Chapter 17

5.3K 131 0



Hebe

Abala ako sa pagtutupi ng mga damit dito sa kwarto ng makuha ang atensiyon ko ng magazine na naiwan ni Ynna nung nakaraang araw, tumayo ako saka kinuha iyon. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang cover ng magazine, Sila Sky, buo, kompleto at masaya!

Marami ng nagbago pero hindi parin kumupas ang kagwapohan niya, Ngumiti ako. Mas gwapo nga siya ngayon eh. Matalino si Sky, marami akong nababalitaan tungkol sa kanya dahil na rin kay Ynna, siya lang ang nagbibigay sa akin ng dahilan para malaman ko ang mga bagay na nangyayari sa pamilya Del Rosario pagkatapos ng ilang taong pananahimik kasama si Kiro.

Umupo ulit ako atsaka binuklat ang magazine na hawak-hawak. Hinaplos ko ang litrato ni Sky na kung saan nakatayo siya sa tabi ni Tita Sof habang nakangiti. Ang matangos niyang ilong, ang mapupulang labi, ang mga nakakatunaw niyang titig... andyan parin...

"Sky..." bulong ko ng bilang may pumasok ng kwarto

"Kiro!" saka ko biglang natiklop ang magazine, alam ni Kiro ang lahat tungkol sa akin, kung sino ako, at sino si Sky sa buhay ko, kung anong klaseng pamilya ako galing at kung sino at ano ang ama ko... ang ama ko... hindi ko na siya nakita pa muli pagkatapos ng aksidente, hindi naman ako pinagbawalan ni Kiro na bisitahin ang puntod ni Daddy at n-ng taong nakalibing doon na pinaniniwalaan nilang ako.

Hindi ko alam kung sino ang nakalibing doon, pero magiging masama ba ako kung magpapasalamat ako sa kanya kasi siya ang umako ng lahat ng para sa akin? Na niligtas niya ako sa ano mang banta sa buhay ko?

"Tinitignan mo nanaman yan?" bigla niyang tanong, nakapaningkit ang mga mata niya at diretsong nakatingin sa akin

"Naiwan lang ni Ynna..." sagot ko saka tinabi ang magazine

"Tapos lahat yun tinatago mo?" umupo siya sa tabi ko, hindi na lang ako sumagot

"Bakit siya ang gusto mo?" tanong niya

"Kulang ang isang araw kung iisa-isahin ang rason..." sagot ko

"Masyado siyang mataas para sa iyo" sabi niya

"Gagawin ko ang lahat maabot ko lang siya..." sagot ko

"Hindi ka ba nangangalay sa pagtingala?" tanong niya

"Tulad ng pagsunod niya kung saan man ako pumunta? Hindi... hindi kailanman..." sagot ko, saka niya inabot sa akin ang isang larawan at umiling

"Mapapagod ka rin..." lahad niya, ngumiti lang ako at hinawakan ang litrato

"Napaka gwapo mo parin..." saad ko

"Kaya hindi kayo bagay!" aniya saka tinalikuran ako, ngumiti lang ako at bumulong

Hanggang titig na lang ba ako? Hanggang tanaw na lang ba ako mula sa malayo? Maaalala mo pa kaya ako? Saka sumilay ang mapait kong ngiti...

Hinalikan ko ang litrato at saka bumulong "You're my friend, my life, my love...You're my Sky..."

"May mga bagay at tao ka na kailangan ng kalimutan...." rinig kong sabi ni Kiro bago siya lumabas ng pinto "Kailangan mong gawin yun kung gusto mong manatili kami ni Chloe sa buhay mo Hebe..."

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!