Chapter 8

3.7K 100 0



Elaine

"Thank you huh!" nakakapit parin ako sa braso ni Sky habang naglalakad kami sa loob ng mall, nakasuot siya ng jacket na may hood at baseball cap. Hindi lang sikat si Sky sa school, sikat rin ang pamilya nila dahil ilang beses na silang na feature sa isang Family Magazine.

"Para saan?" tanong niya sa akin habang bahagyang tumingin pababa, matangkad kasi talaga siya, manang-mana sa ama.

"Sa pag-imbita mo sa akin..." sagot saka ako ngumiti "Dito sa mall..." kinikilig nanaman ako! "First date natin ito huh!" lakas loob kong sabi sa kanya, narinig ko lang siyang tumawa

"First date mong mukha mo!" pang-aasar niya, pero ramdam ko, biro lang niya yun, mahal kaya ako nito! Denial lang!

"Tsss!" sagot ko saka nag pout at mas lalong kumapit sa braso niya, napadaan kami sa isang bookstore, merong mga magazine na naka-display sa labas, kinuha ko ang latest magazine na ang cover ay ang pamilya ni Sky "Hindi mo sinabi sa akin na kayo nanaman ang front cover dito ah!" hindi siya umimik

"Teka lang!" sabi ko sa kanya at dumiretso ako sa may counter, narinig kong tinawag niya ako pero di ko na lang siya pinansin, mabilis akong naglabas ng pera para sa hawak ko "I'll take it!" sabi ko saka ngumiti sa cashier

"Naku, ang benta talaga ang magazine na ito pag ang mga Del Rosario ang nasa front cover... Ang gwapo kasi ni Engr. Miguel Del Rosario ano?" kausap niya ang katabi niyang cashier

"Naman! Kaya nga naging sila ng napakagandang si Engr. Sophie Rodriguez..." sagot sa kanya ng katrabaho "Imagine, college sweathearts, tapos nagkalayo pero sa huli sila parin... " mukhang kinilig pa ang siya matapos sabihin iyon "Pero ang gwapo talaga ni Miguel... kahit dalawa na ang anak niya... haayyy... para silang hindi tumatanda!"

"Ok lang yan, meron naman silang anak oh! Tignan mo si Sky... ang gwapo! Ang bata pa pero obvious na ang kagwapohan! At yung babae, kamukhang kamukha ng nanay, naku paglaki kasing ganda niya rin yun panigurado!"

"AHEM!" tikhim ko "Paki punch na lang po at medyo nagmamadali ako, nag-aantay kasi ang kasama ko sa labas!" putol ko sa pagchichikahan nila.

"Ay sorry mam..." agad namang hingi ng tawad ng isang cashier

Nagsalita ulit ang isa sa mga cashier habang binabalot ang magazine na binili ko "Alam mo ba na nakakuha ng scholarship si Sky sa isang sikat na school sa ibang bansa, pero ang ang alam ko tinanggihan niya yun... ayaw niya daw mag-aral sa ibang bansa..." napalunok ako matapos marinig iyon

"TALAGA?" singit ko at bigla silang napatingin sa akin, tumango lang siya


"N-Nabasa ko lang sa isang article..." sagot niya sa akin saka inabot ang binili ko, I hurriedly went out of the shop

"SKY!" sigaw ko, biglang yuko naman niya, tumingin ako sa paligid "A-ah! Eh sorry..." bulong ko pagkalapit ko sa kanya "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may nakuha kang scholarship sa ibang bansa?"

Nagsimula na kaming maglakad "Para sa college yun!" sagot niya sa akin habang nakabulsa ang dalawang kamay. Kahit kailan talaga, isang tanong isang sago tang lalaking ito!

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!