"SHUT UP! MAS GWAPO AKO SA IYO, PWET LANG KITA!" saka ko narinig si Angelo na tatawa tawa at nag eenjoy sa panunuod sa amin

"Sige na Sky..." himas ko sa kanya

"Kadiri ka pare!" hampas niya sa kamay ko

"Pakiss pala bago ako uuwi!" saka ako ngumuso

"GAGO!" saka niya sinara ang pinto right in front of my mouth-watering handsome face!

----

Sophie

"Good morning Princess..." halik ko sa pisngi ni Haley "Good Morning Angelo..." bumeso rin ako sa kanya

"Good morning Mommy!" sabay nilang bati sa akin, and I saw Haley's deathly glare. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa inaagnas itong si Angelo!

"What did you say?" taas kilay ni Haley kay Angelo

"Good Morning Mommy..." nakangiting sagot ni Angelo, oh this young man, he is like his father, the sweet smile and light personality! Kuhang-kuha niya!

"SHE IS NOT YOUR MOM! CALL HER TITA! TITA! TITA!" sigaw ni Haley sa kanya

"But she told me that I can call her mommy since my mom is her-"

"I DON'T CARE! AYAW KITANG MAGING KAPATID OR WHAT KAYA DON'T WANT YOU TO CALL MY MOTHER, MOMMY! YOU GET IT?"

"Then if you don't want us to be siblings then your mom can treat me as her son-in-law!" and Angelo winked at Haley, I saw Haley's face turned red.

"WHAT DID YOU SAY? DO YOU WANT ME TO KILL YOU?" hindi ko alam kung dahil sa galit o kasi kinilig siya sa sinabi ni Angelo.

"What is happening here?" tanong ni Miguel na umupo na to start our breakfast, my handsome husband is wearing his three piece black suit na I bought for him last month

"Wala, nagkakatuwaan lang ang mga bata..." sagot ko sa kanya

"Where is Sky?" tanong niya

"Dad, maaga siyang umalis..." sagot ni Haley

"Why?" I asked her

"Bibisitahin niya daw yung girlfriend niya..." sagot niya sa akin saka ngumiti "Mag-uusap daw sila..."

"Girlfriend?" kumunot ang noo ko "May girlfriend na ang kuya mo?" and Haley just smiled at me

Kailan pa? Sino? Magkaka apo na ba ako?

-----

Cemetery

Sky

"Okay lang ba sa iyo kung... kung hahanap na ako ng bagong babae?" saka ko inayos ang thin cloth na dala ko na isinapin ko sa namamasang damo "Hindi naman ibig sabihin nun na kakalimutan na kita eh..." I sat down and faced her marble tombstone.

"Elaine you will always be my number one..." I smiled at her, at her tombstone... "Pero kung may number one shempre may number 2,3,4,5..." saka ako tumawa "Pero shempre joke lang...

I brought some flowers and Ferrero Rocher for you..." saka ko nilapag yun tabi niya "It's not a bribe pero kung yun ang tingin mo. okay lang din..."

"Elaine...it's been thirteen years and Mom wants her grandchild na... Kung andito ka lang siguro nabigyan na natin siya ng isang dosena... Ikaw kasi masyado kang excited nauna kana dyan..." I took a deep breath, medyo madilim pa at obvious na walang tao sa paligid, kaya okay lang ang ginagawa ko.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!