Chapter 7

5.8K 145 1


Elaine

I'm here sitting alone on a bench under a tree near the soccer field, kanina pa ako nanunuod ng practice nila Sky, kanina pa rin kasi natapos ang huling klase ko, one week after ng vacation namin sa Baguio, masasabi kong naging extra sweet and caring na rin si Sky, pero in his unusual way, I mean, Sky kasi is not like other men, Sky is more on actions rather than words, he will let you feel what he wants to say to you, you will never hear even a single word from him about what he feels, but he will surely show what he want to express to you.

Sky is sweet especially to her mom, mama's boy yan eh! Pero hindi lahat may alam, He is also good in socializing, he smiles to every person who will greet him, kaya nga maraming nababaliw diyan eh! Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sa akin lang siya nagsusungit, he always frown kung nakikita niya ako, he always shouts at me, he's always mad at me, ang ganda-ganda ko naman pero bakit parang inis na inis siya sa mukha ko!

Naku, kung hindi lang ako palabasa ng mga romantic stories sa wattpad na kaya nagsusungit si boy kay girl ay dahil gusto niya rin ito, matagal na akong nawalan ng pag-asa, yun na lang ang kinakapitan ko lalo na sa ganitong mga panahon!

Confusing and kinda complicated, ganun kami ni Sky. I love him and I feel that he loves me too! Pero he is always reserved and I understand that naman, bata pa kami oo, kaya siguro he doesn't want to take what's between us to a serious type case. I sighed.

Bakit ba ang gwapo at ang bangu-bango niyang tignan kahit pa basa na siya ng pawis? Kahit ibabad mo rin siya sa initan, hindi parin mawawala ang pagkamestizo niya, manang-mana siya kay Tita Sophie, the epitome of Real Beauty. Sana buhay rin ang mommy ko, kasing ganda rin kaya siya ng mommy ni Sky?

"Colet..." nabigla na lang ako ng nasa harap ko na si Sky "Asan inumin ko?" tanong niya sa akin habang tumulo ang pawis niya, saka ko naman inabot ang energy drink sa kanya, ininom niya yun, ang saya!

"Aantayin mo ako?" he asked me

"Of course!" masigla kong sagot "Kahit gaano pa katagal Sky... I will wait you..."

He pinched my nose "Wag na! Matatagal pa ako eh!" he beamed, nakaka inlove talaga ang ngiti niya!

"No!" mairiin kong sagot "I'll wait dito lang ako..." saka ako umayos ng upo

"Osige... dalawang round na lang..." saka niya ginulo ang buhok ko at tumakbo pabalik ng field, busy siya ngayon kasi malapit na yung competition nila sa Europe, nakapasok kasi ang school namin sa international league kaya puspusan ang training ng soccer team, isa si Sky sa inaasahang magpapanalo ng laro!

Nilibang ko ang sarili ko sa paglalaro ng mga brain-tickling games sa IPAD ko ng may biglang dumating.

"Oh girl, bakit nandito pa sa school natin ang babaeng yan?" tumingin ako sa grupo ng mga babaeng papalit sa akin, si Trisha yung nagsalita, anak ng isang General.

"Oo nga, di ba may pinapangalagaag image itong school? Bakit hindi pa kick-out ang babaeng yan?" sabi naman ni Eunice, half British half maldita, she claimed na may royal blood daw siya! Like who cares? Mas maganda parin ako sa kanya! And the last hing I know, siya ang current girlfriend ni Toffer, kailan ba sila naging? Ah, kahapon ata!

"Baka naman hindi totoo ang sinabi ng Daddy mo Trish?" tanong naman ni Carylle na anak ng isang Governor

"Excuse me? Why would he lie?" maarteng tanong ni Trisha "He is a General, he has all the access lalo na sa mga gaanong kaso!" pagmamayabang niya

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!