Chapter 16

3.5K 93 0



Hebe

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ko ang malakas na ulan at hangin sa labas! Ano ito? May bagyo nanaman? Mabuti na lang walang kasamang pagkulog at pagkidlat, inayos ko ang kumot ni Chloe, malamig ang gabi... naka tutok rin sa amin ang electric fan na kailan lang nabili ni Kiro... siya kasi ang gumagamit ng luma sa may sala.

"KIRO!" tawag ko sa kanya ng makalabas ako ng kwarto, sa may upuan siya natutulog "Yung mga sinampay sa may terrace!" saka naman siya agad bumangon at sinamahan akong kunin ang mga damit, malakas ang hangin at ulan, halos nabasa na rin kami pero nagawa rin naming isilong ang mga iyon.

"Hebe..." saka ako napatingin sa kanya, inabot niya sa akin ang tuyong twalya "Magpunas ka!" saka ko naman iyon inabot

"Kiro... pwede ba tayong mag-usap?" saka siya tumingin sa akin, yung mga tingin niyang alam na niya ang mga susunod na mangyayari, inabot ko sa kanya ang twalya at siya naman ang nagpunas.

"Sige..." saka siya naupo sa mumurahing sofa na siya rin ang bumili.

"Kiro..." simula ko "Labing tatlong taon na tayong ganito... hindi ba mas tamang hayaan mo naman akong gumalaw at tumayo sa sarili kong mga paa?" kanina ko pa gustong sabihin iyon sa kanya, kaso andito si Ynna... may mga bagay na kami lang ni Kiro ang nakakaalam... at pwedeng makaalam.

"Hebe..." yumuko siya "Alam mo naman kung gaano kadilikado kung lalabas ka at ilalantad mo ang sarili mo!" lumapit ako sa kanya sa ko hinaplos ang balikat niya

"Kiro... thirteen years... thirteen years na ang nakararaan... ikaw na rin ang may sabi... patay na ang dalagang hinahanap nila... ang dalagang pinagtangkaan nilang patayin... binigyan mo ako ng bagong buhay... niligtas mo ako... Kiro... sa tingin mo hahayaan kong mapahamak ang sarili ko?" napatingin siya sa akin "Pinatay nila si Elaine... pero binuhay mo si Hebe... wag kang mag-alala... I'll be fine!"

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko saka marahang pinisil iyon "Kahit na! K-kahit na... hindi natin alam kung... kung hinahanap ka pa nila! Paano kung andyan lang sila nag-aabang sa iyo?"

"Malabo yun! Kiro magtiwala ka naman sa akin... ano na lang ang pupuntahan ng sakripisyo mo para sa akin kung hindi mo rin ako hahayaang magtrabaho?" Si Kiro ang nag sustento at nagpaaral sa akin hanggang makatapos ako ng kolehiyo.

"Elaine!" nangiti ako ng marinig ang pangalan iyon.

Elaine... Elaine Co... ang pagkatao ko na namatay na labong tatlong taon na ang nakararaan.

"Walang masama kung pagkakatiwalaan mo ako..." ngumiti ako sa kanya saka ko sinapo ang kaliwa niyang pisngi "Ikaw lang ang meron ako... at si Chloe... hindi ko hahayaang mawala kayo... kaya naman magtiwala ka Kiro... magtiwala ka sa akin..."

Labing tatlong taon na ang nakararaan ng mangyari ang aksidenteng bumago sa buhay ko... Nagising na lang ako sa loob ng hospital na may benda ang buong mukha.

Si Kiro... Si Kiro ang nandoon para hawakan ang kamay ko, siya ang nagpatahan sa akin habang walang tigil ang pag iyak ko, ang umaalo ng sakit na dulot ng mga sugat sa buo kong katawan... si Kiro... si Kiro ang nagligtas sa akin... ang nagbigay sa akin ng bagong buhay!

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!