Chapter 25

5.6K 128 1


Hebe

"Good Morning..." bati sa akin ng isang matangkad na babae habang nagtitimpla ako ng kape dito sa isang kwarto na kung saan libre ang supply ng kape, asukal, creamer at mainit ng tubig.

"Good Morning..." bati ko rin sa kanya, maputi siya at nakasuot ng skirt. Nagagandahan ako sa buhok niya na hanggang sa leeg lang, shiny iyon at itim na itim.

"I'm Carla..." abot niya ng kamay sa akin "Limang taon na akong nagtratrabaho dito..." sabi niya sa akin "Secretary ako ni Sir Miguel..." talaga? Sa ganda niyang yan secretary din siya? Ilang taon na kaya siya? Mukhang kasing edad ko lang siya eh, siguro maaga nga siyang nagsimula dito.

"Hebe..." abot ko sa kanya "Under training pa ako para maging secretary ni Mam Sophie..." bigay impormasyon ko sa kanya

"Ohh, so ikaw ang papalit kay Miss Liz... wow!" sabi niya sa akin ng nakangiti "Nakakabilib naman, hindi lahat may pagkakataong maging secretary ni Mam Sophie..." ngumiti ako sa kanya

"Ikaw, kumusta maging secretary ni Sir Miguel..." tanong ko sa kanya, inumpisahan niya na ring magtimpla ng kapae habang nagsasalita

"Sir Miguel is a very nice guy..." umpisa niya "Maloko at mabait... hindi pa niya ako nasisigawan since nagtrabaho ako sa kanya, actually si Mam Sophie lang ang unang nagsigaw sa akin..." and then she chuckled "Actually I remembered that time, nagserve ako ng kape para kanila ni Sir Miguel, wala kasi si Miss Liz nun, hindi ko naman alam na hindi siya umiinom ng kape...." and then she looked at me "Well, those were the times na may problema ang kompanya kaya naiintindihan ko naman siya..."

"Ngayon lang kita nakita..." sabi ko sa kanya, kapwa kaming naupo at sabay na nagkape, tinignan ko ang relo ko, maaga pa!

"Si Sir Miguel kasi ang naka assigned sa mga business transactions abroad. Kaya kung saan siya doon ako, hindi kami napipirmi dito sa opisina, mamaya lang nasa Singapore na kami, after nun pupunta kaming Japan tapos dadaan ng Cebu..." nakangit niyang sabi

"Ah ganun ba? Ang sarap naman ng trabaho mo!" puri ko sa kanya

"Hm... tulad mo pinalitan ko lang din yung secretary ni Sir, balita ko nga eh secretary pa yun ng lolo niya nung siya pa ang may ari ng kompanya... after kasing mag merge ng GLC at ng company ni Mam Sophie, mas lalong lumaki iyon, tapos si Mam Sophie na ang naging President and CEO ng merged company." Oo alam ko iyon!

"Ang aga mo naman..." puna ko sa kanya

"Oo eh, mamaya lang darating na si Sir Migs, ayon kasi sa sched niya ngayon, may business meeting siya sa Singapore, kailangan din naming makaalis agad..." tinignan ko ulit ang relo ko, nasa opisina na kaya si Sky? nakain na kaya niya yung binili ko?

"Nice Meeting you Carla..." ngumiti ako sa kanya "...but I have to go now, baka kailangan na ako ni Mam Sophie..."

"Uhmmm!" mabilisan niyang hinigop ang kape niya "Wait, sabay na tayo! Andun na rin yun si Sir Migs..."

"Alam mo ang swerte mo talaga..." himutok niya habvang naglalakad kami pabalik ng office ng mga amo namin "Si Sir Sky ang magiging boss mo soon..." pati ba naman siya may gusto kay Sky?

"Ganun? Bakit naman?" sagot ko sa kanya

"Shempre, lagi kang inspired magtrabaho, lagi mong katabi yung gwapo at mabango mong boss..." saka pa nag giggled, napailing na lang ako, kung ako lang talaga ang papapiliin, kahit magpalit na lang tayo ng amo!

"Sus! Bakit hindi ba gwapo at mabango si Sir Miguel?" tanong ko sa kanya na kinapula niya

"Ayy... mabango, sobrang bango nga eh kaya kahit sa pagtulog ko naaamoy ko siya HAHAHA" sagot niya sa akin "Crush ko kaya yun si Sir, ang lakas kasi ng sense of humor at ang galante...." dugtong niya "Wag kang maingay ah, baka ipatapon ako ni Mam Sophie sa kangkungan kung nalaman niya..." warning niya sa akin bago pa man kami nakapasok ng opisina

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!