Chapter 20

5.1K 97 0


Hebe

"Tahan na Hebe..." bulong ni Kiro sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko "Hindi mo na dapat pa inasahang makikilala ka niya... labing tatlong taon na ang nakararaan... at isa pa bagong ikaw na ang humarap sa kanya!"

Naiintindihan ko iyon, pero ganoon na lang ba kababaw ang pagkakakilala niya sa akin? Na kahit ang mga mata ko... ang boses ko na hindi naman nagawang palitan ay hindi niya nakilala? Gustung-gusto ko siyang tanungin...kausapin... hawakan... yakapin... pero hindi ko magawa! Hindi pwede...

"Bukas ng umaga pwede na rin akong lumabas... sa bahay na lang ako magpapalakas..." tumango lang ako at pinunasan ang mga luha ko, sabay pasok ni Ynna na dala ang biniling tubig

---

"ANO? PAG-AAWAYAN NANAMAN NATIN ITO?" sigaw ko kay Kiro habang nakaupo sa sofa, mayroon pang benda ang ulo niya at alam kong nananakit pa ang buo niyang katawan, pero pinipilit nanaman niya ang gusto niya, gusto niyang pumasok ngayon sa trabaho!

"Oo nga Kiro..." sabat ni Ynna "Sinabi ko na kay mama ang kalagayan mo... and she said that you better rest na lang daw muna!"

"Hindi pwede, paano si Hebe? Si Chloe? Ano isang buwan akong ganito? MAGUGUTOM ANG PAMILYA KO!" saka siya tumayo pero tinulak ko ulit siya sa upuan.

"Hayaan mo akong magtrabaho Kiro at gumawa ng paraan... hindi lang ikaw ang may responsibilidad dito!" matigas kong sabi, nakatingin lang siya sa akin at saka ko narinig ang pag buntong hininga niya

"Magpapahinga ka at ako muna ang magtratrabaho..."deklara ko

"Yes that's good!" nag-uusap kami ni Ynna tungkol sa trabaho na matagal na niyang sinasabi sa akin "Tapos ka naman ng college, alam kong malaking factor yun para matanggap ka sa trabaho!" sagot sa akin ni Ynna "Isa pa irerecommenda ka ni Mama... pasok ka agad doon!"

"Ano ba ang gagawin ko?" tanong ko sa kanya

"Secretary!" sagot niya sa akin "Magiging subordinate secretary ka ni Engr. Sophie Del Rosario!" napanganga ako sa sinabi niya

"Lalo kasing lumalaki ang kompanya nila at sa dami ng gawa ni Engr. Del Rosario, ng schedules... meetings... hindi na kaya ng secretary niyang si Liz ang mag-isa... isa pa, matanda na rin si Liz..." bakit pati si Liz na secretary ni Tita eh kilala ni Ynna? Sobra naman ata ang pagka obsessed niya sa pamilya nila!

"Ang alam ko eh balak na rin niyang mag resign para mag-asawa..." napailing siya "Sa pagka devoted niya kay Engr. Del Rosario eh hindi na niya napansin na mag fo-forty na siya at wala pang asawa't anak!" napalunok ako sa sinabi ni Ynna, ano pang alam niya tungkol sa pamilya? Alam rin ba niya ang tungkol sa akin? Ang pagkawala ko? Ang connection ng Co sa mga Del Rosario?

"Kaya kung nagkataon, ikaw na ang magiging full time secretary ni Engr. Sophie!" kuminang-kinang pa ang mata niya "At aalamin mo lahat ng tungkol sa sekreto nila sa pagpapaganda!" saka siya humalakhak, napailing na lang ako.

Huminga ako ng malalim "Bakit?" tanong niya "Ayaw mo?" nabigla pa siya sa reaction ko, kung... kung papasok ako doon... hindi ba magugulo ang buhay ko? "Isa pa andito na sa pinas ang super duper gwapong si Fafa Sky!" kilig na kilig na sabi niya

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!