagkakatulad kami. Pero ang pagkakatulad namin ang dahilan kaya hindi kami magkakasundo.

Masyadong inosente si Eve na sa tingin niya magiging mabuti kaming magkaibigan.


Ayoko sa kanya dahil parati niyang ginagawang excuse ang pagkakaibigan nila ni Eve.

Masyado silang close na ang ibig sabihin ng pakikipagdate kay Eve ay pakikipagdate din kay Jion.

Ang hirap nila paghiwalayin.


Akala ko talaga hindi ko na sila mapaghihiwalay, pero bigla nalang huminto si Jion sa pagiging third wheel.

Mas okay yun para saken dahil nasosolo ko si Eve.

Sa tingin ko malabong pumasa na ako sa kanya at pinapa-ubaya na niya ang bestfriend niya saken.

Siguro naisip niya na masyado na siyang umeepal samin?

O di kaya sinusubukan niya ako?


Papunta ako ng classroom nila ng merong humarang saken na mga babaeng freshmen.

Hindi ba nila alam na nakakaturn-off kapag ang babae ang humahabol sa lalake?


Lumingon ako sa kanan para tignan kung papalabas na sila ng room.

Mukhang nakita ako ni Eve at lalabas na siya ng room ng hawakan ni Jion ang kamay niya para pigilan siya.


May sinabi si Jion saglit bago niya binitawan si Eve.

Mukha namang natural ang naging paguusap nila.



Kumaway ako kay Eve ng makalabas na siya ng room tsaka ako lumapit sa kanya.

Nakita kong lumabas ng room si Jion. Nilingon niya kami saglit bago siya naglakad paalis.


Hindi siya nakasagot ng magtalo kami kung sino ang pwede kay Eve.


Hindi kaya may gusto siya kay Eve?



Breaktime namin ng dumaan ako sa classroom nila Eve, hindi pa sila dinidismiss. Nakita kong magkatabi sila sa upuan at masayang kausap ni Eve si Jion.

Super dalang niyang tumawa pag ako ang kasama niya.

Hindi ko maiwasan na magisip na baka gusto ni Eve si Jion.

Na baka may gusto sila sa isa't-isa.


Naalala ko tuloy ng unang beses kong makita si Eve, ng unang beses ko silang makita...


Nabunggo ako ng isang babaeng tumtakbo, napahinto siya saglit kaya naman napansin kong umiiyak siya. (A/N: Sa mga gustong magbalik-tanaw, punta kayo ng chapter Attached 2: Feeling na meron ng GF ang Best Friend mo ;) )

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!