Chapter 21

3.8K 100 1


Hebe

"OH MY GOD! KAPATID!" tili ni Ynna ng lumabas ako ng kwarto "Bagay na bagay sa iyo yang suot mo! Grabe ang ganda mo!" puri niya sa akin saka ako pinaikot ikot, humiram kasi ako ng damit sa kanya, swerte namang may nagkasya sa akin. Wala namang akong damit na tulad nito eh!

"Ipapahiram ko lahat ng nasa closet ko sa iyo para may suotin ka sa trabaho, tapos yung ibang hindi ko pa nasusuot na binili ni Mama nung akala niyang mag tratrabaho ako, naku ibibigay ko na sa iyo!" Tuwang tuwa siya sa nakikita niya kahit si Chloe, ang lapad din ng ngiti.

"Naku Ynna, hindi mo na dapat gawin iyon, nakakahiya at-" tinakpan niya ang bibig ko atsaka siya umiling-iling

"Kapatid na ang turing ko sa iyo Hebe!" saad niya saka ngumiti "Kung anong meron ako, sa iyo din iyon..." Napakabait talaga ni Ynna, walang kupas kahit kailan!

Yumuko ako sa nakangiting si Chloe "Maganda ba ang Mama?" tanong ko sa kanya

"OPO! SANA KASING GANDA KITA MAMA!" sagot niya sa akin na kitang-kita ang bunging ngipin, ginulo ko ang buhok niya saka ko siya hinalikan sa pisngi.

Nabigla kami sa pagbukas ng pinto "Kiro?" sabi ko ng makita siyang nakatitig lang sa akin, siniko siya ni Ynna saka ko narinig ang pag higam niya.

"Oh... ngayon na pala ang s-simula ng trabaho mo?" tanong niya na umiiwas ng tingin sa akin, inilapag niya ang pandesal na binili sa panaderya dyan lang sa malapit.

"Sa totoo lang, ngayon nila ako i-interviewhin." sagot ko sa kanya "At sana matanggap ako..."

"Sa ganda at talino mong yan?" singit ni Ynna "Panigurado Hebe, kaya wag nang mangamba!"

"Saan kaba magtratrabaho?" tanong ni Kiro

"Sa De-"

"Sa isang construction firm Kiro... Secretary..." putol ko sa sasabihin ni Ynna, alam kong mali, pero baka mag-away nanaman kami kung malalaman niyang kila Sky ako magtratrabaho. Ilang beses na niyang akong binalaan tungkol dito. At ilang beses ko na rin siyang sinuway. Pero ipinangako ko sa sarili ko na hanggang trabaho lang ang pakay ko doon. Wala na akong dapat pang asahan bukod sa sweldong tatanggapin ko na malaking bagay para sa akin.

Hindi na ako si Elaine, ako na si Hebe at wala akong koneksyon o ano man sa mga Del Rosario. Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili ko. Pinanatag ko na ang sarili ko kagabi. Kinausap ko na ang sarili ko at nilinaw ko na sa kanya na wala na... wala ng pag-asa para sa amin ni Sky at dapat ko na siyang kalimutan.

"Gaanon ba? Anong oras ka uuwi?" tanong ni Kiro sa akin "Para alam kong sunduin ka!"

"Wag kang mag-alala, kasama ko naman si Ynna doon...sasamahan niya ako papasok ng building at aantayin niya ako palabas kaya wag ka ng mag-abala pang sunduin ako..." sagot ko sa kanya saka ngumiti

Tumango siya sa akin atsaka lumapit "Hayaan mo lang nakaladlad ang buhok mo..." nakatingin siya sa leeg ko "At tandaan mo Hebe tandaan mo ang mga sinabi ko sa iyo..." napalunok ako sa ginawa niya, ayaw na ayaw ni Kiro na pinupusod ko ang mahaba kong buhok lalo na kung lalabas kami. Ayaw niya kasing a-ayaw niya kasing makita ang balat ko sa batok!

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!